Pabiglang nabangon si Helena sa kanyang kinahihigaang kama. Agad niyang inilibot ang kanyang mga paningin sa paligid. Nasa loob na siya ng kanyang kuwarto at nakahiga. Bakit ako napunta rito? Hinahabol ako ng mga bampira sa loob ng gubat pagkatapos ay nahulog ako sa bangen. Ngunit bakit ako nandito sa loob ng aking kuwarto? Don't tell me that everything that happened was just a part of my dreams? It can't be. Kaya ba wala siyang maalala sa kanyang nakaraan? Kung sino ang mga magulang niya at kung tagasaan siya dahil isang panaginip lamang ang lahat? At lahat ba ng nangyari sa pagitan nila ni Duncan ay bahagi lang din ng kanyang panaginip? Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang kanyang pakiramdam sa kanyang natuklasan. Ngunit agad din niyang sinawata ang kanyang sarili. Bakit naman bibigat

