Salad

1121 Words
Felicia's Point of View Nasa parking lot na kami subalit hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang aking utak. Ni wala akong ideya kung papaanong naglalakad ako kasama si Kalt. “What are you thinking?” he interrupted my thoughts. “Caesar Salad—I mean, wala! Huwag mo nga akong kausapin,” pagtataray ko sa kanya na tinotoyo na naman. Bakit nga ba kami magkasama at nag-uusap? Paano nga pala kami humantong sa ganito? Naitagilid ko ang aking ulo at napapatitig na lamang sa iritadong mukha niya. Nakabukas ang bintana ng kanyang sasakyan at inip na inip niya akong hinihintay. “Do you want me to carry you? O baka gusto mo pa na pagbuksan kita ng pinto?” iritado niya pa ring tanong. Tinitignan ko lang siya na para bang walang narinig at hindi alam kung sasakay ba o maglalakad paalis. “Ano ba, Felicia? Mag-isip ka nga,” bulong ko sa aking sarili at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang presensya ni Kalt sa aking likuran kaya umikot ako upang harapin siya. Isang pitik sa noo ang aking natanggap dahilan upang bumalik ako sa katinuan. “Why did you do that?” naaasar kong tanong. Hinawakan ko ang aking noo at masama siyang binalingan ng tingin. “Masakit,” reklamo ko pa. “Snap out of it, Felicia. Ano ba'ng iniisip mo, ha? Gising na gising ka ngunit nasa ibang planeta naman ang utak,” aniya na medyo napapalakas na ang boses sa iritasyon. Kulang na lang ay magpang-abot ang kanyang mga makakapal na kilay at magliyab ang kanyang mga mata sa galit. Pumikit-pikit ako at hindi man lang nakuhang alisin ang atensyon sa mga mata niya. Ibang-iba talaga ang pakiramdam ko. 'Yon bang ayaw ko siyang makita ngunit gustong-gusto naman ng sistema ko. Nakakainis. Nabigla ako sa ginawa niyang mahinang pagtapik sa aking pisngi. “Are you possessed or overdosed?” tanong ni Kalt na gulong-gulo na sa inaasta ko. Aalisin niya sana ang kanyang kamay sa aking pisngi subalit hinawakan ko ito. It's warm; Kalt's hand. Shuta! Felicia, mali nga sabi! Napalunok ako at nagulat sa ginagawa kong katangahan. “Shemay,” naibulong ko at itinulak palayo ang kanyang kamay. “Bakit mo ako hinawakan?!” tanong ko sa kanya na pilit ibinabalik sa kanya ang sisi. Tinitignan ako ngayon ni Kalt na tila ba galing ako sa ibang planeta habang tiim ang bagang. Nagpipigil ng sariling sigawan ako. “You're creeping me out, Felicia. Kapag hindi ka pa tumigil, iiwan kita rito,” aniya na nakuha pang ikuyom ang mga kamay. “Ha? Ano ba'ng kasalanan ko?” pagmamaang-maangan ko, matakasan lamang ang ginawa kanina. Siya naman kasi ang mali dapat! Hindi niya na ako natiis at naglakad na siya pabalik sa kanyang sasakyan. Napatalon ako sa gulat nang malakas niyang isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Mabilis niya itong ipinaharurot paalis at iniwan na nga ako ng tuluyan. Ginalit ko yata. “Baby, huwag kang gagaya sa daddy mong bugnutin,” naibulong ko. Natigilan ako sa ideyang buntis ako at kalauna'y mapait na ngumiti. “Ganito siguro ang naramdaman ni mama noong ipinagbubuntis niya ako,” sambit ko na malungkot man ay nakuha pa ring ngumiti. “Don't worry, I'll raise you no matter what.” Hinawakan ko ang aking tiyan at napabuga ng hangin. Walang gana akong naglakad habang patuloy na iniisip ang Caesar Salad. Iniisip ko pa nga lang ay naglalaway na ako. Ilang minuto ang nagdaan ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Tumigil ito malapit sa akin at namataan kong si Kalt pala ito. Blangkong-blangko ang mukha niya habang ibinababa ang bintana ng kanyang sasakyan. “Sakay, Felicia,” utos niya na sa harap lamang ang tingin. “Tsk, tignan mo 'tong lalaking 'to. Kunwari galit pero may pakialam naman.” Patago akong napangiti lalo na't lumingon siya sa direksyon ko. Punong-puno ng otoridad at sobrang itim talaga ng awra. If he insists then okay. Hindi naman siguro masamang makisakay 'di ba? Pagkaupong-pagkaupo ko ay hindi niya talaga ako pinapansin. Naitaas ko na lamang ang aking kamay nang muli niya akong lingunin na may malalamig na mata. Inayos niya ang seatbelt at umayos ng pagkakaupo. Uy, may pagka-gentleman din pala 'tong si Kalt. “Bakit mo ako binalikan?” naitanong ko bigla sa gitna ng katahimikan. Napaka-awkward ba naman. “It'll rain,” masungit niyang sagot. Nagkapalit ata kami kasi siya na ang tinotoyo ngayon. “Ano ngayon kung uulan? Hindi ka naman mababasa,” usisa ko dahilan upang tignan niya ako ng masama. Para akong tutang tumahimik sa gilid at itinuon ang atensyon sa labas. Nakakita ako ng restaurant na nagbebenta ng Caesar Salad kaya kinulit ko si Kalt. Langya, saan nanggagaling 'tong pagiging childish ko? Ang mood swings? Ganito ba talaga kapag buntis? “Ibaba mo na lang ako rito. May bibilhin kasi—hoy! Sabing itigil mo ang sasakyan,” pangungulit ko pa na hindi niya pinansin. Nagdabog ako na kalauna'y umayos din ng upo nang tignan niya ako. Wala akong nagawa kun'di ang sundin siya. Nakabusangot akong tumingin sa labas habang patuloy na nagdadabog ang aking utak. Ang sungit! Eh sa gutom na gutom na 'yong tao! Hipokrito talaga! Kaasar! Sunod-sunod na patak ng ulan ang nagpatigil sa akin. “Pati ulan, sumusunod sa kanya,” bulong ko at napabuntong-hininga. Tumigil ang sasakyan dahil naka-red light pa. Hindi ko na kinausap si Kalt o ni binalingan ng tingin. Asar na asar at gutom na gutom. “Pati ang panahon masama,” bulong ko ulit. Nagulat ako sapagkat may biglang humarang na supot sa aking harapan. Naguguluhan kong tinignan si Kalt na nasa harap pa rin ang tingin. Tumikhim siya bago nakuhang magsalita. “I lost my appetite. Eat it,” sabi niya na hindi agad nagrehistro sa aking utak. “Bakit ka bumili kung ayaw mo namang kumain?” usisa ko na ikinapikit niya. “Do you want it or I'll throw it away?” pagsusungit niya dahilan upang agawin ko ang supot mula sa kanyang kamay. “Akin na nga,” sambit ko at mabilis na binuksan ang supot upang makita ang laman. Nanlaki ang mata ko sa bumungad sa akin. “Caesar Salad!” masayang sambit ko na hindi napigilan ang mapangiti. Nilingon ko si Kalt at nahuli ko siyang tinitigan ako na mabilis niya ring ibinalik sa daan. Ipinatakbo niya na ang sasakyan habang ako parang batang nakuha ang gustong laruan mula sa magulang. “Thank you,” sambit ko habang ngumunguya. “I just get rid of it. Bakit ka nagpapasalamat?” Muli siyang nagsungit na ikinatango-tango ko. Kanina, naiinis ako tuwing sinusungitan niya ako pero ngayon tila may bago akong nadiskubre mula sa kanya. He seems arrogant yet he's the opposite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD