Kenaih's Point of View
“Are you okay, babe? Masakit pa ba?” I asked Kalt. He's not in the mood so Kalt just nodded as an answer.
Nasa hospital kami ngayon upang muling dalawin si tita. May leukemia ang mommy ni Kalt kaya kailangan nito ng chemotherapy. Nakakainip man ay nagkunwari pa rin akong apektado sa sitwasyon ng kanyang mommy.
I showed them my sweetest smile and tried to talk with tita Karen but she just don't wanna talk with anyone right now. Mabuti na rin para hindi na ako magsayang pa ng laway. Mawawala rin naman 'yan sa mundo soon so I won't bother to impress her.
“How are you feeling, mom?” tanong ni Kalt na binabalewala rin ni tita.
I saw frustration and how hurt Kalt is. Lumapit ako sa kanya at tipid siyang nginitian. “Let's just leave her alone for now, babe. Maybe she needs peace of mind,” I said. Gustong-gusto ko na rin kasing umuwi at magpahinga.
Tipid ding ngumiti si Kalt sa akin at lumapit sa ina. Hinalikan niya ito sa pisngi bago kami nagpaalam na umalis. “I'll be back tomorrow, mom.”
Tsk, bakit niya pa pinaglalaanan ng oras ang maldita niyang ina? Napakabastos. Ni hindi man lang kami nakuhang batiin lalo na ako. Knowing na ikakasal na kami ni Kalt next week.
“What do you want for lunch, babe?” I asked. Mukhang wala ata siyang planong kumain.
Sayang, nagki-crave pa naman ako kay Giovanni.
Papalabas na kami ng hospital nang masalubong namin si Iris, ang kaibigan ng bruhang si Felicia. “Iris? What are you doing here?” usisa ko. Napatingin na rin si Kalt sa kanya.
“Nahimatay kasi si Felicia kanina kaya dinala siya ni Mr. Del Mar dito,” paliwanag ni Iris na ikinangiwi ko.
Buti nga. Masyado kasing hambog.
“Ang bilis naman ata ng karma?” ngisi ko na ikinaseryoso nina Iris at Kalt.
“Ha?” pagtataka ni Iris na wala palang alam sa naganap kanina. Sinagot ko na lamang siya ng pag-iling at niyaya na si Kalt na lumabas.
“Kena, I need to deal with something for now,” biglaang saad ni Kalt na aking ipinagtataka.
Ano naman kaya ang gagawin niya?
“It's fine. Kaya ko ng umuwi mag-isa. Mukhang importante 'yan,” sambit ko na akalain mo ay isang understanding na girlfriend.
Mas pabor pa nga ito sa'kin sapagkat makakasama ko ulit si Gio.
Patago akong napangisi at hinalikan si Kalt sa magkabilaang pisngi. Ibinigay niya sa akin ang susi ng kanyang kotse at tinalikuran na ako. Nang makitang papalayo na siya ay tinawagan ko na si Gio.
Malapad na ngiti ang sumilay sa aking labi nang sagutin ni Gio ang aking tawag. “Lunch?” makahulugang tanong ko sa kabilang linya.
“Sure,” halakhak niya dahilan upang mas lalo akong mapangiti.
My lunch will probably give me satisfaction. This is so fun.
Felicia's Point of View
“Why are you here?” Zavnier asked Kalt. Mababakas ang iritasyon sa paraan ng pagtingin niya rito habang ang aroganteng si Kalt naman ay naka-poker face lang. Ni hindi siya nag-abalang tignan si Zavnier.
“Let's talk,” ani Kalt na ako ang kinakausap sa halip na si Zavnier. “On private,” dagdag niya pa na ngayon ay seryosong sumulyap kay Zavnier at ibinalik ding muli ang tingin sa akin.
Tinignan ko si Zavnier at tumango sa kanya. “I'm fine,” pagpapanatag ko sa kanya na ayaw talaga akong iwan kasama ang aroganteng CEO na ito.
“I'll buy some fruits for you,” sambit ni Zavnier na labag sa kaloobang nilisan ang aking silid.
Ibinalik ko naman ang aking atensyon kay Kalt na ngayon ay napapangisi na. “Daig mo pa ang babaeng tinotoyo. May sakit ka ata sa utak, tsk,” bulong ko na napapairap na sa ere.
“Wala akong oras para riyan.”
“Eh, ba't ka pa pumunta rito?” sarkastiko kong tanong sa kanya.
“Will you just shut up? I'm here to clear things between us. Lalo na sa gabing iyon,” salaysay niya na ikinatahimik ko.
Nagsimulang mag-iba ang pakiramdam ko at bigla na lamang uminit ang aking pisngi. “H-Huwag kang mag-alala. Wala akong interes sa'yo!” sambit ko na medyo napalakas ang pagkakasabi. Ni hindi ko na siya matignan ng maayos ngayon.
“I need to settle this before you ruin my wedding,” pang-aakusa niya.
“Wala nga sabi akong pakialam! Sino ka ba para paglaanan ko ng oras? Umalis ka na nga, nasusuka ako sa'yo. Akala mo naman kung sinong gwapo,” pantataboy ko sa kanya na ikinatagpo ng kanyang kilay. Ni hindi niya matanggap ang mga sinabi ko.
“Excuse me?” Tumayo siya at lumapit sa akin. “A lot of girls fall in love with me,” aniya na animo'y ngayon lang nakarinig ng ganoong mga salita. Para bang natatapakan ang ego niya dahil sa mga nasabi ko.
Inilapit niya pa sa akin ang kanyang mukha upang patunayan ang mga sinasabi niya. “Look at me,” utos niya na hindi ko sinunod. Napaka-uncomfortable kasi ng paglapit niya.
“Lubayan mo nga ako. Kahit anong gawin mong pag-akit sa akin, hindi 'yan tatalab. Kulang na lamang kasi tubuan ka ng pulang bandila sa ulo mo,” sagot ko na pasulyap-sulyap lang ang ginagawa. Naaamoy ko kasi ang nakakaadik niyang pabango baka bumigay ako.
Nakahinga ako ng maluwag sapagkat umayos siya ng pagkakatayo at inayos niya rin ang kanyang damit. “Sabagay mababang uri ka naman—aray!”
Napahawak siya sa kanyang noo nang tumama rito ang unang ibinato ko sa kanya. “Umalis ka na nga. Sinisira mo ang araw ko!” sambit ko na aktong babatuhin ulit siya ng isa pang unan ngunit biglaang tumunog ang aking cellphone.
“Zavnier? What's the matter?” tanong ko sa kabilang linya habang masamang dinapuan ng tingin si Kalt.
“Nariyan pa ba si Mr. Davenport?” tanong niya dahilan upang matahimik ako.
“Papaalis na siya. Kakatapos lang naming mag-usap,” walang ganang sagot ko. Bakas naman ang pagkainip sa ekspresyon ni Kalt.
“Can you pass the phone to him?” suyo ni Zavnier na ipinagtataka ko.
Ano bang nangyayari?
“Hoy,” pagkuha ko ng atensyon ni Kalt na sobrang sama din ng tingin sa akin. “Kakausapin ka raw ni Zavnier,” dagdag ko pa.
“Why? Sa pagkakaalala ko hindi kami magkaibigan para—fvck! Ano ba?!” Binato ko ulit siya ng unan na sapol sa kanyang mukha.
“Ang daming sinasabi. Kunin mo na,” pagmamatapang ko.
“You're talking as if you're superior than me. I am a CEO,” aniya na ikinairap kong muli sa ere. Kahit kailan nakakawalang gana siya kausap.
“President din ako sa klase namin dati. Uulitin ko, wala akong pakialam sa antas mo o kung sino ka man. Masyado kang maingay, kuya,” pang-iinis ko sa kanya na wala ng nagawa kun'di kunin ang cellphone mula sa akin.
Nag-usap sila ni Zavnier kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon upang ayusin ang aking sarili. Bumabalik na rin naman ang sigla ko kaya tumayo ako at hinanap ang aking sapatos. Pwede na rin naman akong umuwi dahil naayos na ni Zavnier ang lahat. He paid my hospital bills to be exact.
Ano kaya ang pinag-usapan nilang dalawa?
Hindi ko mapigilang mapasulyap sa direksyon ni Kalt na biglang napahilamos sa kanyang mukha. Tumalikod siya sa akin nang mapansin akong nakikiusyoso.
“Why me?” iritadong tanong ni Kalt dahilan upang mas lalo akong magtaka. “Fine!”
Nabigla ako sa pagtataas ng boses ni Kalt. Tapos na ako sa pagtatali ng sintas at napansin kong tapos na rin siya sa pakikipag-usap kay Zavnier.
“Anong pinag-usapan ninyo?” tanong ko.
Sa halip na sagutin ay mahina niyang ibinato sa akin ang aking cellphone na nasalo ko naman. Hindi na siya nagsalita pa na halatang nagpipigil ng galit.
“Umalis ka na nga kung wala ka rin namang sasabihin,” sambit ko na kasalukuyang tinatalian ang aking buhok.
“Let's go,” aniya na nakatalikod pa rin sa akin.
“Ha?”
“Fvck, bakit ka nga ibinilin sa akin ng lalaking iyon?” he murmured. “Ano? Gusto mo ba na buhatin pa kita palabas?” Hinarap niya ako na ngayon ay nakapamaywang na.
“I don't need your help. May paa ako at bakit naman tayo magsasabay, kuya?”
“The heck? Kuya?” tanong niya na hindi makapaniwala.
Anong mali roon? Kuya ko naman talaga siya. Aroganteng kuya!
“Bakit ka ba nagagalit? Sa pagkakaalam ko ay mas matanda ka ng two years sa akin—” Natigil ako sa pagsasalita nang daluhan niya ako at itinulak sa pader.
“Inuubos mo talaga ang pasensya ko, Felicia,” maotoridad niyang saad habang titig na titig sa aking mga mata.
Nakatayo lamang siya sa harapan ko ngunit iba na ang naging dating nito sa aking sistema. Bigla na lamang akong nagkaroon ng sinok lalo na nang alisin niya ang tali sa aking buhok.
“Hindi bagay sa katulad mo ang mag-inarte.” Sobrang lapit niya sa akin dahilan para makita ko ng maayos ang kanyang mukha. Patago ko tuloy siyang pinupuri. Kinain ko ang mga sinabi ko kaninang wala akong interes sa kanya.
“Stop staring at me, Felicia,” suway niya sa akin na hanggang ngayon ay natatameme pa rin.
Bakit iba ang dating kapag siya ang nagsasabi ng pangalan ko? Felicia, nakalimutan mo atang nakatitig ka pa sa kanya. Gumising ka!
Dahan-dahan kong itinaas ang aking kanang kamay papunta sa kanyang pisngi. Ni hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko. Lutang na lutang talaga ako sa mga oras na ito. Hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa kanyang pisngi.
“Tara na,” pagputol niya sa kahibangang ginagawa ko.
Tinalikuran niya ako at nauna ng lumabas ng silid. Naiwan sa ere ang aking kamay na mabilis ko ring naibaba. Hindi ko alam pero may parte sa aking nasaktan dahil sa pangbabalewala ni Kalt sa akin. Nagising tuloy ako sa katotohanan at biglang may natanto sa nangyari ...
Mali ang mahulog sa lalaking may nagmamay-ari at ikakasal na sa iba.