Karma

1230 Words
Felicia's Point of View Nakagat ko ang aking labi dahil sa aking katangahan. Dahan-dahan kong tinignan si Kalt at ang nakataas niyang kilay ang sumalubong sa akin. Sobrang sama ng titig niya sa akin habang nakaekis ang mga braso. “You're hiding something,” maotoridad na salaysay ni Kalt. Tila ay may nahihinuha sa nakitang ekspresyon sa aking mukha. Sagot, Felicia! Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kaniya, lalo na at marami na rin ang nakikiusyoso sa amin. Para akong ginigisa sa lagay kong ito. Nagsisimula pang mag-iba ang aking pakiramdam. Napalingon ako kay Zavnier na magsasalita na sana ngunit inunahan ko siya nang maalala si Erza. “M-Mr. Valmorie's daughter! Tama, naikwento lang sa akin ni Erza ang tungkol sa iringan ninyo,” palusot ko na tila hindi pa rin siya nakukumbinsi. “Is that so? Nakikipag-usap na pala ngayon sa basura ang prinsesa ng Valmorie?” panunuya ni Kalt sa akin na nakuha pang ngumisi. Kalauna'y naglaho ang kanyang ngisi at napalitan ng blangkong ekspresyon. That's out of line! Lang'yang Kalt, napakalaitero! Gag*! Dala ng bugso ng damdamin, umamba ako ng sampal sa kaniya subalit nagawa niya itong pigilan. Mariin niyang hinawakan ang aking palapulsuan at nakipagtagisan ng tingin sa akin. “Ano ba? Bitawan mo ang palapulsuan ko,” pabulong ko itong sinabi sapagkat nasa gilid lang naming dalawa sina Zavnier at Michell. Gigil na gigil ako sa inaasta niya ngayon at naiinis din ako sa aking sarili. May parte kasi sa aking nagugustuhan ang pagiging malapit ni Kalt. Titig na titig siya sa akin na animo'y pinag-aaralan ang sinasabi ng aking mga mata. Iniwas ko ang aking tingin ngunit hinuhuli niya talaga ito. “Not until you tell me the truth,” pagmamatigas ni Kalt na mas lalong hinigpitan ang paghawak sa aking palapulsuan. He raised his brow and I saw how his jaw clenched. “Bitaw,” mahinahon kong pakiusap na pinipilit na ikalma ang sarili. Patuloy kong ininda ang sakit ng pagkakahawak niya at pilit na inaagaw sa kanya ang aking kamay. Hindi ba siya nahihiya? Nandito si Michell for whoever's sake! “Hindi ka ba takot na mawalan ng trabaho? Bago ka magmatapang, matuto ka ring lumugar, mababang uri,” aniya na tuluyan na talagang umubos ng aking pasensya. Idagdag pa ang iginawad niyang mga titig na punong-puno ng disgusto. “Bitaw sabi, gag*!” sigaw ko na hindi na talaga kinakaya ang mga nangyayari. Tinuhod ko ang nakaumbok niyang p*********i at nakuha pa siyang sampalin ng pagkalakas-lakas. Mabaog ka sana! “What the heck?!” Sa pagkakataong ito ay nakisali na si Michell sa amin. Lalo na at nakita niyang namimilipit sa sakit si Kalt. Masakit talaga 'yon at deserve niya ang ginawa ko. “Wala akong pakialam kung sino ka man o kung saang antas ka nanggaling. Deserve mong masampal!” galit na galit kong sigaw na hindi na talaga mapigilan ang sarili. Kumukulo ang dugo ko, bwes*t! Lumapit si Zavnier sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong braso. “Enough, Felicia. You need to stop if you don't want them to discover who you really are,” pagpapaalala sa akin ni Zavnier dahilan upang bumuga ako ng hangin at mabilis na tumalikod. Bago kami tuluyang makaalis ni Zavnier ay narinig ko pa ang mga salita ni Kalt na nagpangisi sa akin sa sobrang iritasyon. “I'm not done with you. Tandaan mo 'yan!” Naglakad na kami paalis ni Zavnier at nakasalubong namin ang naguguluhang si Iris. “Anong nangyari? Bakit ang intense ata ng paligid?” pagtataka niya na hindi ko na nagawa pang sagutin. Sinagot na lamang siya ni Zavnier ng pag-iling. Mas mabuting matanggal ako sa trabaho kung araw-araw kong makikita ang dalawang iyon. Wala akong pakialam at handa akong ipaglaban ang sarili ko. “Namumutla ka, Felicia. Okay ka lang ba?” tanong ni Iris. Pansin ko rin ang pag-aalala sa akin ni Zavnier dahilan upang magpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nginitian ko sila subalit natigil ito sapagkat biglaan kong naramdaman ang pag-ikot ng paligid at ang pandidilim ng paningin ko. “Felicia? Felicia!” rinig kong sigaw ni Iris bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang ako sa hospital at sumalubong sa akin ang nag-aalala pa ring si Zavnier. “Finally, you're awake.” Hindi ko siya nasagot sapagkat may doctor na dumating dala ang isang balitang kapwa nagpalaglag ng panga namin ni Zavnier. “P-Po?” pagkumpirma ni Zavnier sa sinabi ng doctor. “Congratulations, you're going to become a father. She's two months pregnant,” pag-uulit nito na aking ikinapikit-pikit. Umalis na ang doctor pagkatapos at naiwan kami ni Zavnier na hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Nagkatinginan kami sa isa't isa at ako ang unang umiwas sa mga nagtatanong niyang titig. “Zav, I-I'm sorry. Nasali ka pa sa gulo—” “Who's the father?” mabilis niyang tanong na seryosong-seryoso na hinintay ang magiging sagot ko. “I don't know,” I lied. Ayaw kong kagaya ni Kalt ay tignan niya rin ako ng puno ng disgusto. Mas mabuting hindi na niya malaman. “What? Pa'nong hindi mo alam, Felicia?” usisa niya na mas inilapit pa ang upuan upang mas makita niya ang aking mukha. “It was a mistake. I was drunk that night and—” Hindi ko na itinuloy ang aking sasabihin at napayuko na lamang. Nakakahiyang si Zavnier pa ang unang nakaalam ng katangahang nagawa ko. He'll be disgusted for sure and I can't blame him. “Paano ang pamilya mo? For sure they'll discover it sooner or later. What will you do?” sunod-sunod niyang tanong na kahit ako ay walang makuhang sagot sa aking sarili. “Hindi ko alam, Zav. Isa lang ang nasisiguro ko; my dad will hate me even more,” I said while my tears started to fall. Nahihiya ako lalong tignan si Zavnier sa lagay kong ito. I'm a mess, so is my life. “I'll take the responsibility, Felicia,” seryosong sambit ni Zavnier na aking ikinalingon. “What? No. Hindi kita idadamay dito, Zavnier. Problema ko ito kaya—” “I'm not afraid of the consequences. Hindi ko lang maatim na mag-isa kang nahihirapan,” aniya na aking ikinapikit. “Salamat, Zavnier pero haharapin ko itong mag-isa. Hayaan mo akong ayusin ang gusot na ginawa ko.” “But—” “If you don't want to ruin our friendship then stay out of this,” maotoridad kong sagot kay Zavnier. Napahilot siya sa kanyang sentido at kalauna'y tumango-tango sa akin. “Fine,” labag sa kalooban niyang salaysay at tipid na ngumiti sa akin. Salamat at kahit papaano'y may isang Zavnier Del Mar na handa akong damayan sa kabila ng gulong pati siya ay nadadawit. Sa gitna ng pag-uusap namin ni Zavnier ay bigla na lamang may pumasok na muling nagpakulo ng aking dugo. Napatayo si Zavnier at pinilit ko namang umupo sa kamang hinihigaan ko ngayon. Isang nakangising Kaltheo Lavish Davenport ang sumulpot. Papaalisin sana siya ni Zavnier ngunit pinigilan ko siya. This man, Kalt is probably here to mock me and I can't let him do that behind me. “Karma really do haunt people,” panunuya niya at tinaasan ako ng kilay. “Am I right, Felicia?” he smirked and sat at the chair in front of me. Bakit nga ba siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD