Felicia's Point of View
Napatingala ako kay Zavnier na nakatitig na sa aking mga mata ngayon. Seryosong-seryoso siya na tila ba binabasa ang mga iniisip ko; na siya ring naging dahilan upang lubayan ko siya ng tingin. Dahan-dahan akong umatras at mabilis na pinahid ang takas kong luha.
He's a stranger like Kalt. I can't be involved with someone again.
“I'm sorry for hugging you. It isn't my intention to frighten you, Felicia,” paumanhin ni Zavnier na sinagot ko lang ng muling pagtingin sa kanya na punong-puno ng pagtataka.
“My bad. Let me introduce myself. Zavnier,” pagpapakilala niya. Naglahad siya ng kamay na kaagad kong sinundan ng tingin. “Zavnier Del Mar.”
“Paano mo nalaman na isa akong Valmorie?” tanong ko na medyo kinakabahan sa binibigay niyang titig sa akin.
Nabura ang pangambang ito nang biglang lumitaw ang magkabilaan niyang dimples at ang napakatamis niyang ngiti. “Sa wakas nakilala rin kita, Ms. Felicia. Lagi kang nababanggit ni Erza kapag nagkakausap kami,” makahulugan niyang saad na hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o lalayuan.
“Don't worry, wala akong pagsasabihan,” salaysay ni Zavnier na nakuha pang itaas ang kanang kamay. “I promise.”
He's talking to me comfortably, like we're some sort of friends.
FAST-FORWARD
Matapos ang nakakahiyang insidente sa Lavish Resort, medyo naging malapit nga sa akin si Zavnier. Isang linggo na akong nagtatrabaho na kasama siya bilang direktor. Madali namang pakisamahan si Sir Zavnier kaya hindi ako gaanong nahihirapan sa tinatrabaho namin ngayon.
Magdadalawang buwan ko na ring hindi nakikita si Mr. Davenport na ikinapanatag naman ng aking kalooban. Gusto ko na sana talaga siyang kalimutan subalit usap-usapan ngayon ang nalalapit nilang kasal ni Kenaih.
In fact, ito ako nanginginig sapagkat bibisita silang dalawa sa set. Gusto kong umalis ngunit hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong makita si Mr. Davenport. May kakaiba akong nararamdaman na animo'y gusto ko siyang yakapin o 'di kaya ay hinahanap ang kanyang amoy.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?
“Felicia? Are you alright?”
Napalingon ako sa kalmadong si Zavnier na kanina pa pala pilit na inaagaw ang aking atensyon. Hindi na ako nakasagot pa dahil sa pabangong otomatikong bumuhay sa aking kaloob-looban. Napabalikwas ako ng tayo sapagkat bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mr. Davenport kasama si Kenaih na may malapad na ngiti.
Natataranta ako sa presensya nila at tila mababaliw na talaga sa kinatatayuan ko ngayon. Kinakausap nila ang ibang staff bago sila nagtungo sa direksyon namin ni Zavnier.
“Sir Zavnier—I mean, Zavnier, m-may g-gagawin lang ako. Pupunta akong restroom!” natatanga at natataranta kong paalam kay Zavnier. Dalawang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay hinila na ako pabalik ni Iris na kakarating lang.
“Tatakas ka na naman, Felicia,” bulong sa akin ni Iris na mahigpit na kumapit sa aking braso upang mapigilan ako sa pag-alis.
“Let me go, Iris. Please ...” Otomatiko akong napatingin kay Mr. Davenport na nakatingin na rin pala sa akin dahil sa huling salitang aking nabanggit.
Sh*t!
Pilit kong iniwasan ang titig ni Mr. Davenport subalit tinatraydor na naman ako ng aking sarili. Napapasilip talaga ako sa kanya na kapag nakikita ko ang kanyang mukha, tuwang-tuwa ako at sobrang excitement ang dumadaloy sa akin.
Habang nag-uusap si Kenaih, Iris at Zavnier, napapasulyap naman kami sa isa't isa ni Mr. Davenport. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang guluhin ang aking buhok at itakip ito sa aking pagmumukha.
“What's up with her?” usisa ni Kenaih na bakas na ang pagtataka sa aking ikinikilos.
“Ano ba'ng ginagawa mo, Felicia?” tanong ni Iris. Pilit niyang inaalis ang buhok na nakatakip sa aking mukha.
Kinakabahan ko namang pinipigilan si Iris na hindi pa rin ako nilulubayan. Natigil lamang kami sapagkat biglang nagpaalam si Zavnier sa amin ni Iris. Sinundan naman siya ni Kenaih kaya nakahinga ako ng maluwag kasi alam kong sasama sa kanya si Mr. Davenport.
“Pinapahiya mo ako kay Mr. Del Mar, sis. O siya, tatapusin ko lang muna 'yong pinapatignan sa aking manuscript,” nagtatampong salaysay ni Iris. Pipigilan ko sana siya subalit nasalubong kong muli ang seryosong ekspresyon ni Mr. Davenport.
Laglag ang aking panga sapagkat dahan-dahan siyang humahakbang patungo sa akin. Nakagat ko ang aking labi sa nakakakilabot niyang mga titig sa akin ngayon. Mukhang nahihinuha niya na kung sino talaga ako.
“Let's talk,” madiin niyang sambit at marahas akong hinila sa isang sulok kung saan wala masyadong dumadaan.
“A-Ano pong pag-uusapan nat—” Napatalon ako sa gulat sa galit na ipinapakita niya sa akin ngayon. Marahas niyang hinawakan ang aking baba at nanggagalaiti akong tinignan.
“Sino? Sabihin mo. Who the hell paid you to seduce me?” mahinahon niyang tanong subalit mas natatakot ako dahil sa mga mata niyang sobrang lamig.
Alam na niya!
“I-Ikaw ang lumapit sa akin. I was drunk that night and you, you've mistaken me as Kenaih.” Halos ibulong ko na lamang ang huling salita. Nanginginig na kasi ang aking tuhod at hindi ko na maipirmi ang aking tingin sa kanya.
“That's it! You're not Kenaih! Alam mo naman pala pero bakit hindi ka umayaw? Fvck!” Nilubayan na niya ako. Napahilamos siya sa kanyang mukha at pagkatapos aynakapamaywang na ibinalik ang nanlilisik na mga mata sa akin.
Habang ako, eto napaupo na nga ng tuluyan dahil sa nakakatakot niyang awra. Sa kabila ng takot ko ay may nangingibabaw pa ring kagustuhan na yakapin siya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tumingala ako sa kanya nang magsimula siyang maghalungkat ng pera sa kanyang pitaka. Alam ko na ang binabalak niya dahilan upang kumulo ang dugo ko sa sobrang inis.
“I know your kind. Pera lang naman ang magpapatahimik—”
“May nakasulat bang pera sa mukha ko para tignan mo ako ng ganyan?” pagmamatapang ko. Pilit na tumatayo para harapin siya.
“Why? Kulang pa ba 'to? Do you need a million or more just to shut up?” pangmamaliit niya sa akin. Biglang umangat ang gilit ng kanyang labi at tinaasan ako ng makapal niyang kilay.
“Ang mga basura at mababang babaeng katulad mo ay pare-pareho lamang ang gusto; pera. Mukha kayong pera, kaya huwag kang umastang naiiba ka sa kanila,” panunuya niya sa akin na mababakasan pa rin ng iritasyon.
Naikuyom ko ang aking kamay at tinitigan siya ng masama. “Sabihin mo 'yan sa fiancée mong an*mal ka,” naisambit ko na dumagdag lang sa kanyang galit.
Itinulak niya ako sa pader at ikinulong sa kanyang bisig. “Huwag na huwag mo siyang ikukumpara sa'yo. Hinding-hindi kayo magkalebel.”
Nababaliw akong humalakhak dahilan upang magtagpo ang kanyang mga kilay. Sino ba siya para tapakan ako ng ganito? Hindi lang naman ako ang may kasalanan sa pagkakamaling iyon.
Tinaasan ko rin siya ng kilay at umirap bigla sa ere. “RIP, opps—I mean, congratulations on your marriage, Mr. Davenport. Nakabingwit ka ng napaka-loyal at hindi mukhang perang mapapangasawa. Good luck,” sarkastiko kong salaysay na nagawa pa siyang ngitian ng peke sabay itinulak ko siya palayo sa akin.
Naguguluhan pa rin siya sa sinabi ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon upang umalis na. Muli niya akong tinawag kaya tumigil ako sa paghakbang. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagdesisyon na lingunin ang kanyang kinaroroonan. Nabigla na lamang ako sapagkat sa aking paglingon, sumalubong sa akin ang mga perang itinapon niya sa mismong pagmumukha ko.
Naghalu-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko'y sobrang liit ng tingin niya sa akin para tratuhin niya ako ng ganito. I bit my lower lip and clenched my fist.
Huwag mo siyang papatulan, Felicia!
Pumikit ako at sa halip na magalit, ngumiti ako sa kanya. “I can't accept your money, Mr. Davenport. Mukhang kukulangin pa 'yan kay Kenaih. Isa pa, I preferred black, gold and platinum cards. Pakipulot na lang 'yan dahil nagkakalat ka sa set,” mapanuya kong tugon at nagawa pa na taasan siya ng kilay.
Umigting ang kanyang panga na parang leon na handa na akong lapain. Gusto ko tuloy siyang inisin pa lalo subalit nakaramdam ako ng kagustuhang dumuwal kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa restroom. Hindi na inalintana ang naiwang si Mr. Davenport.
He deserves that! Pasalamat siya at hindi ko siya sinapak!
Patuloy ako sa pagduwal, ni hindi man lang alam kung anong nakain kong mali para magkaganito ako. Pakiramdam ko'y sasama sa pagduwal ang aking mga lamang loob.
Pagkatapos dumuwal ay gusto kong kumain ng Caesar Salad. Normal naman siguro ito pagkatapos kong mailabas ang mga kinain ko.
Kaasar!
Nanghihina kong hinanap si Iris subalit si Zavnier at Kenaih ang nakasalubong ko. Nilubayan ni Zavnier ang nakangiti sa kanyang si Kenaih dahilan upang mapairap ito sa ere.
“Ang putla mo, Felicia. You're not okay this time,” nag-aalalang sambit ni Zavnier na nagawa pang hawakan ang aking noo.
“I'm fine, Zav. Gutom lang 'to,” pagpapanatag ko sa kanya. “Tapusin mo muna ang pinag-uusapan niyo ni Ms. Filomeno,” dagdag ko pa dahil sa pagkabagot na ipinapakita ni Kenaih.
“I'm done discussing with her. Ni hindi man lang pamilyar sa storyline. Kung makaasta akala mo'y hindi siya ang author,” bulong ni Zavnier na aking ikinalunok.
“B-Baka nakalimutan niya sa dami ng kanyang naisulat,” bulong ko pabalik. Nagkibit balikat lamang sa akin si Zavnier at kapwa kami ngumiti sa isa't isa.
Tss, ni hindi man lang pinag-aralan ni Kenaih ang story.
Natigil kami ni Zavnier sa pagngingitian dahil sa pagtikhim ni Mr. Davenport. Nawala tuloy ako sa mood dahil sa presensya niya. Tumatak na sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.
“Mr. Davenport.” Nakipagkamay si Zavnier sa kanya. Bahagya naman akong sinulyapan ni Mr. Davenport na binalewala ko lamang. “Thank you for letting us use your resort,” ani Zavnier na ipinagtataka ko.
Ha? Don't tell me sa resort niya kami magsho-shoot? Hindi maaari!
“Hindi pwede!” pagpigil ko sa kanila.
“What's the problem, Felicia?” usisa ni Zavnier sa akin.
“Valmorie and Davenport were rivals. Hindi ba't galit ka sa da—kay Mr. Valmorie?” pagtatanong ko na muntikan pang maisiwalat na isa akong Valmorie.
Tinaasan ako ng kilay ni Mr. Davenport. Nagtataka rin akong tinignan ni Zavnier at Kenaih.
“Who told you that? Walang nakakaalam sa bagay na 'yan at isa pa maliit na alitan lamang iyon. We resolved that a month ago.” Hinintay nilang tatlo ang sasabihin ko. Pakiramdam ko'y iniihaw nila ako lalo na sa sinabi ni Mr. Davenport.
Shemay, nagkaayos na pala sila ni daddy? Anong idadahilan ko ngayon?!
Langya, bakit sunod-sunod akong inaatake ng mga problema? Magmula ng makilala ko ang bwes*t na si Kalt, gumulo bigla ang takbo ng tahimik ko na sanang buhay.
Lang'ya talaga!