Bahay

2658 Words
Kaltheo’s Point of View Kahit kinamumuhian ko si Felicia hanggang ngayon, kailangan ko pa rin siyang pakisamahan. Hindi lang dahil buntis siya kun'di marahil isa siya sa daan upang makuha ko ang tiwala ni daddy. Ipapamana lamang sa akin ng aking mga magulang ang Benj Industries kapag nabigyan ko na sila ng apo. Yes, I’m heartless but that's who I am. “Hindi pa rin ba siya lumalabas, hijo?” tanong ng kanyang lola na sinagot ko muna ng iling. “Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyan,” dagdag niya pa. “Oo nga po,” pagsang-ayon ko upang hindi magmukhang walang pakialam. “Pero kahit ganyan 'yang si Zanni, napakabuti niyang bata. Isipin mo, namatay ang mama niya sa sakit at siya mismo ang nakakita. Idagdag pang ipinagtabuyan siya ng ama dahil nga anak lamang ito sa labas. Kahit ganoon, hindi niya kailan man naisipang maghigante sa ama. Nakakaawang bata pero lumaking matatag,” nakangiting salaysay ng matanda. Nagseryoso ako sa sinabi niya at napatingin na lamang bigla sa pintuan kung nasaan si Felicia. Hindi ko kasi alam kung sino talaga siya at wala akong kaide-ideya kung anong klaseng babae nga ba talaga siya. I only saw her annoying side. That won't change anything though. “Sana huwag mo siyang pabayaan. Alam kong pinipilit niya lamang maging matatag subalit nakakalungkot isipin na maiiwan na naman siyang mag-isa. Alam ko ang pakiramdam na iyon,” muling habilin ng matanda na aking ikinapikit. I’m not here to babysit but fine. For her sanity and my dream, I’ll stay with Felicia ... for now. Felicia’s Point of View Nakahiga lang ako buong maghapon sa aking kama. Hinahatid lamang ni lola ang pagkain sa kwarto. Ni isang beses, hindi man lang ako tinignan ni Kalt. Wala nga talaga siyang puso! Bakit nga ba ba lagi akong nahuhulog sa patibong niya? Kaunting kibot niya lang ng mabulaklaking mga salita, tumitiklop din ako. Tang’na talaga! Kinabukasan, nagising ako sa paulit-ulit na pagyugyog ni lola. Umupo ako at kalauna'y nagtaka dahil sa presensya ni Kalt, malapit sa pintuan. His eyes were bloodshot at nang mapansin niyang nakatitig ako ay inilihis niya ang kanyang paningin. “Kailangan niyo ng bumalik sa Arcadeo, apo,” panimula ni lola na may nag-aalalang mukha. “Ayoko pong bumalik—” “My mom wants to see you for the last time,” makahulugang sambit ni Kalt. Last time? Bakit? Saan ba pupunta si tita? Sa halip na magtanong pa ay kumilos na ako nang marinig ang dahilan ng pag-uwi namin. Kinakabahan at nagtataka ako kung ano ba talagang meron. Lalo pa at tahimik lamang si Kalt habang kinakausap na ni lola ngayon. “Mag-ingat kayo, hijo. Huwag mong kalimutan ang mga ibinilin ko,” baling niya kay Kalt. Anong mga pinag-usapan nila? Alam na kaya ni lola ang tungkol sa totoong nangyari sa amin ni Kalt? “I’ll miss you, la. Mag-ingat ka rin po. I love you,” paalam ko kay lola na mahigpit siyang niyakap. Niyakap niya ako pabalik at nakakalokong bumulong ng, “Naka-jackpot ka, Zanni. Ang bait ng mapapangasawa mo.” Hindi ba nakita ni lola ang pulang bandila sa ulo ni Kalt? Napangiwi akong muli nang tuluyang makasakay na sa sasakyan ni Kalt. Sobrang tahimik at ang lalim-lalim ng iniisip niya ngayon. Ni hindi niya ako kinukulit o sinusungitan. Diretso ang tingin sa daanan at kulang na lamang ay lumipad kami pakabilang buhay sa sobrang bilis niyang magmaneho. Nakatulog ako buong biyahe matapos kumain at nang magising ay naabutan ko siyang nagpapahid ng isang takas na luha. Why is he crying? “You are finally awake. Let's go,” aniya na hindi na ako tinignan pa. Pilit na itinatago ang nakita ko kanina. “Why are we in a hospital? Kalt, anong gagawin natin dito?” usisa ko na nakatingin lamang sa likuran niya. Hindi ako nakakuha ng sagot kaya sumunod na lang ako sa kanya. “Felicia!” Niyakap ako ni tita Melissa na bahagya ko ring ikinagulat. Anong meron? Bakit pati si tita umiiyak? Nasagot ang tanong ko nang makapasok kami sa isang silid. Nakaratay doon ang fraternal twin ni tita Melissa na si tita Karen. Aniya ay naging ina na rin ang turing ni Kalt kay tita Karen. Kaya pala umiiyak siya kanina. Kung alam ko lang, sana hindi ko na siya kinulit at sa halip ay dinamayan na lamang. “You really are Selene's daughter,” tita Karen chuckled weakly. Putlang-putla na siya at naghahabol na rin ng hininga. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata at nakasuot siya ng itim na bonete upang itago ang nanlalagas niyang mga buhok. Naiwan kaming tatlo ni tita Melissa sa loob ng silid. Gusto ni Kalt na makita si tita subalit hindi muna siya pinayagan nito. Aniya'y may sasabihin siya sa akin. “Take this, Felicia. It's a gift from your mom,” nanghihinang ibinigay ni tita Karen ang isang box na may lamang couple bracelets. “Iniwan sa amin iyan ni Selene bago siya pumanaw. We were friends back then. Best friends to be exact,” dagdag pa ni tita Melissa na ikinatahimik ko. Gulat na gulat ako sa rebelasyong nalaman at sa huling regalong iniwan sa akin ni mama. “Sabi niya, ibigay mo raw sa mapapangasawa mo 'yang isa. How ironic dahil kay Kalt pa talaga iyan mapupunta,” nakangiting sabi ni tita Melissa na ikinangiti rin ni tita Karen. “Thinking about it, I think nakatadhana nga talaga kayo sa isa't isa ni Kalt. Siguro nagkita na kayo rati sa iilang pagbisita namin sa Chastelvania at sa funeral ng mama mo. Bata pa kayo kaya hindi niyo naaalala,” salaysay pa ni tita Melissa. Kaya pala kilala at alam ni tita ang totoong pagkatao ko. I resembled my mom so much, that's what they said. “Thank you po, tita Melissa and tita Karen. I am so happy to meet my mom's best friends. Napakaswerte ng mommy ko sa inyong dalawa,” naiiyak kong sabi sabay hinawakan ang kamay ni tita Karen. “Tita Karen, salamat sa pagtatago nitong regalo ni mommy. Sana nakilala ko po kayo ng maaga ni tita Melissa,” umiiyak ko nang salaysay. I kissed her cheek and whispered, “Thank you.” Umiiyak akong lumabas at nasalubong ang malungkot na si Kalt na kaagad ding pumasok sa loob. Naghintay ako sa labas ng silid ni tita Karen at napahagulgol nang makita ang kahong may lamang bracelets na regalo ni mommy. “Sana nakasama rin kita ng matagal. I really miss you, mama.” Pahid ako nang pahid ng aking luha. Naabutan ako ni tito Benj sa ganoong estado. “Are you okay, Felicia?” he queried. Hinaplos niya ang aking likod upang tumahan ako. Animo'y totoong tatay na buong buhay kong hindi nakasama. “Okay lang po ako, tito. Pumasok na po kayo sa loob,” pagngiti ko upang mapanatag siya. Tumango siya sa naging sagot ko at dali-daling pumasok. Natapos ang isang malungkot na araw. Tita Karen passed away and only Kalt is with her. Iyon ang huling hiling niya; ang makasama ang anak sa huling pagkakataon. Dalagang namatay si tita Karen kaya si Kalt na lamang ang meron siya sa huling pagkakataon. I was too young to be sad like this when my mom passed away but I know, I won't forget her. Pakiramdam ko hindi siya nawala ngayong suot-suot ko ang bigay niyang bracelet. Isang buwan ang nakalipas, hindi ko pa rin mabigay-bigay kay Kalt ang bracelet. Pakiramdam ko ay maling siya ang pagbibigyan ko gayong hindi niya naman talaga ako mahal. Isa pa, simula ng pumanaw si tita Karen, lagi na rin siyang umuuwing nakainom o 'di kaya ay hinahatid na ng iba dala ng kalasingan. “Kalt, uuwi ka ba ng maaga mamaya?” nag-aalangang tanong ko habang sinusundan siyang nagsusuot ng sapatos sa may pintuan. “I’m busy. Utusan mo si Sara o si Ben kung may kailangan ka,” malamig na sagot niya sabay kinuha ang bag at sinaraduhan na ako ng pintuan. Nakakapagod naman iyong ganito. Si Sara na nag-iisang kasambahay niya ay natatawag ako minsang Kenaih na aniya'y mas mabait pa sa akin makisama. Si Mang Ben naman ay masyadong tahimik kaya nahihiya akong makipag-usap. Para akong tanga sa loob ng bahay na hindi nagsasalita. Mas magiging tanga rin ako tignan kapag mag-isa akong nagsalita. Ano nga bang nararapat na gawin ko? Iiwan ko ba ulit si Kalt at mamuhay na lamang ng normal sa Chastelvania? Pero paano si tita Melissa na napangakuan ko na? Nangako na rin ako kay tita Karen na mananatili sa tabi ng anak kahit na hindi talaga siguradong gusto ba talaga iyon ni Kalt. “I need a breath of fresh air,” nasambit ko sa wakas. Dala-dala ang purse at cellphone ko, umalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. Wala rin namang paki' ang mga iyon. Nagtungo ako sa isang convenient store at bumili ng makakain. Matapos ay nagtungo ako sa park at tahimik na umupo sa isang bench. Hinahaplos ko ang aking tiyan habang kumakain ng ice cream. “Sa wakas nakalabas din tayo, baby. Napaka-busy naman ng daddy mo. Ni hindi na tayo pinapansin,” may mapait na ngiti kong sabi sabay huminga ng malalim. “The world might be against us but I’ll fight for you, baby. Ang tapang kaya ng mama mo,” halakhak ko sabay nilantakan ulit ang ice cream. Ilang segundo pa ang nakakaraan ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad. Hindi naman ganoon kainit kaya okay lang. Tumingin-tingin ako sa paligid at hindi ko napansin ang isang lalaking nakasakay ng bisekleta. Halatang hindi ito marunong kaya sumigaw siya sa akin. Napasigaw na rin ako sa sobrang takot. Sa huli ay hindi niya ako nabangga subalit napaupo ako sa gilid ng damuhan upang maiwasan siya. Napaawang ang aking labi dahil sa labis na pananakit ng aking tiyan. Sobrang sakit na pipiliin ko na lamang mamanhid. Napahiyaw ako kalaunan dahil may dugong tumulo paibaba sa aking hita. “No, baby! Tulungan niyo po ako! Aray! Tu-long po! My baby!” Natataranta na ako at hindi ko alam ang gagawin kung pati ang anak ko ay iiwan din ako. May babaeng lumapit sa akin at humingi na rin ng tulong. Kinuha ko ang aking cellphone at mabilis na tinawagan si Kalt sa sobrang takot. “K-Kalt, help—” Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko ng isang pagalit na tanong. “Why? I’m at work, Felicia. Gotta go.” Binabaan niya ako kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay ang umiyak nang umiyak. Kahit kailan, hindi ko talaga siya maaasahan. Mabuti na lamang at may tumulong sa akin at naisugod ako kaagad sa hospital. Nagkataon din na nasa malapit lamang si Zavnier kaya nahingan ko siya ng tulong. Nagi-guilty man ay wala na talaga akong iba pang malapitan bukod sa kanya. “Are you feeling better?” he asked. Kagagaling niya lamang sa labas upang bumili ng fruits at tanghalian ko. “Wala ka bang trabaho? Naabala ata kita. I’m sorry, Zav,” nanlulumo kong sabi na ngayo'y hinihimas ang aking tiyan. Mabuti na lamang at ligtas ang baby ko. Paniguradong hindi na ako makakabangon pang muli kung pati siya ay nawala. “Don’t say that, Felicia. We're friends sabi mo nga,” medyo mahinang pagkakasabi ni Zavnier sa huling parte. Ngumiti rin siya sa akin ngunit nag-iba ang ekspresyon kalaunan. “Why are you alone? Asan ang gagong si Kalt?” usisa niya na napansin kong umiigting na ang panga. “May trabaho siya, eh. Hindi ko na rin tinawagan baka kasi maabala ko pa,” pagsisinungaling ko. “Don’t worry, Zav. Okay na ako. Kaya ko na ngang maglakad pauwi,” biro ko pa na hindi naman umipekto sa kanya. “Kung ayaw mo na sa puder niya at kung pinapabayaan ka lang ng gagong iyon, mas mabuti sigurong umalis ka na. I know a place, Felicia. Pwede ka roon. Sabihin mo lang at tutulungan kitang lumipat,” he offered. Kahit kailan ang bait talaga ni Zavnier. Sana siya na lang ang nagustuhan ko. “I'm okay, Zav. Huwag ka ng mag-abala pa. Aalis ako ng kusa kapag hindi ko na kaya. I promise,” pampalubag-loob kong tugon na ikinabuntong hininga niya. Hinagkan niya ang aking noo na hindi ko inaasahan. “If things go wrong, call me. I’ll show up no matter what,” aniya na ikinangiti ko. Ang swerte ko rin pala sa kaibigan. Nagngingitian kami ni Zavnier nang biglang sumingit si Kalt. “Why do you mind? She's not your wife to begin with,” he snorted. Nagtitigan sila ni Zavnier na animo'y magsusuntukan anytime. Ang init talaga ng ulo ng dalawang ito. “Kalt, tinutulungan niya lang ako. Tama na nga 'yan,” awat ko. “Felicia's not your wife either. Bakit ba ang gago mo? Pagkatapos mo kay Kenaih, pupunta ka rito kay Felicia? Ano siya option? Tang'na mo, Kalt!” sigaw ni Zavnier. Mabuti na lamang at kami lamang ang nasa loob ng silid na ito. “Why? You like her? Gusto mo bang pumalit sa akin? Dream on!” tugon ni Kalt na mas dumagdag sa tensyon na namamagitan sa dalawa. Ghad, bakit ba sila nag-aaway dahil sa akin? “Tumigil nga kayo! Kalt, tama na! Zavnier, tumigil na kayo!” Hindi nila ako pinakinggan. Napahiyaw ako nang tuluyan na nga silang magsuntukan. May iilang nurse na pumasok at inawat sila. Dala ng kahihiyan at galit, walang alinlangan kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Kita ko ang pagsisimulang pagtulo ng dugo mula rito. Walang salita kong nilisan ang silid na umiiyak. Naiiyak ako dahil sa inis. Bakit ba kasi hindi nila ako pinapakinggan? Hinabol ako ni Zavnier ngunit hindi ko siya pinansin. Hahabulin niya pa sana ako subalit kinausap siya ng isang nurse. Babayaran ko na lamang siya mamaya pagkauwi. Pero saan nga ba ako uuwi? “Hey, where are you going?” Sinundan din pala ako ni Kalt. Kung hindi pa sinabi ni Zavnier, hindi ko malalaman na nakakasama niya pa rin pala si Kenaih. Nakakainis! Hinila niya ang kamay ko at itinaas ito upang hindi na muling tumulo ang dugo. Pilit niyang kinukuha ang atensyon ko pero hindi ko siya magawang tignan. Naiinis ako lalo sa kanya. “Why are you so stubborn? I told you to stay in our house, Felicia! Bakit ba pinapahirapan mo ako lalo?” Iritasyon ang mababakas sa kanyang mukha ngayon. Kulang na lamang ay batuhin niya ako ng hawak niyang cellphone. Our house? Bakit pakiramdam ko hindi naman iyon bahay? Para lamang akong nasa loob ng kulungan at dinadalaw niya lamang paminsan-minsan. Kung maituturing ngang tahanan iyon, bakit nakakasakal? Tahimik nga pero unti-unti ka namang pinapatay ng katahimikang iyon. Katahimikang napakaingay. Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lamang siya ng masama habang patuloy na tumutulo ang aking luha. When my mouth can't find the right words to say, my tears answered for me. Matapos ang ilang segundong pananahimik ay inagaw ko mula sa kanya ang aking kamay at walang pagdadalawang-isip na nagsimulang maglakad. Ramdam ko ang pagsunod niya at muling paghuli ng aking kamay upang maiharap ako ulit sa kanya. “Why are you acting like this? Ako nga ang dapat na magalit dahil hindi mo ako sinunod 'di ba?” tanong niya na ikinairap ko sa ere. Wala akong ganang makipagtalo sa kanya subalit nakakarindi na rin siya. “Bakit, Kalt? Ano mo ba ako? Utusan na kailangan kang sundin? Alaga na kailangan mong pakainin? Taga luwal ng sanggol na paulit-ulit mong babalewalain? Putang'nang galit 'yan! Bakit? Sa tingin mo, ikaw lang ang may karapatang magalit? Ako rin Kalt, galit na galit sa putang'nang sitwasyon na meron tayo!” pagsabog ko. Humahangos ko siyang tinitigan pabalik. Pakiramdam ko ay sumabog lahat ng kinikimkim ko mula pa noong nakaraang buwan. “Para saan pang nasa bahay mo ako kung si Kenaih din naman ang uuwian mo?” There I said it. The fvck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD