Name

1260 Words
Felicia's Point of View Tahimik akong kumakain ng mangga habang napapasulyap kay Kalt na abala sa pagtingin ng kanyang laptop. Nilalaro ng kanyang hintuturo ang kanyang labi at seryoso naman siya sa kanyang ginagawa. I wonder. Bakit siya bumalik dito? Ano ba'ng pinaplano niya? Otomatiko akong umiwas ng tingin nang mapatingin siya sa aking direksyon. Nagkunwari akong may tinitignan sa labas ng bintana. Wala naman siyang naging imik kaya ibinalik ko sa kanya ang aking atensyon. Napatalon ako sa gulat dahil sa pagkakataong ito ay nahuli niya ako. Para siyang owl na nasa akin lamang ang tingin. “What are you up to?” tanong niya sa malutong na Ingles. Hindi ako makaupo ng maayos dahil nahihiya ako sa pagkakahuli niya sa akin. “Bakit naman kita tititigan?!” pagtatanggol ko sa aking sarili. “You're making a fool out of yourself, Felicia,” pag-iling niya. Muli siyang bumalik sa ginagawa kaya kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag. “Still nauseous?” biglaan niyang tanong sa gitna ng katahimikan. “Kung sasabihin kong oo, bibilhan mo ba ako ulit ng pagkain?” “Kung sasabihin kong hindi, tatahimik ka ba?” pangbabara niya sa akin. Kapag nagkakausap kaming dalawa, lagi talagang nauuwi sa bangayan o pag-aaway. Weren't made for each other indeed. “Tomorrow, we're going back to Arcadeo. Pack your things now,” pag-uutos niya sa akin. Napangiwi ako dahil ayaw kong bumalik ng Arcadeo. Ayaw ko ring iwan si lola rito. “Ayoko.” His eyes threw daggers at me. Muli siyang napatigil sa ginagawa at tinaasan ako ng kilay. “Uuwi tayo bukas, Felicia,” he emphasizes every word. “Ayoko sabi!” pagmamatigas ko. “Gano'n na lang 'yon? Matapos mo akong saktan ng mga salita mo? Hindi pa ako baliw, Kalt para ipagsawalang bahala lamang lahat ng iyon!” giit ko na hindi niya nagustuhan. “Huh, hindi baliw? Sinira mo ang kasal, nagpapahabol ka rito sa Chastelvania at ngayon aatras ka sa kasal natin? Hindi 'yan mindset ng taong nasa tamang pag-iisip, Felicia,” sagot niya na nanlalamig na naman. Hindi ako nakasagot kasi pakiramdam kong sasabog talaga ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang pagdada. Ayaw kong malaman niya ang tunay na dahilan ng pag-ayaw ko. Magmumukha lang kasi akong tanga at pathetic. Bumilis ang aking paghinga dahil namataan kong papalapit na si Kalt sa gawi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ni hindi na nga ako makaalis sa kinauupuan ko. Nanginig ako dahil umupo siya sa aking tabi. Inilihis ko ang aking paningin at bahagyang lumayo sa kanya. Tumahimik ka lang, Felicia. Calm down and shut that freakin' mouth of yours! “I'm tired of arguing with you,” Kalt mumbled. “So am I!” sagot ko na animo'y nagka-stiff neck dahil nakapirmi lamang ang atensyon sa kabilang direksyon. “Kapag nagkakausap tayo, lagi mong binabanggit ang nasira mong buhay. Pa'no naman ako, aber? Hindi ba't nasira rin 'yong akin?” mabilis kong salaysay na hinahabol ko na ang aking paghinga. “Which one? Your life or your virginity?” he asked. Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras at sinamaan siya ng tingin. I can sense na pilit siyang nagpipigil ng kanyang sarili upang hindi kami muling mag-away. “Walang hiya ka talaga,” I concluded. “We're even,” he answered rudely. “Bakit naman kita papakasalan eh, nabubwesit ako sa pagmumukha mo. Nakuha niyo pang maghalikan ni Kenaih sa harapan ko,” sambit ko. He smiled evilly. Kita ko kung paano umangat ang kanyang kilay. Kinakabahan ako lalo dahil unti-unti siyang umusog papunta sa akin. “Huwag. Hindi ko nagugustuhan ang ekspresyon mo ngayon!” pagpigil ko sa kanya. “I can't marry a man named Kalt! Ayoko!” I shouted. “Should I change my name then and act now as your fiance?” pang-aakit niya sa akin. Pinipigilan ko siyang mapalapit gamit ang aking mga kamay ngunit mali ata sapagkat nahawakan ko ang kanyang dibdib. Hindi ko na mabawi-bawi ang aking kamay dahil hinawakan niya na ito ng mahigpit. “Are you jealous of Kena? Should I kiss you too?” pabulong niyang tanong na nagpatayo ng aking balahibo. “Kalt! Hindi na ito nakakatawa!” Hindi pa rin siya tumitigil kahit anong gawin kong pagpupumiglas. “Kaltheo Lavish Davenport, tumigil ka sabi!” He's enjoying this! The nerve of this guy! “Why don't we reminisced what happened that night, Felicia? Masyadong malabo,” he smirked. “Ano ba ang nangyayari sa'yo? Mas gugustuhin ko pa atang magbangayan tayo kaysa umasta ka ng ganito!” giit ko na kinakabahan pa rin sa mga mangyayari. “What will you do to stop me, Felicia?” panunuya niya. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Say it, Felicia.” “I-I'm going back! S-So please stop teasing me!” naiirita kong salaysay na labag sa kalooban ang naging pasya. Well, pwede namang hindi ako tumupad sa sinabi ko. Hindi naman ako nangako. “Uhm ... I'm not convinced, Felicia,” pag-iling niya. His dark side pisses me off. Masyado kasi itong nakakadala. Kapag hindi niya pa ako tinantanan ngayon ay baka patulan ko na siya. Kinagat ko ang aking labi at napapikit upang pigilan ang aking emosyon. Nag-iinit ang aking katawan at pisngi at senyales na ito upang layuan ko siya ngayon. Ayaw kong madiskubre niyang isa ito sa mga kahinaan ko. Kapansin-pansin ang mga ugat sa braso at kamay niyang animo ay puputok. Ang maputi niyang balat ay mas dumidepina sa namumula niyang labi. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong at ang mapupungay niyang mata na laro lamang ang nakikita ay nagpapaalala sa akin na hindi kami para sa isa't isa. “How do I convince you, Mr. Davenport?” panghihina ko. Hinigop niya na ang natitira kong lakas kaya kusa na akong sumuko sa kanya. Kapwa natigilan kami at napatitig sa mata ng isa't isa. I saw how his eyes darted my lips. Napalunok ako sapagkat ngayon ko lamang napagtanto na pumaibabaw na pala siya sa akin. Namataan ko ang mabilisang pagdila niya sa kanyang labi. “How—” Naiwan sa ere ang tanong ko dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Kalt. Hindi na ako nakahanap pa ng salita o lakas upang pigilan siya sapagkat sarili ko na mismo ang kalaban ko. Binitawan niya ang aking kamay at ikinulong niya ako sa pagitan ng kanyang mga bisig. Patuloy lamang siya sa paghalik sa akin na nagiging mapusok. Sa huling lakas na nahanap ko ay pinilit ko siyang pigilan. “P-Please s-stop,” I moaned. Sh*t! How embarrassing! Tumigil siya sa ginagawa at wala sa sarili akong tinitigin. Narinig ko ang sunod-sunod niyang mura at aktong aalis na sa ibabaw ko. “I'm convinced,” he said coldly. Bumalik siya ulit sa pagiging masungit na Kalt na hindi ko nagustuhan. “Pack your things,” bilin niya na sobrang lamig pa rin. Tumayo ako at mabilis na hinila ang kanyang braso. Nabigla siya sa ginawa ko at mas lalo pa siyang nagulantang nang hilahin ko ang kanyang batok at walang pagdadalawang isip siyang hinalikan. Huwag mo akong bibitinin, Davenport! Napangisi ako nang bumigay din siya kalaunan subalit napawi ito dahil sa pangalang kanyang binanggit. “Kena.” “My name is Felicia,” I said out of nowhere after breaking the kiss. Mabilis ko siyang itinulak at patakbong pumasok sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko ay hindi ko na napigilan ang mapaluha. Iyak na naman? Kailan ka ba titigil sa pagiging mahina, Felicia? Nakakainis ka na, sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD