Kenaih's Point of View
Napangiti ako sa pag-alis nina Felicia at Zavnier. Nag-uumapaw din ang saya ko dahil sa muli naming pagsasama ni Kalt.
“Why are you here with that Zavnier?” Kalt queried, confused. Nakuha niya pang sundan ng tingin ang pag-alis ng dalawa.
Napangisi ako dahil ramdam ko ang pagseselos nang banggitin niya si Zavnier. Masaya akong makumpirma na ako pa rin talaga ang nagmamay-ari kay Kalt. I'm irreplaceable.
“Let's just go, Kalt. May hotel malapit dito. Let's stay there and go back to Arcadeo tomorrow,” salaysay ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang braso.
“I can't,” tipid na sagot ni Kalt na ikinabato ko.
“W-What do you mean you can't? Kalt, I miss you—”
“I can't go back without Felicia, Kena,” paliwanag niya na ikinalaglag ng aking panga.
“Hindi ba't ako lang naman pinipili mo palagi? Bakit ngayon kasama na ang babaeng iyon?” naguguluhan kong tanong pilit na nagpapaawa kay Kalt.
“Kena, I still love you, okay? Hindi 'yon gan'on kadaling burahin,” he assured. Still, I'm unhappy with his decision. Ako lang dapat!
“If you love me, then choose me. Stay with me, Kalt,” pamimilit ko sa kanya. Aktong hahalikan ko siya ulit ngunit bigla niya na lamang na iniwas ang kanyang mukha.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng sobrang takot na baka mawala ng tuluyan sa akin si Kalt. Nabigla ako sa ginawa niyang pag-iwas kaya hindi ako nakagalaw kaagad. I'm so disappointed right now.
Huminga siya ng malalim at mahinahon akong hinarap muli. Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at pilit na hinuhuli ang aking tingin.
“I'm going to marry her, Kena,” pag-amin ni Kalt na siyang sumampal sa akin. Pakiramdam ko ay na-karma na ako sa ginawa kong panloloko sa kanya.
Dahan-dahan akong umiling kay Kalt. Hindi ako makapaniwala sa binabalak niya. Akala ko ba mahal niya ako? Bakit siya magpapakasal kay Felicia?
“K-Kalt, h-how about me? Huwag mo akong iwan ulit, please,” pagmamakaawa ko. Kulang na lamang ay lumuhod ako sa harapan niya o magpakadesperada para lamang pigilan siya.
“Listen to me, Kena. Hey, Kena. Listen to me first, okay?” pangungumbinsi niya sa akin nang mapansing hindi na ako makapirmi sa kinatatayuan ko.
“I'm going to marry her for the sake of the child she's bearing. After three years, I planned on divorcing her. I'll get rid of her in any way,” sambit ni Kalt na kahit papaano ay nagpakalma sa akin.
Kalt closed the space between us. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at pagkatapos ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking noo.
“Wait for me, Kena. Let me fix this mess myself,” he mumbled. Wala akong ibang nagawa kun'di ang dahan-dahang tumango. Tumingala ako sa kanya at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
“I'll wait for you. I promise, love.”
Masakit man pero kailangan kong pagkatiwalaan si Kalt. Kailangan ko siyang pakawalan sa ngayon. Alam ko rin namang babalik at babalik din siya sa akin. I'm confident about our love towards each other.
I'm sorry, Gio pero kasali ka na lang sa collateral damage kagaya ng malanding si Felicia.
Felicia's Point of View
Pagkatapos mailabas lahat ng hinanakit at luha ay napagdesisyunan na naming umuwi. Tumigil muna ako saglit bago pumasok sa bahay. “Zav, namamaga ba? Halata bang galing ako sa pag-iyak?” tanong ko sa nag-aalala pa ring si Zavnier.
“Hindi lang namamaga, ang pula pa ng mata mo, Felicia. Bakit ka nga ba umiiyak? Inaway ka ba ulit ni Kalt?” Seryosong-seryoso si Zavnier at mukhang handa na para sapakin si Kalt kay umiling ako sa kanya.
“Huwag mo ng palakihin ang gulo, Zav. Nagalit lang naman siya sa akin dahil kamuntikan na siyang makagat ng aso kanina,” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba si Zavnier sa aking naging palusot ngunit tanging pagtango lamang ang naisagot niya.
“Come back with me, Felicia. May condo akong—”
“I'm staying here, Zav. Balak kong dito na lamang manganak at palakihin ang anak ko. Alam na ni daddy ang nagawa ko kaya galit na galit siya sa akin. Ayaw kong pati anak ko ay kamuhian niya rin,” paliwanag ko na ikinatahimik niya.
“Hindi ka na ba talaga babalik sa Arcadeo, Felicia? Paano ang librong tinatapos mo?” malungkot na tanong ni Zavnier. “Malulungkot si Iris,” dagdag niya pa.
“Ikaw hindi ka ba malulungkot?” biro ko upang burahin sa mukha niya ang kalungkutang nakapaskil dito.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay muli niyang ipinagpilitan sa akin ang pag-ako ng responsibilidad. “My offer is still valid, Felicia. I'm willing to become a father—”
“Zavnier ...” Umiling ako sa kanya at pilit na ngumiti. “I'm contented having you as my friend. I'm sorry, Zav. Huwag naman sanang dumating sa puntong pati ikaw ay kailangan kong layuan upang 'di ka lang madamay,” sabi ko na mas lalong nagpalungkot sa kanya.
Kita ko ang biglaan niyang pag-angat ng tingin. Tipid niya akong nginitian at sinabing, “Fine. I understand, Felicia.”
Pumasok na kami sa loob ng bahay na ikinatagpo ng kilay ni lola. “Sino naman 'to, apo? Bakit nag-iba ata ang mukha? Nasaan si Mr. Davenport?” sunod-sunod na tanong ni lola.
“Umuwi na po si Mr. Davenport, la. Marami kasing kailangang asikasuhin sa Arcadeo,” pagsisinungaling ko na tatamaan na siguro ng kidlat.
Ipinakilala ko si Zavnier kay lola at itinanong niya rin kung sino 'yong babaeng nagpunta rin sa bahay. Sinabi ko na lamang na secretary iyon ni Mr. Davenport at pinapauwi na niya si Kalt. Hindi ko pwedeng sabihin kay lola na ex-fiancee siya ni Kalt.
Tumila na ang ulan at maggagabi na rin. Nasa likod lang ng bahay namin ang taniman ngunit bakit nagawa kong tumakbo sa ibang direksyon sa halip na magpunta sa bahay? Bobo nga talaga ako.
“Bakit mo pa iniisip ang mga iyan, Felicia? Kalimutan mo na si Kalt. Umalis na 'yon kasama ang Kenaih niya,” parang tangang pagkausap ko sa aking sarili.
“Cheer up, Felicia. Hindi ako makakabalik ng Arcadeo kung ganyan ka,” ani Zavnier na naghahanda na sa pag-uwi.
“Magiging okay din ako, Zav. Ayusin mo ang adaptation, ah? Good luck!” sabi ko na pilit na ngumingiti sa kanya.
Umuwi din kaagad si Zavnier pagkatapos tawagan ng kasamang director. Hindi pa kasi tapos ang adaptation ng story ko. Hindi siya pwedeng mawala roon.
Sa gabi ring iyon ay hindi ko napigilang umiyak nang umiyak. Hindi ako pwedeng makita ni lola o ni marinig kaya todo pigil ako sa aking sarili. Basang-basa na ang unan ko kakaiyak na kinaumagahan para akong zombie na naglalakad.
Nagising ako sa sinag ng araw. Nagtalukbong ako ngunit naramdaman ko ang pambabatok ni lola. “Bumangon ka na't mag-almusal. Buntis ka kaya alagaan mo ang sarili mo,” sermon ni lola.
Kahit inaantok ay bumangon ako. Tinatamad akong mag-ayos kaya lumabas na lamang ako at nakapikit na naglakad patungo sa refrigerator. Tamad kong iminulat ang aking mga mata at kumuha ng tubig.
“What's that look?” he chuckled.
Otomatikong nagising ang aking diwa dahil sa lalaking at home na home na kumakain sa lamesang nasa harapan ko. Tinaasan niya ako ng kilay kaya nagawa kong umiling-iling. Baka sakaling nananaginip pa rin ako.
Pumikit-pikit ako at kinatok pa ang aking ulo upang makumpirmang nandito nga si Kalt. “A-Anong ginagawa mo rito?!” Dinuro ko siya at tila ba nakakita ako ng multo sa presensya niya.
“Ano ba'ng ginagawa mo?” Pinalo ng mahina ni lola ang ulo ko ng dala niyang walang lamang bottled water. “Sinungaling ka talaga eh no?” pang-aakusa ni lola dahilan upang tignan ko siya.
“Bakit po, lola?” walang kamuwang-muwang kong tanong.
“Sabi mo, umuwi na siya kahapon kasama ang secretary niya? Iniwan mo pala siya sa taniman. Siya pa talaga ang pinagkuha mo ng gulay. Alam mo namang masakit ang paa niya!” asar na sambit ni lola na aktong papaluin ulit ako ngunit inunahan ko na siya.
Lumayo ako kay lola at hindi makapaniwalang tinignan ang ngumingising si Kalt. Matapos niya akong paiyakin, sisiraan niya pa ako kay lola? Sumusobra ka ng an*mal ka!
“Fiance mo siya kaya pakisamahan mo!” sermon ulit ni lola.
Gigil na gigil kong tinignan si Kalt na sarap na sarap sa kinakain. Nagtagpo ang tingin namin at ang walang hiya nagkibit lang ulit ng balikat. Para bang walang nangyari kahapon. Ang sakit ng mga sinabi niya sa akin at heto siya walang paki'.
Bumalik ako sa kwarto ko. Hindi ko pa siya kayang pakisamahan. Baka mag-away lang ulit kami kapag nagsama kami sa isang hapag. “Bakit siya bumalik? Pinuntahan na siya ni Kenaih kaya dapat sumama na siya. Hindi iyong lagi niya akong binibwesit!” pag-aalburuto ko.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. “Busog pa ako, lola!” sambit ko na muling humiga sa kama at nagtalukbong.
“You're too weak and emotional, Felicia. Sa simpleng mga katotohanang sinabi ko, tiklop ka kaagad,” panunuya ni Kalt. Rinig ko ang pagsarado niya ng pintuan kaya hindi ako nag-atubiling alisin ang kumot na nagtatago sa akin.
Ayoko talaga siyang harapin ngayon! And what? Simple? I can't believe this shameless jerk!
“Now you're going to ignore me, huh? Why? Too afraid?” he cunningly asked.
“Lumabas ka nga sa kwarto ko! Nasusuka ako sa pagmumukha mo!” pantataboy ko sa kanya.
“Kahit anong gawin mong pagtatago, hinding-hindi mo ako matatakasan, Felicia,” aniya na nagpatayo ng aking mga balahibo. It screams danger! “Anino ka hindi ba? Kaya hangga't hindi pa ako nakakapagdesisyong pumunta sa dilim, susunod at susunod ka sa akin,” dagdag niya na hindi ko na nasikmura.
Napabangon na talaga ako sa kama at dali-daling tumakbo papunta sa banyo. Hindi pa nga nakakakain, sumusuka na ako. Literal na hindi ko siya nasikmura. Duwal ako nang duwal kahit na wala naman akong naisusuka. Patuloy din na tumutulo ang luha ko. Pakiramdam ko'y pati mga lamang loob ay mailalabas ko na.
Namataan ko si Kalt sa paanan ng pintuan ng banyo. Nakaekis ang kanyang mga braso at tagpong-tagpo ang kilay. Pilit akong inaanalisa sa paraan ng pagtitig niya.
“Ta-Tawagin mo nga si lola,” humahangos kong utos sa kanya na wala atang balak na sundin ako.
“She's out for some meeting, whatever,” walang ganang sagot niya na nakatingin lang sa aking naghihirap dito.
Muli akong dumuwal at laking gulat ko nang lumapit si Kalt sa akin. Labag sa kalooban niyang hinaplos ang likod ko. May iniabot din siya sa aking white flower. “I saw that on your table. I thought you need it so ...” Nagkibit siya ng balikat at ipinagpatuloy ang paghaplos ng aking likod.
Kahit papaano ay umayos ang pakiramdam ko dahil sa ibinigay niya. Lumabas na kami ng banyo at kapansin-pansin ang paika-ika niyang paglalakad. Dapat talaga ay galit pa rin ako ngunit hindi ko talaga maatim na balewalain siya. Dala ba 'to ng pagbubuntis?
Inip na inip siyang umupo sa silya at kinuha ang cellphone. “Masakit pa ba ang paa mo?” tanong ko na nakanguso pa. Pinipilit ang sariling pakisamahan siya.
“What's that to you?” pagsusungit niya na hindi man lang ako dinapuan ng tingin.
“Deserve!” sambit ko nang muling mainis sa pagsusungit niya.
Alam kong galit siya ngunit nagtaka ako dahil hindi niya ako pinatulan. Masyado siyang abala sa cellphone niya na wala na siyang pakialam kung sungitan ko man siya.
Ilang minuto ang nagdaan ay narinig kong may tao sa labas kaya dali-dali ko itong dinaluhan. Isa itong delivery boy. Naglahad siya ng mga supot na may lamang mga pagkain. Nagtaka pa ako dahil hindi naman ako nag-order at wala akong pambayad sa mga ito.
“Bayad na po 'yan, ma'am,” ani delivery boy na ikinatango-tango ko.
Nagtataka akong pumasok at nagawa pang itagilid ang aking ulo. Nagising ang diwa ko sa pamilyar na amoy na nagpasaya ng aking tiyan. Amoy ng ...
Caesar Salad!
Napatingin ako kay Kalt na biglang nagsalita. “Be mindful of your actions. A Davenport resides within you,” makahulugan niyang sabi na muli ay sinungitan pa ako.
May pa 'be mindful of your actions' pa siyang nalalaman. Tse! Paki-apply muna sa sarili mo, Davenport!