Felicia's Point of View
Napapairap ako sa ere habang bitbit sa aking balikat ang isang basket. Ni ayaw man lang akong tulungan ni Kalt sa pagkuha ng gulay sa taniman namin sa likod ng bahay.
“Don't you have any gardeners? Maids?” tanong niya na nakadikit ang tingin sa mga gulay. Salubong ang kanyang mga kilay habang tinitignan ang mga ito.
“Hoy lalaki, nasa probinsya ka kaya sariling sikap dito. Wala ka ring dalang katulong kaya tulungan mo ako!” saway ko sa kanya na biglang nalukot ang ekspresyon. Sinulyapan niya lang ako tsaka umayos ng tayo.
“I'm your valued guest,” pangangatuwiran niya na aktong tatalikuran na ako subalit nagawa kong hilahin pabalik.
Valued guest? Ang kapal ng mukha!
“Hindi mo ba naaalala, ha?”
“What?” walang gana niyang tanong pabalik na todo iwas pa rin sa maputik na taniman.
“Buntis ako sa anak mo. Kaya, magkunwari ka namang gusto mong tumulong. Mag-ambagan tayo, tsk,” reklamo ko. Tinitigan ko siya ng masama at napairap na lamang dahil nagkibit lamang siya ng balikat at umupo sa 'di kalayuan.
Napakawalang puso mong an*mal ka!
Dalawang araw na ang nakalipas nang umuwi ako sa Chastelvania. Dalawang araw na rin akong binibwesit ng lalaking sunod nang sunod sa akin ngayon. Naglalakad ako papunta ulit sa taniman namin upang kumuha ng gulay. Gusto ko kasing gumawa n'ong Caesar Salad na gustong-gusto ko.
“Ano ba? Kahapon ka pa, ah?” sita ko kay Kalt. Inip niya akong binalingan at umastang hindi ulit ako naririnig. Sinasadya niya talagang galitin ako upang makaganti siya sa akin.
Sa halip na sirain pa lalo ang araw ko ay napagdesisyunan kong magpatuloy na lamang sa paglalakad. Napatigil ako bigla at butil-butil na pawis ang namuo sa aking noo nang madatnan ang galit na galit na aso. Handa na itong tanggalan ng laman ang aking binti. Dala ng takot, tumakbo ako sa direksyon ni Kalt at hindi na nag-atubili pang magpaliwanag sa kanya at tumakbo na lamang sa abot ng aking makakaya.
“Hey! What are you doing?!” sigaw ni Kalt na naguguluhan.
“Bahala ka riyan!” sigaw ko na walang balak na tumigil sa pagtakbo.
“Fvck!” mura ni Kalt nang makita ang aso.
Kakalingon niya sa aso ay napunta siya sa direksyon ng kanal. “Tang*na!” sigaw niya nang mamataan na ang aso. “Felicia!” bulyaw niya na hindi alam kung mandidiri ba sa nadumihan niyang paa o matatakot sa papalapit na aso.
Wala akong ibang nagawa kun'di ang balikan at tulungan siya. “Ang lampa mo kasi!” paninisi ko sa kanya sabay hila sa kanya paalis sa kanal.
“Fvck, I sprained my ankle!” I saw terror in his face. Papalapit na ang aso sa amin at hindi niya pa kayang tumakbo.
“Tara!” Dala na siguro ng adrenaline rush, nagawa kong tumakbo habang pasan-pasan siya sa aking likuran. Minalas pa talaga kami dahil bigla ba namang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko pinansin iyon basta takbo lang ako ng takbo.
Narating namin ang kalsadang under construction pa. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na nakikita ang aso. Nilapag ko si Kalt sa kalsada at humahangos na humiga sa tabi niya.
“Ma-Malas tala-ga,” hinihingal kong sambit na ngayon lamang nakaramdam ng pagod. Tumingala ako sa kalangitan at tahimik na dinadama ang patak ng ulan sa aking balat. Nilingon ko ang tahimik din na si Kalt. Namataan ko siyang nakatingin sa madumi niyang paa.
“Gross,” aniya na tinatakpan na ngayon ang kanyang ilong.
Ang arte! 'Yon pa talaga ang napansin niya. Ni hindi man lang ako pinasalamatan!
“Ang tanga mo kasi,” tuloy-tuloy ko ng tugon. Tumingin ulit ako sa kalangitan at kalauna'y ipinikit ang aking mga mata.
Ang galing mo, Felicia. Nagawa mong takasan ang aso na pasan-pasan ang isang pabigat na si Kalt.
Ngumisi ako sa aking iniisip at dumilat na. Pagkalingon na pagkalingon ko kay Kalt ay namataan ko siyang nakapikit at nakahiga na sa aking tabi. Napangiwi ako at muling pumikit.
“Akala ko ba ayaw mong madumihan? Bakit ka humi—” Hindi ko na naituloy ang aking tanong dahil tinakpan na niya ng kanyang damit ang aking mukha.
Nabato ako sapagkat naabutan ko siyang nakapikit at ginamit na unan ang kanyang mga braso. Tumambad din sa akin ang hubad niyang katawan na nagpapaalala sa akin ng gabing iyon. Napalunok ako at nagsisimulang mag-init ang pisngi dahil hindi ko na magawang alisin ang tingin ko sa kanya.
“You're drooling again,” seryoso niyang salaysay na nakapikit pa rin.
“A-Ano ako a-aso?” nauutal kong tanong na biglang umupo at inilihis ang atensyon sa ibang direksyon.
Dumilat siya at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. 'Di inaalintana ang pagkakabasa nito. Nagpatugtog siya ng 2000's alternative rock na kanta at muling pumikit.
“Nostalgic,” aniya na bahagyang umangat ang gilid ng labi.
Kasabay ng kanta, patak ng ulan at tunog ng kapaligiran ay ang malakas na pagtibok ng aking puso. Tinitigan ko si Kalt at niyakap na lamang ang aking sarili.
Kakayanin pa kaya akong pagalingin ng rehab gayong sobrang naaadik na ako sa kanya?
Napailing ako sa corny na katagang iniisip ko at itinuon na lamang ang atensyon sa mga puno sa paligid. Nanatili kaming tahimik at dinaramdam lamang ang ulan. Natigil lamang ang katahimikan dahil sa aking pagbahing.
“Let's go back,” he insisted.
Pipigilan ko sana siya ngunit nakaupo na si Kalt at itinago na ang cellphone pabalik sa kanyang bulsa. Muli niyang isinuot ang kanyang damit at aktong tatayo nang, “Fvck, it's still aching,” bulong niya na problemadong tinitignan ang paa.
Tumayo na ako at nag-alay ng kamay sa kanya. Tinignan niya lamang ang kamay ko at hinawi ito. “Hindi madumi ang kamay ko,” naiinis na sambit ko at pekeng ngumiti sa kanya.
Ngumisi siya na tila ba nanunuya at natatawa na animo'y may nakakatawa akong sinabi. Naguguluhan ko siyang tinignan at tinanong ng, “May nakakatawa ba sa sitwasyon mo ngayon? Tinutulungan na nga kita tapos—”
“Your hands weren't dirty but your soul? It sucks. Besides, I'm not asking for your help, Felicia,” pang-iinis niya sa akin. Gustong-gusto ko na siyang sampalin ngunit mas pinipigilan ako ng nararamdaman ko sa kanya.
“I didn't ask you to follow me here, Kalt. Dapat mo pa nga akong pasalamatan—”
“Are you kidding me? Pasalamatan? For what? For ruining my wedding, my life and future with Kenaih?” nanggagalaiting tanong niya. Nagtiim ang kanyang bagang habang tinititigan ako ng diretso sa mata.
Titig pa lamang ni Kalt sa akin ngayon, para nang tinatapakan ang puso ko sa sakit. He's too heartless and blinded to understand.
“After ruining my marriage, you're planning to ruin my image?” Tumayo siya kahit na sumasakit ang kanyang paa. Umirap siya sa akin at tumingala upang pigilan ang galit na kulang na lamang ay saktan ako ng pisikal.
“Sabagay, hindi mo ako maintindihan. Wala naman kasing nagmamahal sa'yo. Wala ka ring pamilya at pera. Hindi mo nararamdaman kung gaano kasakit ang mawalan,” pangmamaliit niya sa akin na humalakhak ng wala man lang halong katatawanan. Sinuklay niya paitaas ang kanyang basang buhok at ipinagpatuloy ang pagtitig sa akin ng masama.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya ngunit ni isang salita wala akong nasabi. Nahihirapan akong lumunok dahil sa sakit ng dibdib at lalamunan ko. Sa halip na salita ay sunod-sunod na luha ang lumandas sa aking pisngi. Nakikipagtitigan ako kay Kalt at patuloy ding pinupunasan ang aking mga luha. Kahit na umuulan, ramdam ko ang init nito sa aking mukha.
“Why are you crying? Nasaan na ang matapang na Felicia na sumira ng kasal ko?” panunuya niya na nagbigay ng apoy sa sumasakit ko ng dibdib.
Paano naman ako, Kalt? Hindi ba at nasira mo rin ang buhay ko? Napaka-unfair mo naman. Kailan mo kaya mare-realize na ako ang mas nasasaktan sa nangyayari ngayon?
“What? Mananahimik ka na lang ba? Wala kang karapatang umiyak sa harapan ko. You deserve it!” bulyaw niya na nagpapikit sa akin.
Humagulgol ako sa sakit ng mga salita niya at napaupo na lamang sa panghihina ng aking tuhod. Ni hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil alam ko rin namang may kasalanan ako.
“Felicia!” Dinaluhan ako ni Zavnier na may dala-dalang payong. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at itinayo ako.
Anong ginagawa ni Zavnier dito?
“What did you do, Kalt?” galit na usisa ni Zavnier na nanginginig ko na lang na pinigilan.
Hindi na nakasagot pa si Kalt dahil naagaw na ang atensyon namin ng babaeng tumatakbo papunta kay Kalt. May dala-dala rin siyang payong na kaagad niyang itinapon. Hindi inaalintana ang pagkakabasa sa ulan. Niyakap niya ng mahigpit ang gulat na si Kalt at hinalikan sa pisngi.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at malapad na ngiti ang gumuhit sa mapula niyang labi habang malagkit na tinititigan si Kalt. “I miss you, love,” aniya at walang pagdadalawang isip na siniil ng halik si Kalt.
Mas lalo akong nanlumo at nababasag sa nakikita. Kaya wala akong ibang nagawa kun'di ang patakbong umalis kasunod ang nag-aalalang si Zavnier.
Kenaih's here. Are you happy now, Kalt?