Desperate

1400 Words
Someone's Point of View Hindi ko aakalaing kusa siyang lalapit sa akin. Hindi ko na kailangan pang mag-aksaya ng oras upang pabantayan siya. Kalauna'y mahahawakan ko rin ang kanyang leeg. “What? She've gone to Chastelvania?!” I shouted in surprise. Wala akong ideya kung bakit siya nagpunta sa Chastelvania. May binabalak kaya siya? Hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko! “Are you in Chastelvania right now? Okay, I see. Manmanan mo. Kapag nakatunog, alam mo na ang gagawin,” bilin ko. Napangisi ako sapagkat unti-unti ng umaayon sa akin ang lahat. Pakiramdam ko ay sa akin naman pumapanig ang swerte. “Felicia, I'm sorry but I'm not sorry,” halakhak ko matapos ay masayang humarap sa salamin. Felicia's Point of View Naalimpungatan ako sa pagtilaok ng mga manok. Nakakapagtaka at hindi busina ng mga sasakyan ang naririnig ko ngayong umaga. “Wala na naman akong trabaho, matutulog muna ako,” bulong ko na hinila pa ang kumot. “Felicia? Kumain ka na apo,” mahinahong paggising sa akin ng isang pamilyar na boses. That voice! Ah! Nasa Chastelvania pala ako ngayon. Kaya pala ang tahimik. Malayong-malayo sa syudad na halos ingay ng sasakyan ang gigising sa akin. Kaagad akong bumangon at niyakap si lola. “Feels like home,” bulong ko at napangiti ng sobrang tamis. “Good morning lola!” masiglang bati ko at niyakap siya lalo ng mahigpit. “Baka iyan pa ang ikamatay ko apo. Hindi na ako makahinga,” biro ni lola na ngayo'y niyayakap ako pabalik. Iba talaga ang saya kapag nakakasama at nayayakap ko si lola. I really miss her. “O siya, lumabas ka pagkatapos nang makakain ka na. Kailangan mo ring mag-ehersisyo,” bilin ni lola matapos humiwalay sa yakap. Lumabas akong hindi na nag-abala pang magsuklay. Basta-basta ko na lamang inipit ang aking buhok at nagsuot ng maluwag na bestida. Naitagilid ko ang aking ulo sapagkat nakakaamoy ako ng Caesar Salad. Nagki-crave na naman ako, langya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang lalaking aking kinaiinisan. Seryosong-seryoso na nag-e-scroll sa kanyang tablet at nakuha pang umupo ng nakadekwatro. “Anong ginagawa mo rito?!” naibulalas ko sa sobrang gulat at inis. “Why? Am I not allowed here, Felicia?” pagsusungit niya na hindi man lang ako tinitignan. Mas lalo akong nainis dahil ipinasok niya pa talaga sa loob ng bahay ang kanyang sapatos. Ni hindi man lang nakakaramdam ng hiya, eh kitang ang linis at ang kintab ng sahig ni lola. Akala niya siguro may katulong pa rin siyang mauutusan dito. “Hoy, Kalt!” Dinaluhan ko siya at binatukan nang magising naman ang kahihiyan niya sa katawan. “What are you doing? Can't you appreciate my presence here?” Tinignan niya ako ng masama at nang mamataang papasok si lola ay ngumiti siya sa akin. Itinabi niya ang hawak na tablet at mabilis akong hinila papunta sa kanyang kandungan. Napaupo ako roon at gulat na gulat na tinitignan lamang ang mapanuyang ngisi ni Kalt. “Ikaw Felicia, bawas-bawasan mo ang pang-aaway mo riyan sa fiance mo. Maaga siyang bumyahe papunta rito upang magkaayos na kayo,” salaysay ni lola na ikinatango-tango ni Kalt. Umawang ang labi ko dahil sa kasinungalingang sinabi niya kay lola. Sa sobrang inis ko ay itinulak ko siya at aktong tatayo subalit ikinulong niya ako sa kanyang bisig. Animo'y batang ayaw pakawalan ng magulang. Bwesit ka Kalt! Kay aga-aga sinisira mo na ang araw ko! “Bitawan mo nga ako,” madiin kong bulong sa kanya. Pilit kong inaalis ang mga braso niyang nakahawak sa aking baywang ngunit sobrang lakas niya. “Ano bang ginagawa mo rito? Lumalayo na nga ako tapos heto ka, parang tutang sunod nang sunod. Ano ba talagang pakay mo?” diretsahang tanong ko na pabulong pa rin. Sinusulyapan si lola na abala sa pag-aayos ng lamesa. “Hinding-hindi ka makakalaya sa akin, Felicia. You'll be imprisoned with me. Hihilahin din kita sa mala impyerno kong buhay,” panunuya niya na kita ang nag-aalab na galit sa kanyang mga mata. “Hindi pwedeng ako lang mag-isa ang magdurusa. I will be your nightmare, Felicia,” bulong niya pabalik na ikinatahimik ko. He holds a grudge against me. That's for sure. “Kumain na tayo, mga apo,” masayang aya ni lola sa amin na todo ang ngiti. “Hindi ko aakalaing ganyan kayo ka sweet sa isa't isa,” pahabol niya. Peke akong ngumiti kay lola at sa wakas ay nakalaya na sa mga braso ni Kalt. “Maghubad ka nga!” saway ko kay Kalt habang tinitignan ang kanyang sapatos. Hindi ko alam kung bakit laglag ang panga ni lola habang si Kalt naman ay tinataasan ako ng makapal niyang kilay. He even crossed his arms and smirked at me. “It's too early for that, Felicia,” ngisi niya na ipinagtataka ko. Lumapit si lola sa akin at tinampal ako sa aking balikat. “Lola naman, masakit,” reklamo ko na kasalukuyang hinaplos-haplos ang natamaan kong balikat. “Ano bang nagawa ko?” inosente kong tanong na nagpabalik-balik ang tingin kay lola at sa bwesit na Kalt. Then I realized what I've said ... “'Yong sapatos po ang tinutukoy ko! Lola naman eh,” pagtatanggol ko sa aking sarili na ikinailing ni lola. Binalingan ko ng masama si Kalt. Matapos magbitaw ng nakakasakit na salita ay ipapahiya niya ako sa aking lola? The nerve of this man! “Hindi ito ang bahay mo kaya maghubad ka ng sapatos—aray!” Muli akong nakatanggap ng tampal sa balikat mula kay lola. “Nasanay siyang ganiyan kaya hayaan mo siya. O siya kumain na tayo para makapaglakad-lakad ka na sa labas,” pagtatanggol ni lola sa kanya dahilan upang irapan ko ang nanunuyang si Kalt. Badtrip! “Hey, I bought you something on my way here,” ani Kalt na may inaabot sa aking supot. May laman itong Caesar Salad dahilan upang magdiwang ang nasa loob ko. At the same time, seryoso akong napapatitig kay Kalt. Sobrang misteryoso niya na kahit ang blangko niya ngayong ekspresyon ay hindi ko mabasa. Tagpo ang kanyang mga kilay at nakatitig lamang sa pagkain. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Tipid lamang siyang ngumingiti kapag kinakausap siya ni lola. Napalunok ako nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. “Are you planning on staring at me the whole day?” pagputol niya sa iniisip ko. Nagsusungit siya sa akin ngunit ramdam kong may kakaiba talaga sa kanya ngayon. Is he that desperate to drag me down? To the point na susundan niya ako rito at nagpapanggap na magalang sa harap ni lola? Kenaih's Point of View Kita kong mahimbing pang natutulog si Gio kaya mabilis kong kinuha ang aking cellphone at lumabas ng aming kwarto. Tinawagan ko si Kalt at napangiti ako dahil kaagad siyang sumagot. “Kena? Why are you calling this early?” usisa niya na ikinangiwi ko. “Bawal na ba akong tumawag sa ex-fiance ko?” umarte akong nasasaktan upang matanto niya ang mga sinabi niya sa akin. “No, that's not what I've meant. I'm sorry.” Napangisi ako sapagkat wala pa rin talagang nagbago sa kanya. He seems desperate of me. May naririnig akong tawanan kaya naikunot ko ang aking noo. They're having fun. “Where are you? I can here someone laughing,” I queried. Umupo ako sa sofa at napakagat na lamang sa aking labi. “Are you with Felicia right now?” muli kong tanong na ikinatahimik ni Kalt. I heard him sigh and said,“I'll call you back later, Kena.” Hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan niya na ako ng tawag. This isn't right! Why are they together?! I know they were engaged but how come she's laughing with him? Kalt's mine! He is in love with me! I started fidgeting and a lot of miserable thoughts came across my mind. “Paano kung masira ng tuluyan ni Felicia ang pinaplano ko? Paano kung makuha niya ang atensyon ni Kalt? I need to do something,” I mumbled. There's something wrong with me. This uneasiness isn't from the thought that Felicia would ruin my plans. It's the thought that ... “I love him?” naitanong ko sa aking sarili matapos mapagtagpi-tagpi ang lahat. Did I really lose with Kalt? Did I really ended up having feelings for him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD