Inis

1520 Words
Felicia's Point of View Pilit akong hinihila ni Kalt palabas ng sasakyan nang tuluyan na naming marating ang kanyang bahay. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit niya ako dinala rito. “Uuwi na ako, Mr. Davenport!” pagpigil ko sa kanya. Nagtagumpay siya sa pagpapalabas sa akin kaya heto ako buong lakas na inaayawan naman ang pagpasok sa kanyang bahay. “Stubborn,” aniya at mabilis akong sinikop papunta sa kanyang bisig. “Ibaba mo ako!” Napahiyaw tuloy ako sa gulat dahil hindi ko inaasahang bubuhatin niya ako. Halata naman kasi sa mukha niyang labag talaga sa kanyang kalooban ang ginagawa. “Isa, Felicia. Inuubos mo ang pasensya ko,” salaysay niya na kung makatitig ay tila may binabalak na masama. “Bakit mo kasi ako dinala rito. Kung kailan tinapos ko na ang namamagitan—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin sapagkat pinatahimik na ako ng nakakatakot niyang titig. “There's a Davenport residing here,” madiin niyang sabi na itinuon ang atensyon sa aking tiyan. Tinakpan ko naman ito ng aking mga kamay at nalilitong tinignan si Kalt. “Do you think I'm into that 'hiding my child' trope? Come on, Felicia,” he scowled. “I don't have feelings for you and as what I've heard, wala ka ring uuwian.” Tumikhim siya at umiwas ng tingin sa akin. “How did you—” Naiwan sa ere ang tanong ko. Napatingin din ako sa babaeng tumatakbo papunta sa gawi namin habang may bitbit na payong. “You're back, Mr. Davenport.” Nabigla siya sa pagkakakita niya sa akin. Nakuha niya pang pumikit-pikit upang masigurong tama ang kanyang nakikita. “I-I thought she's Kena ...” Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin dahil nagsimula ng maglakad si Kalt papasok habang ako ay napatago sa may dibdib ni Kalt sa kahihiyan. Para akong sabit sa paningin ng babae. Imagine si Kenaih 'yong—argh! Whatever! Nilapag ako ni Kalt sa sofa. Pagkatapos ay tinanggal niya ang suot-suot na necktie at binuksan ang tatlong butones ng kanyang damit. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. “K-Kalt.” Hindi pa man ako nakakapagsalita ay pinutol niya ako ulit. Lagi na lang siyang sumisingit sa tuwing magsasalita ako. “Quit asking. I'm tired,” walang gana niyang sagot at sinulyapan niya ang katulong na sumalubong sa amin kanina. “Lutuan mo siya,” utos ni Kalt dito. “Busog pa ako,” mabilis kong sagot na ikinabuga ng hangin ni Kalt. “Sara, ihatid mo siya sa guestroom. I'll be at my room.” Ramdam ko ang pinagsamang lamig at itim sa awra ngayon ni Kalt. Naglakad na lamang siya at iniwan ako rito sa sala. Pinapamukha niya talagang kasalanan ko ang lahat kaya ikukulong niya rin ako. Ang lakas ng loob niyang dalhin ako rito pagkatapos ganyang ugali lang ang ipapakita niya sa akin. I can't agree with this. “Sino ka ba? Bakit ka dinala rito ni Mr. Davenport? Sa pagkakaalam ko ay kasal nila ngayon ni Ms. Kenaih,” usisa n'ong Sara na ang sama na ng tingin sa akin ngayon. Pati ba naman katulong niya? Tsk. “Ay sorry, hindi kasi natuloy,” sarkastiko kong sagot. Ngumiti pa ako sa kanya dahilan upang mas lalo siyang mairita. Hindi ko naman intensyon na makipag-away pero nag-iiba ata ngayong buntis ako. Laging nag-iinit ang aking ulo at madali ring nagiging emosyonal. “Hindi ako magtataka kung ikaw ang dahilan. Mukha mo pa lang nagsusumigaw na ng pagiging 'gold digger',” aniya na binigyan ako ng tinging puno ng pangmamaliit. Kailangan ba talagang makatagpo ako ng mga ganyang tao? Their eyes were the same. Nagsusumigaw ng disgusto at inis. “You're right. Protect that Davenport at all cost kasi para akong linta na naninipsip. Baka mawalan ka ng trabaho kapag bumagsak ang amo mo,” sagot ko sa kanya na pilit na itinatago ang aking galit. “Kung ako sa'yo, layuan mo si Mr. Davenport. Paniguradong magkakabalikan sila ni Ma'am—” Tumayo ako at tinignan siya ng masama. I threw daggers at this shameless woman right here. Bisita pa rin ako ni Kalt kaya hindi niya ako dapat binabastos. Nagkunwari akong naglilinis ng tainga at pinagmasdan siya ng mabuti. “Nakakarindi na ang mga salitang iyan. Paulit-ulit. Kung gusto mo, hilahin mo si Kenaih dito. Wala rin naman akong planong manatili.” Umirap ako sa ere at pinulot ang maliit kong shoulder bag. “Sabihin mo kay Mr. Davenport na napakainit ng bahay niya, parang impyerno. Ikaw naman, pakiaral ng mabuti kung paano ihiwalay ang pagiging katulong at pakialamera,” mabilis kong sambit bago siya tinalikuran. “Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis gayong ibinilin ka sa akin ni Mr. Davenport!” Hindi ko siya nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. “Problema mo na 'yan,” naibulong ko at umirap sa ere, banas na banas. Ba't mo kasi kinalaban ang naglilihi? Nagpahatid ako kay Mang Ben papunta sa isang bus station. “Thank you, Mang Ben. Sorry sa disturbo,” kalmadong sambit ko at nagpaalam na sa kanya. Tinignan ko ang singsing na ibinalik ni Kalt sa akin kanina at naiinis itong itinago sa aking shoulder bag. Pagod na pagod akong sumakay ng bus papunta sa Chastelvania. Probinsya kung saan lumaki at nakatira si mama dati kasama si lola. May mga naiwang gamit naman ako roon kaya hindi na ako magkakaproblema pa sa susuotin ko. “Kailangan ko munang patahimikin ang lahat bago ako bumalik sa Arcadeo,” naibulong ko na may kasamang mapait na ngiti. Unti-unti kong isinandal ang aking ulo sa may upuan at tahimik na pinagmasdan ang nasa labas ng bintana. Bawal akong ma-stress lalo't hindi na ako nag-iisa. Napapalalim na ang tulog ko subalit naputol ito ng sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Erza, Iris, Zavnier, Kenaih, Kalt and dad flooded me with voice messages, missed calls and texts. Iris: Beshhhhhhh! Bakit ka nag-resign?! Aba, tinatanong pa ba 'yan sa sitwasyon ko ngayon? Syempre, ayaw ko ng makatrabaho ang bruhang iyon. Pinasa ko na ang resignation letter ko bago ako umattend ng wedding. Alam ko kasing magkakagulo-gulo na sa pagitan namin ni Kenaih. Zavnier: where are you, Felicia? we have to talk... I just replied with... ‘we will soon. I'm sorry kung nagsinungaling ako. For now, magpapahinga muna ako. I'll be fine :>’ Hindi na dapat madamay si Zav dito. Masyado ng malaki ang naitulong niya sa akin. Baka katulad ko ay itakwil din siya kapag kinalaban niya pa ang Davenport. Erza: you're pregnant?! I saw the articles and the news! Hindi ko na muna sinagot ang voice mail ni Erza. As I've said earlier, kailangan kong magpahinga. Ang gustong-gusto kong mabasa ay ang message ni daddy. At the same time, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Paniguradong nakita niya rin ang mga articles. Daddy Elijah: what have you done? come home! Binabasa ko pa nga lang ang message ni daddy ay nanginginig at pinagpapawisan na ako. For two years, ngayon lang ako nakatanggap ng message mula sa kanya pero ganito pa. Napapikit ako dahil masyado na akong sinasakal ng sitwasyon ko ngayon. “I'm sorry dad.” Iyon lang ang tanging naisagot ko sa pamamagitan ng voice mail. “I really long for your embrace, dad. Tho' it's only possible when I'm asleep and daydreaming,” I sighed. Hindi ko napansin ang pagtulo ng aking luha na kaagad ko ring pinunasan. “Bawal ka ngang maging malungkot. Malulukot mukha ng anak mo, Felicia,” pagpapakalma ko sa aking sarili at pilit na ngumiti. Ramdam ko ang vibration ng cellphone ko kaya napahugot ako ng malalim na paghinga. I saw Kalt's name. Binalewala ko ito ngunit patuloy pa rin ito sa pagtunog. Ni hindi ako makatingin sa labas ng maayos dahil dito. Wala akong ibang nagawa kun'di ang sagutin ito. Nailayo ko sa aking tainga ang cellphone dahil sa malakas niyang sigaw. “I told you to stay! Ang tigas ng ulo mo. Come back here when I'm being nice to you, Felicia.” Napairap ako sa ere at naiirita siyang sinagot. “I didn't agree on staying though. Hinaan mo nga 'yang boses mo. Para kang babaeng selosa na iniwan lang sandali ay ngumangawa na,” sagot ko na nakahanda na siyang babaan subalit may naiisip pa akong idugtong. “Where are you?” Naririnig ko na ang pagseseryoso niya kaya tinapatan ko ito ng panunuya. Pinaiyak niya ako kaya konsumisyon naman ang ibabalik ko sa kanya. “I'm on my way para maghanap ng lalaking pwede kong pakasalan. Nang makalaya na ako sa'yo. Okay na ba, Davenport?” pang-iinis ko. Rinig ko ang kung anong nabasag sa kabilang linya kaya kaagad akong napangiwi. Ang dali niya talagang inisin. “What? Ugh! Ginagalit mo talaga ako, Felicia. Where are you—” Hindi ko na natiis ang kaingayan ni Kalt kung kaya't binabaan ko na siya. I turned off my phone so that I can be in peace. Magalit ka Davenport, bahala ka. Ba't kasi pinapatira niya ako sa bahay niya eh, halata namang si Kenaih ang gusto niyang makasama. May saltik talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD