Kenaih's Point of View
Galit ang unang pumuno sa akin nang tuluyang makalabas sa Hotel. Tinanggal ko ang veil at itinapon ito sa kung saan, kasabay ng bridal bouquet. Wala akong dalang gamit ngayon sapagkat nasa suite namin ni Kalt iyon.
The heck, pati cellphone ko!
“Bwes*t na Felicia! Sinira niya lahat ng mga plinano ko!” Halos sumabog na ako sa inis. Ni ang bilis ng pintig ng aking puso dala ng galit ko sa babaeng iyon.
“How did she find out about Gio?” I wonder out of nowhere.
Sinadya niya rin kayang sirain ang kasal namin para siya ang pumalit?
Ngayon isa lang ang nasisiguro ko. Ang sirain din ang buhay ng babaeng iyon. Hindi ako talunan na inaakala niya. She won now but for sure Kalt would be lured by me once again. Mahal na mahal ako ng uto-u***g lalaking iyon kaya paniguradong isang paghingi lang ng tawad at iyak, babalik din siya sa akin kaagad.
Nanghiram ako ng cellphone sa isa sa mga staff ng hotel at tinawagan si Gio. Ilang minuto pa'y nakita ko ang sasakyan niyang pumarada sa aking harapin. Namataan ko ang nakakaloko niyang ngisi, dahilan upang nagmamadali akong sumakay katabi niya.
I'll rest for now. I need a better plan this time. May pabida kasing nakisali na akala siguro'y matatakot ako. No way, naloko ko nga si Kalt, siya pa kaya na mukhang pulubi.
“You're mad?” Gio interrupted. Medyo malayo na kami sa hotel kaya sumandal ako sa kanyang balikat at ipinikit ang aking mga mata.
“Yes, of course! That b*tch, Felicia ruined my wedding and messed up with my plan! Sinong hindi magagalit?” may mataas na boses kong sagot.
“Okay? Relax, Kena,” he chuckled. Nawala ang kaninang malungkot niyang ekspresyon.
Tinignan ko siya ng masama kung kaya't napangisi pa siya lalo. “That marriage is bullsh*t. Mas maganda nga ngayong nakalaya ka na kay Kalt. Dalawa na tayong magpaplano at...” Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dahilan upang irapan ko siya at tipid na napangiti.
“We can live together from now on. In short, araw-araw kitang papagurin,” mapanuya niyang dugtong.
“Whatever. Tumingin ka nga sa daan,” saway ko sa kanya bago muling pumikit.
This is not the end, Kalt. I know, you're smitten by my existence. Hinding-hindi mo ako makakalimutan ng gan'on kadali. Hintayin mo akong sirain pa lalo ang iyong buhay.
Felicia's Point of View
Pagkatapos ng nakakahilong mga pangyayari ay marami ang bumati sa amin ni Kalt. 'Yong iba ay totoo subalit karamihan pekeng pagbati. Wala naman talaga silang paki' sapagkat para sa kanila, parte ito ng 'business matters'.
Habang patuloy kong hinahanap si Iris ay may babaeng kasing edad lang ata ni tita Melissa na mommy ni Kalt. Ngumiti siya sa akin ngunit ang mga mata niya ay patuloy akong sinusuri.
“I haven't seen you before? What family were you from? What business does your family do? Did you study abroad? How did you seduce, Mr. Davenport with that, uhm, look?” sunod-sunod na tanong niya na akalain mo ay interviewer ng trabahong papasukan ko.
“S-Seduce po?” paglilinaw ko na nakuha pang pumikit-pikit at tumikhim.
“Ang labo lang kasi na ang isang katulad mo ang magpapahiwalay sa dalawang iyon. Samantalang ang maganda at elegante kong anak, ni atensyon ni Mr. Davenport, hindi niya makuha-kuha. 'Yong totoo, ginayuma mo ba siya?” aniya na mahinang humalakhak.
Ayon. Inggit lang pala ang ante ko. Natapakan ba ego nilang mag-ina? Tsk, how childish.
“Ay talaga ho? Sorry po ito lang ako. Ang nakasungkit sa isang Davenport,” sarkastiko kong sagot.
Kapansin-pansin ang pag-awang ng kanyang labi. Akalain mo ay ngayon lang pinutulan sa tanang buhay niya. “I'm sorry for your loss—I mean, I'm sorry to hear that. Sabihin mo na lang sa anak mo na galingan pa ang pang-aakit,” dugtong ko at ngumiti ng pagkalapad. Gulat na gulat siya sa mga sinabi ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon na magpaalam at umalis.
“Ang yabang mo,” aniya nang tuluyan na akong nakatalikod sa kanya. “Laruan ka lang din naman para sa mga Davenport. Paniguradong magiging anino ka lang ni Ms. Filomeno. She's way better than you in all aspect. Asal kalye, tsk,” dagdag niya pa.
Nabato ako dahil sa sinabi niya. Sinabi rin kasi iyon ni Kalt sa akin. Nagpatong-patong na ang sakit na nararamdaman ko at pakiramdam ko ay bumibigat pa lalo ang aking kalooban. Narinig ko ang takong niya na papaalis subalit hindi pa rin ako nakakaalis sa aking kinatatayuan.
Nagsisimula akong pagpawisan ng malamig. May kung anong nangyayari sa tiyan ko at nagsisimulang sumama ang aking pakiramdam. Namataan ko si Kalt na nakikipag-usap sa iilang bisita. Nadako sa akin ang kanyang blangkong tingin sabay tinaasan ako ng kilay. Nagpaalam siya sa kanyang kausap at dahan-dahang naglakad papunta sa aking direksyon.
Doon din ay nagsimulang manlabo ang aking paningin at sinundan ng pandidilim. Nahihilo ako at nanginginig. Ang sama talaga ng pakiramdam ko na gustong-gusto kong humiga o umupo sa pagkakataong ito.
Hindi ko na talaga kinaya at umupo na ako sa sahig. Umiikot na kasi ang paligid at gusto ko pang sumuka. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga palad at pilit na ikinalma ang sarili.
Sa pag-alis ko ng aking mga palad sa aking mukha ay siya ring pagbungad ng malalamig na mata ni Kalt. Hindi siya nagsasalita ngunit hinubad niya ang suot-suot na suit at inilagay ito sa aking balikat. Tahimik rin akong itinayo ni Kalt at nang kamuntikan na akong matumba ay binuhat niya ako.
Napatitig ako sa malulungkot niyang mata na pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng pagiging blangko ng ekspresyon. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay ginagawa ang 'business' niya; ang pagkukunwaring may pakialam siya sa akin.
Wala akong ibang nagawa kun'di ang muling pumikit at pigilan ang sariling titigan siya. 'How unfortunate my life is. I am Kenaih's ghostwriter yet I'm also the ghost of her in Kalt's life', I thought.
“What happened to Felicia, son? Is she alright?” tanong ni tita Melissa. Hindi na ako nag-abalang magmulat pa dahil sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Gusto ko na ring magpahinga at umalis sa nakakasakal na lugar na ito.
“Don't worry, mom. She won't die in this state,” seryosong salaysay ni Kalt na mas lalong nagpasikip ng aking dibdib.
“Kindly talk politely? She's your fiancee now, Kalt,” sita ng mommy niya. Hindi ko man sila nakikita ngunit ramdam ko ang tensyon sa mga boses nila.
“As if I wanted that,” bulong ni Kalt tsaka tumikhim. “We need to go, mom,” paalam ni Kalt na hindi man lang hinintay ang sagot ng ina.
Napakahipokrito. Pabago-bago talaga siya. Kung minsan maginoo. Tapos magsusungit, malamig, mabait na napapalitan ng pagiging bossy. Hindi ko makuha-kuha ang totoong si Kalt. Akala ko nagmamalasakit siya ng bigyan niya ako ng Caesar Salad ngunit baka nag-assume lang talaga ako. Baka binili niya talaga iyon para sa kanya mismo.
Pagkarinig kong humupa na ang ingay ay nagmulat na ako. Nasalubong ko ulit ang tagpong kilay at nanlilisik na mata ni Kalt. “You're a good actress, Felicia. Balak mo bang magpabuhat sa akin para mapasok mo rin ang suite ko rito?” pambibintang niya.
Hinintay niya ang sagot ko nang hindi ako tinitignan kaya nagpumiglas ako upang makababa. Hindi ko rin siya pinagtuonan ng pansin dahil sa pagod na akong makipagsagutan sa walang kwentang bagay.
Tinalikuran ko na siya ngunit hindi niya talaga ako tinigilan sa pagtatanong. “Masaya ka bang makita ang katulad kong umiyak? That's an achievement, am I right?” pang-iinis niya sa akin.
“It's more like a burden,” mahinahong sagot ko. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. “Mas pipiliin ko pa ang malait kaysa sa masilayan kang umiiyak. I can't argue with someone who's in pain.” Wala akong narinig na salita pa mula sa kanya kaya tipid akong ngumiti na may halong kalungkutan.
“You don't need to take responsibility for what happened.” Tinignan ko ang engagement ring na suot-suot ko ngayon at walang pagdadalawang-isip itong hinubad.
I don't need this ring. Masyado ng masalimuot ang buhay ko para sirain ko pa.
Naglakad ako papunta sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Nalilito si Kalt sa ginagawa ko na hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras na tignan pang muli. Nasa singsing lang ako nakatingin na ngayo'y nasa palad na niya. Bahagya akong lumayo subalit nanatili ang atensyon ko sa singsing.
“What are you thinking?!” naguguluhang tanong ni Kalt. “Are you insane?” Hindi ko alam kung galit, saya o kung ano ba ang nararamdaman ngayon ni Kalt pero wala na akong pakialam.
“You're a Davenport, right? Kaya mong lusutan ito. I'm sorry for ruining your marriage and this engagement. Masyado ng magulo kaya hayaan mo akong maglaho na lang ulit. Pagod na rin kasi ako,” walang kaemo-emosyon kong salaysay na animo'y nasa ibang planeta ang utak.
“Sorry? I can't believe this!” aniya na nakapamaywang na at hindi mapirmi sa kinatatayuan. “Wala ka bang magawa sa buhay kaya—”
“As I said, you don't need to take responsibility. Pursue Kenaih again, and live your life without those tears,” I interrupted.
Bakas ang umiigting niyang mga panga at ang inis sa nakatagpo niyang kilay. “Let's not burden ourselves. Let's not meet again, Kalt. Isipin mo na lang na dumating ako upang subukin ang pagmamahalan niyo ni Kenaih.”
“Nasisiraan ka na nga!” he shouted in anger. Namumula na ang kanyang tainga at sobrang sama na ng titig na ipinupukol niya sa akin.
Sa kabila ng galit niya sa akin, nanatili akong kalmado at nagsalita sa huling pagkakataon. “This is goodbye then, Mr. Davenport,” pormal kong saad at ngumiti sa galit pa ring si Kalt.
Tinalikuran ko na siya at kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Kenaih might hurt him again but that's not my business to handle. Matalino si Kalt kaya mapapansin niya rin iyan kalaunan. It's up to him kung magpapakatanga ba siya.
Kung sana napagtanto ko ang lahat ng iyan, hindi na sana umabot sa ganito.
Napalingon ako bigla sa lalaking mabilis na naglakad papunta sa kotseng nakaparada sa aking harapan. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at hinila ako papasok dito. Sumakay din siya pagkatapos at isinara na ang pintuan.
Ano ba ang ginagawa ni Kalt?!
“Ano ba? Sabi ko wala ng pakialamanan 'di ba?” paglilinaw ko sa kanya na hindi man lang ako pinapakinggan.
“Saan po ang punta niyo, Sir Kalt?” tanong ng driver.
“Saan mo ako dadalhin?” Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang pagkakabit ng seatbelt sa akin.
“Drive us home, Ben,” sagot ni Kalt sa driver na umayos na ng upo at nasa labas na ang atensyon.
Home? Bakit? Ano ba ang iniisip ng lalaking ito?!