Announcement

1440 Words
Felicia's Point of View Ang kaninang maingay na paligid ay napalitan ng napakaingay na katahimikan. 'Yong katahimikang nakakapanlambot ng tuhod. Mas pipiliin ko pa 'yong mag-ingay sila kaysa sa mas lalo akong ginigisa gamit lamang ang mga titig nila. Kalt's mom is smiling and staring at me like she's studying my face or something caught her attention. “P-Paano niyo po nalaman ang buong p-pangalan ko,” pautal-utal kong tanong. Kagaya niya ay hinihinaan ko rin ang aking boses upang walang ibang makarinig ng aming pinag-uusapan. “Ngayon ko lang din nalaman,” halakhak niya na mas lalong nagpagulo ng utak ko. “I just confirmed it,” dugtong niya na nagpatagilid ng aking ulo. Malaking palaisipan kasi. Hindi ako kailanman iniharap at ipinakilala ni daddy Elijah sa pamilya o mga katrabaho niya. Bale, naging anak niya lang ako dahil may dugo akong Valmorie pero hindi ako nakikilala ng karamihan ni kahit sa papel. In short, I'm an Aljendra but became a Valmorie by blood. “P-Po?” nalilito kong tanong. “I can see the resemblance—anyways, what's important right now is that ... ” she paused and took a deep breath. Resemblance with whom? “You're bearing Kalt's son,” she said and smile as if walang nangyaring problema sa kasal ng anak niya. “So, we need to resolve this right now,” dagdag niya pa na nagpakaba sa'kin. “Mom, can I just leave? I'm darn concerned with my fiancee,” banas na banas na singit ni Kalt sa pag-uusap namin ng mommy niya. “Well, Felicia's here,” she smiled and shrugged her shoulders. “Do you mean—no! Ayaw kong maikasal sa mababang uri na katulad niya!” nanggagalaiting sigaw ni Kalt na dumagundong sa buong paligid. Nakuha niya pa akong ituro ng nanginginig niyang daliri. Kita ko ang nagsasama-samang ekspresyon sa kanyang mukha at mga mata. Disgusto. Galit. Pangmamaliit. Panghuhusga. Kalungkutan. Lahat ng iyon ay dahil at para sa akin. “Sa tingin mo, gugustuhin kaya ni Kenaih na manatali kapag nalaman niyang bumaba na rin ang uri mo? You worked hard for that company, Kalt. No one will help or save you once Davenport rejects you. Keep that in mind,” madiin na sabi ng kanyang ina dahilan upang magtiim ang kanyang bagang. “M-Mrs. Davenport, uhm—” singit ko na pinutol ni Kalt. “I agree,” aniya na napapikit sa nasabi. Nakita ko ang tuluyang pagkuyom ng kamay ni Kalt at nang buksan niya ang kanyang mga mata ay namumula ito. Tila any minute ay may tutulong luha mula rito. “Great!” masayang sambit ni Mrs. Davenport na bigla na lamang pumalakpak. “Both of you come with me,” pagtukoy niya sa aming dalawa. Napansin niyang nakatunganga lang ako sa kanya kaya hinawakan niya ang aking braso. Marahan akong ginabayan ni Mrs. Davenport papunta sa harap kung saan nakatayo si Kenaih at Kalt kanina. Dahan-dahan ko namang nilingon ang direksyon ni Kalt at nakita ko siyang galit na galit pa rin at wala na talagang magagawa kun'di sundin ang nais ng ina. Kapansin-pansin ang naguguluhang mga bisita na nagsisimula ulit na mag-ingay. Ngayon ko lang naalala na kasama ko pala si Zavnier at Iris. Pilit na tumatayo si Zavnier ngunit hinihila at pinagsasabihan siya ni Iris. Binitawan na ako ni Mrs. Davenport at kinausap ang iilang staff. Kakatingin ko sa kanila ay muntikan na akong madapa sa may hagdanan ng stage. Mabuti na lamang at mahigpit na nahawakan ni Kalt ang aking braso. Titig na titig kami sa isa't isa ngunit una akong umiwas dahil sa sakit at galit na nakikita ko sa kanyang mga mata. His jaw clenched and he threw daggers at me. “Look at me, Felicia,” Puno ng otoridad ang kanyang boses kaya kaagad niya akong napasunod sa kanyang gustong mangyari. “Sinimulan mo 'to pero ako naman ang tatapos. Don't ruin this event twice. Tandaan mong ikaw ang sumira ng kasiyahan ko,” bilin niya na kulang na lamang ay ihulog ako pababa ng stage. “My heart belongs to Kenaih, and you are simply her ghost. I'll never fall in love again unless it's Kenaih. Basura ka lagi sa paningin ko, Felicia. Itatapon kita kung kailan ko gusto,” salaysay ni Kalt na nagpabalik-balik sa aking utak. Masyadong masakit ang mga sinabi niya sa akin, na para bang piniga-piga niya ang kaloob-looban ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot sa ginagawa niyang panlalait sa akin. Mas mabuti atang nadapa na lamang ako. Kahit papaano malulunasan ang pisikal na sakit na aking matatamo. Umayos na kami ng tayo nang magsalita si Mrs. Davenport. “I sincerely apologize for keeping you all waiting. We have certain issues that we need to resolve. Anyway, Kaltheo, has an announcement to make, though,” salaysay ni Mrs. Davenport. Dahilan upang mas maintriga ang mga bisita. Anong announcement kaya ang gagawin ni Kalt? Kahit hindi pa rin napoproseso ang mga masasakit na salitang natanggap ko, pinilit kong ngumiti sa sa harap ng lahat. Kahit na wala rin akong ideya kung ano ang nangyayari. Napansin kung labag pa rin sa kalooban ni Kalt ang tinutukoy ng mommy niya sapagkat halos umiyak na siya sa galit. Paulit-ulit din ang pagtiim ng kanyang bagang na animo'y manununtok na kalaunan. “Kalt, you have something to announce right?” medyo naaasar na sabi ni Mrs. Davenport na nakuha pa ring ngumiti at umaktong excited sa mangyayari. Naguluhan ako nang biglaan na lamang dahan-dahang lumuhod si Kalt sa aking harapan at nanginginig na hinanap ng kanyang kanang kamay ang aking kaliwang kamay. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mga bisita at kay Kalt na ngayo'y medyo hinihigpitan ang paghawak sa aking kamay. “W-Will you ...” Pumikit muna siya sandali bago muling dinugtungan ang sasabihin. Sa pagmulat niya kapansin-pansin na ang mga luhang papatulo na sa kanyang mga mata. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa at guilt para sa kanya. Imagine, iniwan ka ng bride mo at heto ka at walang magawa kun'di ang mag-propose sa ibang babaeng pinili lang mommy mo. Ang sakit n'on! Wait ... propose?! “Will you marry me?” aniya at tuluyan na ngang tumulo ang pinipigilan niyang mga luha. “Accept it,” bulong niya na masamang-masama ang tingin sa akin habang patuloy na dumadaosdos sa kanyang mata ang mga luhang hindi niya na talaga napigilan. For a man who'll cry over a woman ... I kinda envy Kenaih. Upang mapagtakpan ang galit at patuloy na pagluha ni Kalt, mabilis ko siyang itinayo at niyakap. “Yes, I will,” I said, kahit na labag din sa aking kalooban ang kahibangang naiisip ng kanyang ina. Ang mga bisita naman ay hindi alam kung papalakpak, sasaya o malulungkot para kay Kalt, sa mga kaganapan. Namataan kong mabilis na naglakad paalis si Zavnier na hindi ko masusundan dahil kailangan kong pagtakpan si Kalt. “The ring,” singit ng mommy ni Kalt. Umayos ulit kami ng pagkakatayo ni Kalt at mas lalong bumuhos ang luha niya dahil ang mismong wedding ring nila ni Kenaih ang ipapasuot niya sa akin ngayon. Binili niya para kay Kenaih ngunit sa akin niya isusuot. Bakit ka nagi-guilty, Felicia? Ikaw ang sumira ng kasal 'di ba?! Nanginginig na kinuha ni Kalt ang singsing habang matalim naman siyang tinitignan ng ina. Kalt looked at me with disappoinment. Parang sinasabi ng mga mata niya na wala akong karapatang umangal. Ni magalit sa kanya, gayong sinira ko na ang sanay masayang buhay na pinapangarap niya kasama si Kenaih. This isn't what I've fantasized either. Saglit siyang ngumiti sa harap ng karamihan bago ako tuluyang niyakap ulit. Medyo napapainda ako dahil masyadong mahigpit ang ginawa niyang pagyakap sa akin. Balak niya atang balian ako ng mga buto. “Now, I'm not the only one who has responsibilities. You were able to ruin me, therefore you will also suffer,” he whispered. Nabato ako sa aking kinatatayuan at tinaasan ng balahibo sa katawan dahil sa pinagsamang lamig at galit sa kanyang boses. Pati ang mga mata niya ay nagsusumigaw ng panganib. Hinarap niya ako ng maayos at muling nagbitaw ng mga salitang tuluyang humigop ng aking lakas. “Acting innocent is not appropriate given that you are the one mistake I will live to regret,” Kalt said. He then kissed my cheek, smiled in front of everyone, acting like everything was alright. He handled it professionally, and that's when the crowd started to cheer for the both of us. He's a business man and a Davenport after all. Who would have thought that my life is about to be in danger?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD