Kalt's Point of View
I gritted my teeth when Felicia shouted those words. I even clenched my fist in anger. She's really insane!
The fvck? Why would she opposed in the first place? Sana pala hindi ko na siya inimbitahan na pumunta!
“What are you doing, Felicia?” rinig kong tanong ni Zavnier sa kanya na pilit siyang pinapakalma.
“Bakit ba siya nandito?” rinig kong bulong ni Kena dahilan upang mapalingon ako sa kanya. She snaked her hand around my arms and started to tremble. “Kalt? Anong gagawin natin?” she panicked.
“She can't stop us from—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inulit ni Felicia ang mga sinabi niya kanina. Ni hindi ko nakikitang nahihiya o natatakot siya sa ginagawa niya ngayon. She's really determined to ruin our marriage.
Ang lakas talaga ng loob!
Dala ng galit, nilapitan ko na si Felicia. Nakuha pa akong pigilan ni Kena subalit mas nangingibabaw pa rin talaga ang pagkamuhi ko kay Felicia.
“Kalt, what's going on? Who's that woman?” Haji asked but my attention is glued on Felicia.
“Bes, ginalit mo si Mr. Davenport. Kaloka ka. Pati ako napapahiya,” naiilang na sabi ng kaibigan niyang si Iris. “Sabihin mo na lang na it's a prank, uhm. Hello, M-Mr. Davenport,” natatarantang pagbati niya sa akin na katulad ni Haji ay hindi ko rin pinaglaanan ng atensyon.
“What's with you? I told you to clear, Kena's name but you showed up, ruining our marriage,” I said as I tried to calm myself. Marami ang nakatingin kaya hindi ako pwedeng maging agresibo.
“K-Kasi, Kalt—”
“Now you're stuttering?” Napangisi ako na walang halong katatawanan at madiin siyang tinitigan sa mata. “Ano na namang problema mo? As I remember, maayos naman 'yong utak mo n'ong inimbitahan kita. Ano, naalog ba ang iilang turnilyo o baka gusto mo na namang humingi ng pera?” mabilis kong salaysay na gigil na gigil na makita ang nakakainis niyang nagpapaawang ekspresyon.
“Felicia, let's just go. Maybe you just need some rest—” Zavnier said, still trying to calm her.
“I'm pregnant, Kalt,” Felicia interrupted.
Kapwa natigilan kami ni Zavnier pati ang iilang mga bisita na malapit sa amin. My parents were in shock to hearing what Felicia said.
“W-What?” I chuckled trying to process what she just said. “Is this a joke or what?” I asked, confused.
“B-Buntis ako sabi!” biglaang sigaw niya na tuluyang nagpaawang ng aking labi.
Tinititigan ko lamang siya at tila ay nawala sa sariling pag-iisip ng ilang minuto. Namumula ang kanyang mukha sa ginawang pagsigaw at bakas ang panginginig niya.
“So? Are you sure that I'm the father—”
Nakaramdam ako ng hapdi sa aking pisngi, sa lakas ba naman ng ginawang pagsampal sa akin ni Felicia. Pagkabalik na pagkabalik ng tingin ko sa kanya ay muli niya akong sinampal sa kabilang pisngi dahilan upang mapahawak ako rito.
“Sa'yo 'to, gag*! Ang galing mong kumald*g tapos mahina ka sa responsibilidad! Gag* ka ngang tunay!” sunod-sunod na sigaw ni Felicia na natahimik din kalaunan dahil sa pagsampal ni Kena sa kanya.
Is this a darn dream? Oh please, I wanna end this nightmare!
Felicia's Point of View
Mahapdi ang aking pisngi subalit nag-uumapaw pa lalo ang galit ko. Seeing the face of Kenaih made me angrier.
“What the heck is your problem? Bakit ka nanggugulo sa importanteng araw na ito?!” sigaw ni Kenaih na handa na akong saktan ulit subalit humarang si Zavnier upang maprotektahan ako.
“Felicia, please,” pagmamakaawa ni Zavnier upang makaalis na kami. Nabato naman sa kinatatayuan niya si Iris, gulat na gulat.
Binalewala ko si Zavnier at ibinalik ang atensyon kay Kenaih na akalain mo'y may pakialam sa kasal na ito. Napangisi tuloy ako dahil sa mga nasabi niya. Pakiramdam ko ay ito ang pinaka-corny na joke na aking narinig.
“Importanteng araw? Sarcasm ba 'yan? Bakit hindi ko ramdam, Ms. Filomeno?” I asked sarcastically and grinned wickedly, trying to tease her.
Napansin ko ang ginawa niyang paglunok at ang hindi niya mapirming tingin sa akin. She's affected. I just caught her and I think she's trying to find the way out of this mess now.
“W-What do you mean?” kinakabahan niyang tanong na napapatingin sa naguguluhang si Kalt.
“Gusto mo talagang sabihin ko rito? Hindi ka talaga magsisisi? Final na?” panunuya ko pa lalo dahilan upang kagatin niya ang kanyang labi sa inis. Sa akin lamang siya nakatitig na para bang may kasamang banta.
“Gio,” I mouthed and chuckled like the villainess would do.
Pinanlakihan siya ng mata at natatarantang tumingin kay Kalt at sa mga tao sa paligid na nakikiusyoso. Nagulat ako sapagkat sinampal ba naman niya si Kalt at biglang umiyak.
“Cheater!” she shouted and ran towards the exit.
Are you referring to yourself, Kenaih?
Tsk, I just get rid of her but ... how do I handle this mess I'm involved with?! Tang'na!
“Pagsisisihan mo ito, Felicia. I'm not done with you. Kahit anong gawin mong paninira sa akin, hindi n'on mabubura ang katotohanang isa kang mababang uri,” makahulugan at seryosong sambit ni Kalt matapos ay nagmamadaling sinundan si Kenaih.
Kaasar! Kung alam mo lang na iniligtas kita mula sa babaeng iyon!
Nasa may exit na si Kalt nang harangan siya ng isang maganda at sopistikadang babaeng kaedad lang ata ni Kalt. Nakataas ang isang kilay nito at malamig na tinitigan si Kalt. Umirap siya sa ere nang hindi man lang siya pinagtuonan ng pansin nito. Mas lalong nagkagulo at umingay ang paligid sapagkat bigla ba naman niyang binatukan si Kalt. Pagkatapos ay nakuha niya pang pitikin ang noo nito.
Who is she?
“I didn't raise you to be like this; irresponsible,” aniya na nakuha pa ring panatilihin ang poise kahit na galit ito kay Kalt.
Raise? Is that Kalt's sister?
“Now is not the time for that, mom. I need to follow Kena,” sagot ni Kalt na atat na atat ng makalabas.
Shemay, nanay niya 'yan? For real?!
Dahil sa nalaman, nanginig tuloy ako lalo. Paano kung magalit siya sa akin dahil sa pagsira ko ng kasal ng anak niya? Mas nakakatakot pa naman siya kay Kalt. Nagawa niya ngang batukan si Kalt na anak niya, paano pa kaya akong walang koneksyon sa kanya.
“You have the guts to talk back!” sigaw niya na umalingawngaw talaga sa buong paligid.
Lagot ka talaga, Felicia!
Nanlaki ang aking mata sapagkat mabilis niyang hinila sa braso si Kalt pabalik sa kinaroroonan ko. Napalunok tuloy ako sa takot at kabang nararamdaman. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Ipinahiya ko ba naman ang Davenport sa harap ng maraming bisita, lalo na sa mga VIP na naririto.
“Mom, I need to go—” Natahimik si Kalt sapagkat muli siyang binatukan ng ina. Kalt's too old for this childish treatment from his mom.
Naalerto ako dahil bigla ba naman akong binalingan ng ina ni Kalt. Binitawan niya ang anak na aktong tatayo subalit napatigil dahil sa sinabi ng ina. “You'll gonna lose everything if you disobey me, Lavish,” she said in a casual way. Mas nakakatakot siya kapag umaasta siya ng ganyan. Knowing that she's angry with Kalt and the fact that she's smiling now...
Lumapit siya sa kinaroroonan ko dahilan upang magsiatrasan ang mga tao sa aking likuran, maliban kay Zavnier. Patuloy akong nagpigil ng aking hininga at ni hindi man lang makatingin sa kanya ng diretso.
Babatukan niya rin kaya ako?
Pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking mga tuhod at nanghihina ang aking buong katawan. Animo'y hinigop niya ang iilang tapang at lakas na meron ako.
Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan mula paa hanggang sa aking mukha. Biglang umangat ang gilid ng kanyang labi at muling humakbang upang maisara ang espasyo sa aming pagitan.
Para akong lantang gulay ngayon. Nararamdaman ko ang pinagsamang pag-iinit ng aking pisngi at panlalamig ng aking katawa't mga kamay.
Gagi, nakakatakot! Kung alam ko lang na ganito ang mommy ni Kalt, hindi ko na sana siya niligtas!
Yumuko siya at pansamantalang tinitigan ang aking mga mata't pisngi. Pagkatapos ay lumapit siya sa aking tainga at bumulong ng ...
“We meet again, Felicia Zanni Aljendra Valmorie.” She then chuckled, followed by a cryptic smile.
Ha? Bakit kilala ako ng mommy ni Kalt? At anong 'we meet again' eh ngayon ko pa naman siya nakita?