Irritated

1250 Words
Felicia's Point of View Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na katok. Napaupo ako sa kama at naiinis na ginulo ang aking buhok. Ayaw ko pang bumangon subalit ayaw ding tumigil ng kung sinong kumakatok sa pinto. Iritable kong binuksan ang pinto, without minding how I would look like. Tumambad sa akin ang nag-aalangang si Sara. “Ma'am Felicia, kanina pa po kayo pinapababa ni Sir Kalt,” aniya na mas lalong nagbigay ng iritasyon sa akin. “Bakit daw?” walang ganang tanong ko na hanggang ngayon ay kinakawayan pa ng kama. Inaantok pa talaga ako. “Kakain na raw po. Bilisan niyo na, Ma'am Felicia at baka magalit pa po si Sir. Mag-aalas otso na po kasi ng umaga at late na siya sa trabaho,” paliwanag ni Sara. “Hindi ba siya pwedeng kumain mag-isa? Sabihin mo inaantok pa ako,” tugon ko na handa ng isarado ang pintuan kung wala lang kamay na humarang dito. “You need to eat your breakfast,” maotoridad na sabi ni Kalt. “Para saan pa eh, sinusuka ko rin naman,” pabulong kong sagot na walang alinlangang tinalikuran siya at bumalik sa kama. Ipinikit ko na ang aking mata upang makatulog muli. “Felicia! I said—” “Mamaya na Kalt, tinatamad pa akong bumangon at bumaba,” namamaos na boses kong pagpigil sa kanya. Ni hindi na ako nag-abala pang imulat ang aking mga mata. Confident akong hindi niya ako sasaktan physically dahil buntis ako sa anak niya. Subukan niya lang. “Sara, bring her breakfast here,” rinig kong utos ni Kalt. Huminga siya ng malalim at natahimik na ang buong silid. Nahimigan ko ang pagsarado ng pinto. Hindi rin ako nakakasiguradong lumabas silang dalawa kaya nagtakip na lamang ako ng unan sa ulo. May prenatal checkup nga pala ako bukas, nakakatamad pa namang umalis. Sino ba namang hindi tatamarin eh, suka ako nang suka tapos inaantok pa lagi. Mag-isa rin akong pupunta sa hospital dahil hihintayin lang ako ni Ben sa carpark. Rinig ko ulit ang pagsarado ng pinto. Wala na akong pakialam kung dinalhan man ako ni Sara ng pagkain o ano. Ang akin lamang ay makaidlip kahit five minutes lang. Naramdaman ko ang pag-uga ng gilid ng aking kama. Isa ring malalim na buntong-hininga ni Kalt ang kasunod nito. “Felicia, don't be stubborn. You are pregnant. You need to eat,” sermon niya sa akin na kahit papaano ay nakokonsensya kay baby. Hinila niya ang unan na nakatakip sa ulo ko ngunit hindi pa rin ako nagmumulat. Naglalaban ang antok at kagustuhan kong umupo. Paniguradong sasabog na naman ang mainipin na Davenport sa gilid ko. Naramdaman ko ang mga kamay niyang inaalalayan akong makaupo sa kama. Mapungay kong iminulat ang aking mga mata at binalingan ang masungit niyang pagmumukha. Tumayo muna siya upang kunin ang tray ng aking pagkain at inilapag ito sa aking gilid. “Kain, Felicia,” seryoso niyang utos na gustuhin ko mang sundin ay hindi ko magawa. Sana sampalin niya ako nang magising naman ang diwa ko. “Fine!” singhal niya. Akala ko ay aalis na siya ngunit pinulot niya ang kutsara at siya na mismo ang nagsubo ng pritong itlog sa akin. Kamuntikan na akong matumba sa sobrang lanta kaya inalalayan niya ako sa kabilang kamay. Isinandal niya ako sa kanyang dibdib at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain sa bibig ko. “Nguyain mo, Felicia,” utos niya na nag-iipon ng pasensya sa paraan ng pagtitig sa akin. Walang lakas ko siyang tinitigan habang mahinang nginunguya ang pagkain. Kailangan ko na nga sigurong bumisita sa doktor. Nanghihina na ang katawan ko. Namumutla na rin ako; animo'y sinipsip ni baby lahat ng dugo ko sa katawan. “Ayoko na,” sambit ko na nilalabanan ulit ang antok. “The fuc—Come on, Felicia,” bakas ang inis sa boses niya. Niyugyog niya ako kaya bumaliktad na naman ang sikmura ko. Gusto ko ulit sumuka kahit na wala gaanong laman ang aking sikmura. “Bathroom, Kalt. Nasusuka ako,” nag-aalalang sabi sa nanghihina pa ring boses. Baka hindi ako makapagpigil at sa kanya ako sumuka. Nagmadali niya naman akong sinikop at binuhat ng walang reklamo. Pagkarating sa bathroom ay tila lalabas na ang mga bituka ko. Naisuka ko ang kinain ko kanina at sobrang sama talaga ng aking pakiramdam. Kahit wala ng lumalabas ay duwal pa rin ako nang duwal. “Sara, call the doctor! Hurry!” utos ni Kalt sa kakapasok lamang na si Sara. Ni hindi na alam ang gagawin sa akin. “Huwag na. May schedule naman ako bukas. Bukas na lang,” pigil ko kay Kalt. Akala mo ay magpapadala pa ng ambulansya at mga doktor sa sobrang OA. “This is morning sickness, Kalt. H'wag kang OA,” sita ko sa kanya na ngayon ay aktong tatayo ngunit sinikop niya. “Normal? No, this isn't right,” kontra niya sa mga sinabi ko. Ibinalik niya ako sa kama at doon tahimik akong muling ipinikit ang mga mata. Rinig ko naman ang pabalik-balik na paglalakad ni Kalt habang may kinakausap sa kanyang cellphone. “Cancel the meeting. I won't make it today,” aniya sa kanyang sekretarya. Kahit papaano ay patago akong napangiti. Ganito pala mag-alala si Kalt. Sa konting minutong nakasama ko siya rito sa kwarto at nag-aalala pa, pakiramdam ko importante ako. Yes, we're friends now but I can't ignore the idea that he's going to be my husband. Matapos matignan ng doctor, ay pinayuhan akong uminom ng vitamins at huwag ding matulog ng late. Kailangan ko rin ng exercise at tamang pagkain. My doctor also advised me to refrain from stress and stop overthinking. “Mas mabuting umiwas ka muna sa pagtatrabaho dahil makakasama ito sa kalusugan at sa baby mo. Masilan pa naman ang pagbubuntis mo, Mrs. Davenport,” ani doctor na nakapagpatigil sa amin. Shutang Mrs. Davenport 'yan! Ang awkward tuloy! Nagkatinginan kami ni Kalt sabay umiwas sa titig ng isa't isa. “Uhm, I’m not his, uhm, wife,” paglilinaw ko. Baka isipin pa ni Kalt na sinasadya ko itong mangyari. “Not yet. Soon she will,” sabi naman ni Kalt sa nag-aalangang doktor. Kalaunan ay ngumiti ang doktor sa amin at napatango. “I heard that you're engaged. Anyways, you have a really beautiful and adorable fiancee, Mr. Davenport,” puri sa akin ng doktor kong si Mr. Ignacio. Matanda lamang siya ng kaunti kay Kalt kaya masyadong naging awkward tuloy ang mga sinabi niya. Lalo pa't tinitigan niya ako ng nakangiti. Walang kaso iyon sa akin. He's known to be friendly and there's nothing wrong with it. Ang problema nga lang ay ibang-iba na ang tingin sa kanya ngayon ni Kalt. Hindi ko alam kung bakit ganyan kasama ang tingin niya sa doktor. Kulang na lamang ay sipain o ipakaladkad niya ito paalis dito. “Sara, escort Mr. Ignacio out,” utos ni Kalt sa kasambahay. Nagpaalam na sa amin si Mr. Ignacio kaya tinanguan ko na lamang siya bilang sagot. “Rest for now, Felicia. Ipapahatid ko kay Sara ang pagkain mo.” He dialed someone and waited for him or her to answer. Nagtaka ako dahil sa narinig bago pa tuluyang isarado ni Kalt ang pintuan ng aking silid. “Find a capable doctor. I need a woman in her thirties or forties. Just replace that—” Hindi ko narinig ang buong detalye dahil sa pagsarado ng pinto. Ano ba ang gustong mangyari ni Kalt? Bakit ganoon na lamang siya kung umasta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD