bc

Deal With The Pain Of Yesterday

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

kwarto ni Dr. Benveniste ay may nahagip na matipuno at matangkad na lalake ang aking mga mata. Hindi ko ito nakilala dahil nakayuko at dumiretso nalang ako sa clinic ni Dr. Benveniste. Pagkadating ko ay kumatok agad ako at pumasok. "Good morning Ms. Gastrell", aniya niya tsaka ngumiti. "Good morning din po Doc, bakit mo po pala ako pinatawag?" tanong ko at sinabing maupo daw muna ako.

"Sa susunod na linggo ay iaassign ang iba't ibang nurses at doctors sa iba't ibang hospital para tumulong ng libre sa mga may sakit na nangangailangan ng tulong" tsaka ipinaliwanag ang mangyayari. Tumayo na ako at nagpaalam pero bago pa ako makaalis ay may kumatok at pumasok na gwapong lalake na siyang nagpatulala sakin pero nagmamadaling umaalis ako doon.

Pagdating ko sa nurse station ay ginawa ko na ang aking ginagawa sa araw araw. Tapos na ang aking gawain at oras na para sa lunch time namin tinawag ko ang aking bestfriend na kakarating lang sa nurse station. "Cole kain na tayo sa cafeteria" aya ko sa kanya dahil nagugutom na ako, mabilis siyang tumango at ngumiti. Umoorder agad kami pagkadating namin at naghanap ng mauupuan.

Habang kumakain kami ay nagkwekwento si Cole tungkol sa nangyari sa kanya ngayong araw at kwinento niya din ang nakita niyang doctor na pogi at kakatransfer lng daw dito. Napailing na lang ako sa kwinekwento niya. "Vui! Vui! Siya yun, siya yung kwinekwento ko sayo!", pasigaw na sabi niya at agad tinignan ang tinitignan niyang daanan at muntik na ko masamid nung nakita ko kung sino. "Vui okay ka lng ba?" tanong niya "Oo okay lng ako may naalala lang"sabay tipid na ngiti sa kanya. Inaya ko na siyang umaalis doon dahil tapos na din kami kumain.

Tapos na ang aming shift at naghahanda na ko para umuwi pero tinawag ako ng isang nurse at sinabi kung pwede ko daw dalhin yung pinapahingi ng isa sa mga doctor at simpleng tango nalang ako iginawad ko. Pinuntahan ko na yung sinabi niyang floor at room kung saan yung doctor na humingi ng mga documents. Walang pangalang nakasulat sa labas ng kwarto niya kaya kumatok na ako at pumasok.

"Good morning Doc. Ito na po yung hinihingi niyong-" napahinto ako sa pagsasalita nung namataan ko kung sino yung doctor "ito na po yung documents" kaswal na sabi ko at agad na pagpasok ng babae sa pintuan kaya umaalis na ko. Umuwi na agad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto.

Hinding hindi ko na babalikan ang masasakit na alala. Hinding hindi ko na uulitin ang sakit ng kahapon.

:>

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Vui's Pov "Vui! Sabay na tayong pumunta sa room" sigaw ni Cole sakin. Si Cole o Colette ay bestfriend ko simula pa noong elementary kami. Siya ang palagi kong kasama kapag wala sa bahay ang aking pamilya at alam niya ang kwento ng buhay ko tungkol sa aking pamilya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa aming room at salita siya ng salita ng kung ano ano. Nasa grade 10 na kami ngayon at next year ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kukunin ko. Pagkadating namin ay naupo agad kami at naghanda na para sa darating na teacher namin. "Good Morning class I have a announcement we will have our Provincial Meet in the 2nd week of November." Lahat kami ay napatigil sa sinabi ng aming teacher. Pagkatapos niyang sabihin lahat ng announcement ay nagpatuloy na siya sa aming lesson. Noong natapos na ang aming klase ay linigpit ko na agad ang aking gamit at inaya si Cole na pumunta na sa cafeteria para mag tanghalian. Tapos na kami umorder ni Cole at naghahanap na kami ngayon ng mauupuan. "Malapit na pala yung Provincial Meet na yon ah, anong plano mo?", aniya ni Cole sakin. Inisip ko din ang sinabi niya dahil balak ko sana tumulong kay Mama para extra income at mag focus sa pag aaral. "Ewan ko di ko pa alam pag iisipan ko muna pero mukhang wala din akong choice." Natapos ang aming klase buong hapon na puro tungkol sa mga bagong lesson na pag aaralan. Pagkadating ko sa bahay ay nagbihis agad ako at hinanap si Mama para tumulong sa pag ayos at pagpost sa social media ng mga vitamins,soap at kung ano ano pa. "Huwag ka na dito Vui mag aral ka nalang doon" aniya ni Mama sakin "Okay lang ma para makatulong ako at sayang din ang income na makukuha ko" at natawa nalang kaming dalawa. Naghahanda na ako ngayon para sa aming hapunan. Tinawag ko na din ang mga kapatid ko at si papa. Habang nasa hapagkainan kami ay naisipan kong sabihin kay Mama ang tungkol sa announcement kanina. "Ma may announcement pala kanina sabi po ng teacher namin ay magkakaroon ng provincial meet sa 2nd week ng Nobiyembre", aniya ko. "Huwag na Vui gastos lang yan mas mabuti pang mag focus ka nalang sa pag aaral mo at isipin kung ano ang kukunin mong strand sa susunod na taon di ba't hayan naman ang gusto mo?", sabi ni papa at napayuko nalang ako. "Sige anak manonood kami ng mga kapatid mo sayo nun sabihin mo lang kung ano kailangan mo" masayang sabi niya. Si Mama ay nag oonline selling pero malaki ang kita niya. Hindi siya madamot sa mga bagay kadalasan siya pa nga ang pumipilit sakin na bumili ng kailangan ko. Palagi niya akong sinusupportahan sa mga contest ko katulad nalang ng quiz bee, declamation at lalo na sa sport na tennis. Ang pinakabawal sa pamilya ko ay ang magkaroon ako ng jowa. /hays kawawa ka naman buti pa ako wala rin/ Si Papa ay engineer sa isang company. Strikto siya pag dating sa mga bagay bagay na hindi naman kailangan. Ang dalawa kong kapatid ay nag aaral na rin, isang kinder at isang elementary. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbasa ng libro at gumawa ng assignment. Kinabukasan ay parehas lang ang nangyari ngunit pagkatapos ng aming klase ay kinausap ako ng aming coach. "Vui ikaw ang kukunin namin para maglaro ng tennis sa provincial meet", aniya ng aming coach. "Sige po sabihan niyo nalang po ako coach tungkol sa practice", sabi ko at simpleng ngiti nalang ang ginawad. Nung dumating na ako sa bahay ay napahiga na agad ako. Inisip ang mga mangyayari sa susunod na araw. Napapikit na lamang ako at hinihiling na sana. Sana sa susunod na araw magiging masaya at maayos pa ang lahat. :>

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Alpha's Instant Connection

read
651.0K
bc

Kaimana, Shemar & Emrys the powerful three

read
3.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.9K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
613.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook