"Ate! Hindi ako makapaniwala! May negosyo na tayo!" masigla at malawak ang ngiti sa labi ni Ely nang sabihin niya iyon sa akin. Nasa labas kami ng pinapatayo niyang flower shop. Malapit na itong matapos. Habang ang bahay naman ay konkreto na at pintura na lamang ang kulang. "Pakiramdam ko'y hindi ka na talaga makakabalik ng Maynila, Ely!" kantiyaw ko sa kan'ya. Nagkibit-balikat siya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kan'yang labi. "Keri lang no. Mas gusto ko na palang mag negosyo, ate." "Tsh! Hindi mo pa nga alam kung mag bo-boom ba 'tong negosyo mo o hindi. Hindi mo ba nami-miss ang pumpkin mo?" panunukso ko pa. Nalukot ang mukha niya at halos hindi na maipinta ang kan'yang ekspresyon. "Siyempre nami-miss. Grabeng-grabe na nga 'yong pangungulila ko, kaya huwag mo na akong asari

