Patapos na ang bahay at sinisimulan na ni Engineer Jacob at Ely ang pagpaplano sa ipapatayong flower shop ni Ely. Karga-karga ko si Seth habang pinapanood ko si Ely at Engineer Jacob na seryosong nag uusap nang biglang may humintong sasakyan sa gilid ng kalsada. Nangunot ang noo ko, at hinintay ang pagbaba ng kung sino. Halos manginig ang mga tuhod ko nang nakita kung sino ang bumaba. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin. Malawak ang kan'yang ngiti habang nakatingin sa akin at naglalakad palapit. Pero ako'y patuloy na nakalukot ang mukha habang sinasalubong siya ng tingin. "Anong masamang hangin ang naghatid sa'yo dito?" tanong ko nang tuluyan siyang huminto sa harapan ko. "Isang taon lang kaming hindi nagkita ng apo ko ay mas lalo na yata itong gumwapo." Pasinghal akong na

