Kung siguro ay nagpaalam ako kay Dwayne no'ng umalis ako ay marahil nasaktan ko na siya. Kasi iyon 'yong nararamdaman ko ngayon matapos niyang bigkasin ang mga huling salita niya. "B-bakit?" namaos ang boses ko. Pakiramdam ko'y pahirapan para sa akin ang ilabas ang nag iisang salita na 'yon. "I'm leaving for Norway tomorrow. I have business to attend to. Can you promise me that you'll stay there in Mindoro and wait 'till I come back?" Napabuga ako ng hangin. Ang akala ko'y nakikipaghiwalay na siya sa akin. "Siyempre naman, Dwayne. Hanggang kailan ka ba do'n?" "Maybe a month or two." Kagat labi akong tumango kahit na hindi naman kami magkaharap at hindi naman niya ako nakikita. "Maghihintay ako, Dwayne. Hihintayin kita." Narinig ko ang malalim niyang pagbuga ng hangin. "I love you,

