Kabanata 50

1410 Words

Mabilis na dumapo ang isang kamay ko sa nakaawang kong bibig. Hindi ako makapaniwalang sa loob ng ilang taon akong namuhay sa mundo ay hindi pala ako totoong Arguilles. At anong kinalaman ng mga Buenaventura sa totoo kong tatay? Anong kinalaman ng pamilya ni Dwayne sa akin? Ayokong mag isip ng negatibo, pero hindi ko maiwasang isipin na may posibilidad na kadugo ko si Dwayne. "Are you okay?" Narinig kong tanong ni Engineer Jacob. Nag angat ako ng tingin sa kan'ya. "Mm," tango ko. "Namumutla ka kasi," alanganin ang ngiti sa labing saad niya. Napabuntonghininga ako. "Ayos lang ako," sabay ngiti ko sa kan'ya. Maging sa pagsapit ng gabi ay hindi nawala sa isip ko ang mga nabasa ko. Pilit itong gumugulo sa utak ko. Nag alas dose na ng madaling araw at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD