"Patingin nga ako!" sabay agaw ni Nerry sa picture na kakatanggal ko lang mula sa album. "Nakita mo na, ate?" tanong ni Ely. "Oh my! Ang gwapo naman ng lalakeng 'yan! Seryoso, Mina? Naging boyfriend mo 'to? Aminin mo, hiningan mo ng number matapos niyong mag s*x no?" Nalukot ang mukha ko sa sinabing iyon ni Nerry. Bawal 'yon sa trabaho namin noon. Bawal ang bigayan ng pangalan, address at kahit na anong may kinalaman sa personal na buhay. "Gaga! Hindi ko nga maalala kung paano kami humantong sa kama. Sa picture na 'yan ay magkausap kaming dalawa. Malamang ay nag-uusap kami tungkol sa presyo." Humalakhak si Nerry. "Pwede rin namang hindi talaga kayo humantong sa kama. Mahilig ka sa table-table lang noon, e. At saka, kung sakali mang nag s*x kayo, hindi mo rin maaalala ang mukha niya h

