Kabanata 6

1758 Words
LUMINA Nang makabalik kami sa opisina ay pabagsak niyang isinarado ang pintuan nang makapasok siya. Dahilan upang matigil ang lahat sa kanya-kanyang trabaho at agad na nagkumpulan sa table ko. "Anong nangyari do'n?" Si Joseph ang naunang magtanong. "E-ewan ko..." Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa computer ko. "Asuuus! Ewan mo? O ayaw mo lang talagang magkwento? Iyong totoo... may nangyari na ba sa inyo?" si Phoebe. Napatingin ako sa kanilang lahat. Agad kong itinaas ang mga kamay at iwinawagayway ang mga iyon sabay iling. "Wala! Walang nangyari sa 'min." "Naku, Lumina, ah! Huwag na 'wag ka talagang magpapaakit d'yan sa boss nating 'yan." si Janice. "Alam mo, Janice. Ang nega mo rin, eh. Kung ako babae, matagal na akong nag apply bilang assistant ni Boss at nakipag chukchakan sa kan'ya," halakhak ni Joseph. "Eh, kasi... ang mga bakla likas ng malalandi ang mga 'yan. Pero ang mga babae. 'Yong matinong babae, ah! Kahit gaano pa kasarap ng putahing ihain sa harap nila, hindi kakagat 'yan kung alam nilang wala pang basbas ng nasa taas," seryoso namang tugon ni Janice sa sinabi ni Joseph. "Ang sakit mo namang magsalita sa aming mga bakla," ani Joseph. Mukhang mag-aaway pa yata ang dalawang 'to. "Saan ang masakit do'n? Malandi ka naman talaga." "Hoy! At kailan ako naging malandi, aber?" "Kagabi lang. Gusto mo ikwento ko sa kanila 'yong kahihiyang pinaggagagawa mo kagabi?" Narinig ko ang halakhakan ng iba. Mukhang may alam ang iba sa amin sa mga nangyari kay Joseph kagabi. Habang 'yong iba naman ay pinaulanan sila ng tanong kung anong mga nangyari. Napatingin ako sa nakasaradong pinto ng office ni Boss Dwayne. Matapos naming lumabas sa Bluestone Hotel ay hindi na niya ako muling kinausap. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong iniisip niya. -- DWAYNE Damn it! I slammed the door f*****g hard the moment I stepped into my office. Yes! I do f**k sluts, bitches and every woman who wants for me to f**k them but... I never made a girl cry. I hate it. Ayokong nagpapaiyak ng babae. Kaya no'ng makita ko kung paanong naglandas ang mga luha sa pisngi niya kanina ay hindi ko maatim na ituloy ang kung anumang binabalak kong gawin sa kan'ya. I really want her. I'm serious when I say that I want her. I f*****g want her, to the point that I lost control and I forced her to be my f**k buddy. Putcha! Wala sa plano 'yon. Wala sa plano kong galawin siya kung ayaw naman niya talaga. "f**k! I messed up. Big time," sapo ko sa noo ko sabay gigil na hinaplos ang buong mukha ko. Kagat-kagat ko ang labi ko nang kunin ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. "I'm busy making out, man! What's up?" bungad ni Zoren sa tawag ko sa group chat namin. "Ang aga-aga Zoren," si Roiden. "Baon ko 'to mula kagabi, sinusulit ko lang. You know, habang hindi pa panis." I heard everyone hissed. "Napatawag?" si Art. I took a deep sigh. "Tara, inom." "Ang aga mo namang nagyaya. May problema?" si Spike. "Just thirsty," tipid kong sagot sa tanong ni Spike. "Saan?" Narinig ko ang boses ni Neo. I thought he's going to ignore this group call. "And'yan ka pala, Neo?" tawa ni Zoren. "Kaya nga group call 'di ba?" sarkastikong tugon ni Neo. "Malay ba namin. Minsan ka nga lang ma-contact, e." si Roiden. "Sige na. sige na! Sa bar ulit ni Roiden," singit ko. "Wait... bakit sa bar k-" Narinig ko pa ang akmang pagrereklamo ni Roiden pero pinatayan ko na agad ng tawag. Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw niya kaming naglalagi sa bar niya. Ilang beses pa akong napabuga ng hangin bago nagdesisyong kunin ang susi ng kotse kong marahas kong inihagis sa table ko kanina. Mabilis na nahagip ng aking mga mata ang table ni Miss Arguilles pagkabukas ko ng pinto. Pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin at nagdiretso na lang sa paglalakad paalis. Nag diretso ako sa VIP Table na laging naka reserve sa amin. "Sagot mo 'to lahat, ah!" Pagod na mga mata ang tugon ko sa pambungad sa akin ni Roiden. Pabagsak akong naupo sa tabi ni Neo. Tinanggap ko ang isang bote ng beer na iniabot niya. Uminom ako roon saka pinagmasdan ang mga mukha ng mga kaibigan kong ngayon ay nakatitig na sa akin. "What?" I raised a brow. Naghagikhikan sila sa naging reaksyon ko. "Anong problema?" Ngisi ni Art. "Walang problema." Uminom ulit ako. "Kung wala... ba't ganyan ang mukha mo? It looks like... you got scammed," si Neo. Napabuntonghininga ako. "I said, I don't have problems." "Kung balak mong manloko ng tao, sinasabi ko sa 'yo, huwag kami, Dude," si Zoren. Umiling ako bago muling uminom. "Tingin ko, in-love na 'to, eh," Narinig kong bulong ni Neo kay Spike. "Tingin mo?" Humalakhak siya. Naiinis akong pinakinggan iyon. "Ang swerte naman ng babaeng 'yon," dagdag ni Spike. "Gusto mong mag girl hunting?" seryosong tanong ni Zoren sa akin. Napaismid ako. "Tayo na nga lang, Art. Walang kwentang kausap, eh!" ani Zoren kay Art. Muli pa akong uminom bago ako nag angat ng tingin sa kisame, at doon bumuga ng hangin. "May napaiyak akong babae," pag amin ko. "Ohhh..." panunukso nilang lahat. Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin. "Anak ng! Anong ginawa mo?" si Art. "I bet, hindi nakuntento sa isang gabi," hula ni Zoren. "I can't believe it! Ikaw ba 'yan Dwayne?" si Spike. "Binago mo na paniniwala mo?" si Roiden. "I didn't, okay?" medyo inis na tugon ko kay Roiden. "What happened?" si Neo. Mariin akong pumikit. "I forced her to be my f**k buddy." "What?" si Zoren ang unang nag react. "Wait, sino ba 'yan?" si Spike. "And forced? Man, are you serious? You forced a girl?" Humalakhak si Art. Pumikit ako ng mariin. "I... I really want her. Damn!" Natahimik silang lahat. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay kinwelyuhan ako ni Zoren. "Where's Dwayne? Hindi ikaw si Dwayne. Nasa'n ang totoong Dwayne?" Iritado ko siyang tinulak. "What the f**k, dude!" Naghalakhakan sila. Iniinis lang nila ako lalo. "'Yong kilala naming Dwayne, hindi naghahabol sa isang babae," si Neo. "At sinong nagsabing, naghahabol ako?" "At 'yong Dwayne na kilala namin, hindi namimilit ng babae," dagdag ni Art, medyo seryoso na. "Sino nga ulit?" si Roiden. "My new assistant," tipid kong sagot. "Assistant? Why? Where's the hot one. 'Yong Yvette?" si Spike. "Pinagsawaan ko na," tugon ko na nagpatawa na naman sa kanilang lahat. "Two years ka ring nahumaling do'n, ah!" si Zoren. "Akala nga namin, in love ka na do'n," si Roiden. "Balik nga tayo... natanong mo ba kung bakit umiyak?" tanong ni Neo. Umiling ako. "I can't believe it. This is Dwayne Buenaventura, we are talking here... inayawan?" humagalpak ng tawa si Art, na agad ding sinundan ng lahat. I hissed. "So... what's your plan?" si Neo. Lumingon ako sa kanya at agad na pinagkunutan ng noo. "Anong plano ang tinutukoy mo?" "Plano. Don't you want to apologize?" Nag iwas ako ng tingin at marahas na bumuga ng hangin. "Hayaan niyo na 'yan. Hayaan niyo siyang mag isip kung anong gagawin niya," si Spike. "That's what I'm talking to you guys. Hindi niyo kasi inaalam kung sinong virgin sa hindi. 'Yan tuloy nakapagpaiyak ka ng babae," halakhak ni Zoren. "Ang tanong... birhen nga ba?" si Art. "Magpapakipot ba kung hindi? Gago!" si Neo. They laughed. I shook my head. I don't know what to do now. Should I apologize? "We're almost there. Bumigay na siya, eh. Pero no'ng naramdaman kong namamasa 'yong pisngi niya. Doon na ako natigilan. I just wanna make her p***y wet, not her eyes." "Napasobra ka yata. Baka natakot sa 'yo," si Neo. I shrugged. Ayoko ng magsalita pa. Gabi na nang bumalik ako ng office. Alas otso na ng gabi at nagulat ako nang mamataan ko si Miss Arguilles sa table niya, nakapikit at mukhang masarap na ang pagkakahimbing. Lumapit ako. I heave out a sigh. So beautiful. I can't stop myself from looking at her. Para siyang painting na nakaka-hypnotize. Tuloy, ay hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. "s**t. What am I thinking," I whispered before shaking my head. I faced her monitor and saw that she's done with what she's working. I smiled. She's hardworking. "Miss Arguilles, wake up." Marahan kong niyugyog ang braso niya. Dahan dahan din siyang nagmulat ng mga mata. At nang mapagsinong ako ang nasa harap niya ay mabilis siyang tumayo at natatarantang inayos ang sarili. "B-boss... S-sorry po..." "It's okay. Go home now," sabi ko saka siya tinalikuran at nag diretso na ako sa office ko. -- LUMINA Ang pangaral ko sa sarili ko kanina, iidlip lang. 'Di ko namalayang nakatulugan ko na pala 'yong pag-idlip. Nagulat pa ako nang gisingin ako ng boss namin. Napabuntonghininga ako. Agad ko nang inayos ang mga gamit ko saka ako naglakad na paalis ng office. Nang makalabas ay napagtanto kong gabing-gabi na nga at wala ng masyadong dumadaang sasakyan. Ilang minuto pa akong naghintay bago ko narinig ang mga yapak sa likuran ko na papalapit sa akin. "What are you still doing here?" Sa tahimik ng lugar ay umalingawngaw ang boses niya. Humarap ako sa kan'ya at tipid na ngumiti. "Naghihintay po ng sasakyan pauwi, Boss." Kunot-noo siyang napabuga ng hangin saka nag diretso sa sasakyan niyang naka-park, hindi kalayuan sa pwesto kung saan ako nakatayo. Ang akala ko'y tuluyan na siyang aalis. Pero nanlaki ng bahagya ang mga mata ko matapos kong makitang huminto siya sa mismong harapan ko. "Huwag ka ng tumunganga d'yan. Sumakay ka na!" Sigaw niya mula sa loob. Napanganga ako sa tinuran niya. Don't tell me... "Ihahatid na kita. Bilis na!" Alam kong mahihirapan akong sumakay pero nakakahiya naman yata kung sa boss ko pa talaga ako makikisabay 'di ba? "Hindi na po. Mag ta-taxi na lang po ako pauwi." "Huwag ng matigas ang ulo, Miss Arguilles." "Okay lang po talaga, Boss Dwayne. May taxi pa naman po sigurong dadaan." Hindi niya ako sinagot. Binuhay niyang muli ang makina. At walang lingon-lingon niyang pinaharurot paalis ang kanyang sasakyan. Gano'n na lang 'yon? Nagpapakipot lang naman ako, eh! Hindi man lang ako pinilit gaya sa kung paano niya akong pinilit makipag... Marahas akong napabuga ng hangin. "Tama na nga 'yan, Lumina. Ba't mo pa ba iniisip 'yon?" Nailibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Mukhang kailangan ko na yatang magsimulang maglakad. Wala na kasi talagang dumadaang taxi. Patingala akong muling bumuga ng hangin. "Ang arte kasi, Lumina. Good luck ngayon sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD