Kabanata 7

1715 Words
Kanina pa ako nakatayo dito at sumasakit na ang mga paa ko. Bakit kasi nagpakipot pa ako kanina, e. Eh ‘di sana ngayon mahimbing na ang pagkakatulog ko. Nanlulumo akong napabuga ng hangin. “Tama na nga, Lumina. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Nangyari na. Wala ka ng magagawa pa.” Tingnan niyo na. Sa sobrang pagod at gutom na nararamdaman ko ngayon, pati sarili ko kinakausap ko na. “Ay!” Napalundag ako nang biglang nag nanginig ang cellphone ko. May nag text. Siguro ay si Melissa. Baka nag aalala na ‘yon sa akin. Bahagyang nangunot ang noo ko nang makitang mula sa unknown number ang mensaheng iyon. Nakauwi ka na? Hindi kaya nag change ng sim si Melissa? At saka wala ba siya sa bahay? Bakit tinatanong niya kung nakauwi na ba ako? Rereplyan ko sana kaso naalala ko, wala pala akong load. Muli na naman akong napabuga ng hangin. Araw ko nga yata ngayon. Minamalas ako, e. Ilang sandali pa ay may humaharurot na sasakyan ang bumusina at huminto sa harapan ko. Bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ng boss namin. “Huwag ka ng magpakipot. Sumakay ka na,” tinatamad na sabi niya. Binuksan niya ang pintuan mula sa loob. At talagang ‘di na ako magpapakipot. Ayoko ng dagdagan pa ang mga kagat ng lamok sa makinis kong binti at braso. “Salamat,” sabi ko nang makapasok sa kotse niya. Inayos ko ang seatbelt at bahagya siyang nilingon. Halatang katatapos niya lang mag shower dahil mula rito sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang shower gel na gamit niya. Pinanood ko siya habang kunot ang kanyang noong nag da-drive. Ilang sandali pa ay nag iwas ako ng tingin nang bigla siyang bumaling sa akin. “Are you hungry?” Agad akong umiling. Pero hindi ko alam kung magkagalit ba kami ngayon ng tiyan ko at agad niya rin akong ibinulgar. Bigla ba namang nag ingay. “Your stomach doesn’t allow you to lie, Miss Arguilles,” mahinang tawa niya. Napabuga ako ng hangin saka nagbaling ng tingin sa labas ng bintana. “Let’s eat first. Saan mo gustong kumain?” Lumingon ako sa kanya. “Sa bahay na lang.” Hindi siya sumagot. Bagkus ay ngumuso siya. Ilang sandali lang ay inihinto niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Pinanood ko siya. Lumingon din siya sa akin saka binasa ang kan’yang labi. “Galit ka ba sa akin?” Bumakas ang gulat sa mukha ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Medyo disappointed lang dahil sa nangyari kanina sa hotel. “I... I’m not.” “Then why don’t you accept my invitation? We'll just going to have dinner, nothing more. Besides, I know you’re hungry.” Pumungay ang kan’yang mga mata. Ang madilim na ekspresyon na lagi kong nakikita sa kan’yang mukha ay nawala na. Katulad na siya ng lalakeng nakilala ko sa lumang Parke. Right! Papayag ako sa dinner para matanong ko rin siya tungkol do’n. Unti-unti akong tumango. “S-saan tayo kakain?” Umangat ang gilid ng labi niya. Hindi ko maikailang napakagwapo niya. Muli niyang binuhay ang makina at nag drive paalis. Dinala ako ni Boss Dwayne sa isang mamahaling restaurant. Panay ang kagat ko sa labi ko at ang pag aayos ko sa damit ko habang pumapasok kami. Hiyang-hiya ako at dito niya pa ako dinala. First time ko sa mga ganito ka classy na kainan. “Pwede niyo naman po akong dalhin sa mga karenderya. Bakit dito? Ang mamahal yata ng pagkain dito. Wala akong pambayad,” saad ko habang panay ang paglinga sa paligid. Halata talagang pang mayaman ang restaurant na ‘to. Chandelier pa lang, malulula ka na sa ganda at laki. “I’m sorry but... hindi ako kumakain sa karenderya.” Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. “Totoo?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Tipid siyang ngumiti bago marahang tumango. “Na hospital ako no’ng bata ako nang minsan ay kumain ako sa isang karenderya malapit sa school namin.” Nangunot ang noo ko. Ang arte naman ng bituka ng isang ‘to. Malinis din naman sa karenderya. “Bakit daw?” tanong ko. “Nakakain daw ako ng panis.” Tumango ako. “Simula no’n hindi na ako kumakain sa mga gano’ng kainan. Medyo na-trauma na rin.” “Sorry,” saad ko. Natawa siya. “Bakit ka nag so-sorry?” Sorry kasi... inisip kong maarte ang bituka niya. Pero hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kanya kaya kinagat ko na lang ang labi ko. Mabuti na nga lang at eksaktong dating din iyon ng mga pagkaing in-order niya. “Let’s eat,” aniya. Ngumiti pa ako sa kanya bago ako nagbaba ng tingin sa pagkaing nasa plato ko. Ngayon lang ako makakakain ng steak sa tanang buhay ko. Kinuha ko ang tinidor at isang maliit na kutsilyo at dahan-dahan ko iyong hiniwa. Kabado ako. Natatakot akong baka magkamali ako. Tahimik lang na kumakain si Boss Dwayne sa harap ko. Paminsan-minsan ay nag-aangat ako ng tingin sa kanya. Komportableng-komportable siya sa ginagawa niya. Halatang sanay na siya sa mga ganito. “Uh, Lumina...” Natataranta akong muling nag angat ng tingin nang marinig ko siyang binanggit ang pangalan ko. “P-po?” Bumaba ang tingin ko mula sa kanya papunta sa plato niya. Tapos na siya sa kinakain niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha niya at nakitang umawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin. Naghintay ako ng ilang sandali sa kung anumang sasabihin niya. Pero sa huli, ay umiling na lang siya saka nag salin ng wine sa wine glass niya at sumimsim doon sabay iwas ng tingin sa akin. Tahimik kaming natapos sa dinner na ‘yon. Hindi ko tuloy natanong sa kanya ang tungkol sa unang pagkikita namin sa Parke. Nang makarating sa bahay ay halos magkasabay lamang kaming bumaba ng sasakyan niya. “Salamat po sa dinner. Nabusog ako,” ngiti ko. “Your welcome.” Ngumiti siya pabalik. “Uhh... pasok na po ako,” pagpapaalam ko. Hindi siya sumagot. Ang akala ko’y iyon na ‘yong hudyat ko para pumasok sa loob ng bahay. Pero bago pa man ako makapasok sa gate ay mabilis na niyang hinawakan ang palapulsuhan ko, dahilan upang matigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya. Pinanood ko kung paanong nagpang-abot ang makakapal at maitim niyang mga kilay. “I... I’m sorry about earlier.” Agad kong binalikan ang mga nangyari sa araw na ‘to. At napagtanto ko na agad kung anong dahilan ng pagso-sorry niya. Napabuga ako ng hangin. “Hindi ko po masasabing ayos lang ‘yon. Pero pwede po nating kalimutan na lang. Kasi hindi po ako—” “Yeah. I got it. Now, I know na hindi ka gano’ng klaseng babae.” Gusto kong matawa. Hindi ako ganoong klaseng babae? Kasi mas masahol pa ako sa ganoong klase ng babae. “I gotta go, Lumina.” Tumango ako. “Good night.” Ngumiti siya. Tipid akong ngumiti rin sa kanya pabalik. “Good night.” Muli pa siyang ngumiti sa akin bago siya pumasok sa kotse niya. Lumayo ako sa kotse niya nang marinig ang pagbuhay ng makina. Bumusina pa siya bago pinaharurot ang kanyang sasakyan palayo. “Ano ‘yon, Mina? Mukhang magkaka-lovelife ka na, ah!” Lumingon ako sa pintuan ng bahay at nakitang nakahalukipkip si Mel doon habang pinapanood ako rito. Siguradong nakita niya lahat. Umiling ako saka naglakad na papasok. Nilagpasan ko siya at nagdiretso ako sa sala at pabagsak na nahiga sa sofa. “Kumain ka na?” si Mel na agad namang sumunod sa akin. “Mm,” tango ko. “Nag dinner ka kasama ang boss mo?” Bumangon ako. “Gabi na at pareho kaming gutom kaya niyaya niya akong mag dinner.” Nakita ko ang agad na pag ngisi niya. “So... saan kayo nag dinner?” “Sa mamahaling restaurant.” “Wow! Talaga? Anong kinain niyo ro’n?” “Ba’t andami mong tanong?” Tumayo ako’t naglakad na papasok sa kwarto ko. Sumunod ulit si Mel sa akin. “Na-curious ako, Mina. Ngayon ko lang din kasi nalaman na ‘yong boss niyo ang may ari rin ng hotel na pinagtatrabahuan ko.” Napalingon ako sa kanya. “Talaga?” “Mm,” tango niya. “Ang yaman niya ‘di ba? Ngayon lang kasi ako na-assigned sa reception kaya ngayon ko lang nalaman.” “Ang tagal mo nang nagtatrabaho ro’n, ah.” Ngumuso siya. “Pakealam ko ba sa may-ari? E, ‘yong sweldo lang naman ang pakay ko ro’n. Ngayon lang ako nagtanong kasi, nakita kitang kasama siya.” “Malamang kasi assistant niya ako.” “Assistant? E, copy editor ka ‘di ba?” Umiling ako. “Ay, Mel. Mahabang kwento. Lumabas ka muna. Maliligo ako.” Iritado siyang nag alis ng tingin sa akin saka lumabas ng kwarto. Napabuga ako hangin at nag diretso na sa banyo. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. Kakasimula ko pa lang sa trabaho ko nang may biglang naglapag ng isang baso ng kape sa table ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ang nakatalikod na si Boss Dwayne at papasok na sa office niya. Muli akong nagbaba ng tingin sa baso at nakitang may sticky note na nakalagay roon. Good morning, Lumina. Hindi ko maiwasang mapangiti. “Ngayon ko lang nakitang nagtimpla ng kape si Boss Dwayne sa Pantry.” Narinig ko ang panunukso sa boses ni Joseph. “Ayos lang sana kung sa kanya. Understandable ‘di ba kasi late ang assistant niya kaya magtitimpla siya ng kape para sa sarili niya. Ang kaso’y nilapag niya sa mesa ng assistant niya,” si Danica. “At may pa-sticky note pa guys,” si Phoebe sabay agaw sa sticky note na nasa kamay ko. “Good morning, Lumina,” basa ni Ronnie. Ngumuso ako at pinaulanan na naman nila ako ng tukso at mga tanong tungkol sa Boss namin. Napabuga na lang ako ng hangin. Iniisip nilang may namamagitan sa amin ni Boss Dwayne. Na alam ko sa sarili kong kahit kailan ay hindi mangyayari. Hindi ako hahayaan ng nakaraan ko na magmahal at mahalin ng isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD