Kabanata 8

2022 Words
“Mag kwento ka na kasi, may something na sa inyo, no?” si Janice. “Wala nga kasi,” tugon ko. Pinaulanan nila ako ng mga tanong. Hanggang sa lunch ay hindi ako nakatakas sa mga panunukso at tanong nila. “E, bakit may pa-kape at sticky note si Boss, kung wala?” tumatawang ani Brick. Napabuga ako ng hangin. “Hindi ko alam.” “Hindi mo alam? O ayaw mo lang talagang mag kwento?” si Danica. “Okay... may nangyari...” sabi ko. Tila naman nag nanlaki ang mga tainga nila, at agad na nagkumpulan papunta sa akin upang makinig sa kung anumang sasabihin ko. Napangisi ako habang pinagmamasdan ang mga inosente pero sabik sa chismis na mga mukha nila. “May nangyaring...” pambibitin ko. “Ano?” si Joseph. “May nangyaring—” “What are you guys doing?” Umalingawngaw ang boses ni Boss Dwayne sa kung saan kaya natatarantang nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad na nahuli ang kan’yang pag nguso habang nakatingin sa akin. “Hi, Lumina,” aniya. Nagulat ako. Nagbaba ako ng tingin sa mga kasama ko sa table at nakitang nanlalaki ang kanilang mga mata, kasabay ng pagpipigil ng ngiti. Mas lalo akong pauulanan ng tanong at tukso sa mga ginagawang ‘to ni Boss Dwayne. “Hello po," alanganing bati ko pabalik. “Can I join you for lunch?” tanong niya. Agad namang tumayo si Joseph na nasa tabi ko, upang doon paupuin si Boss Dwayne. Tahimik kaming lahat habang pinapanood ang mahinhing pag upo ni Boss Dwayne sa upuan. Marahan niyang inilapag sa lamesa ang tray na hawak niya, kung saan naroroon ang kan’yang pagkain. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagpang-abot ang aming mga mata. “Starstruck?” nakangising sabi niya. Umawang ang labi ko. What the hell is he saying? “Continue eating,” muling sabi niya nang walang nakuhang tugon mula sa akin. Napapikit ako ng mariin. Paano ko ipagpapatuloy ang kinakain ko kung narito siya sa tabi ko at parang mga kutsilyong nakatutok sa akin ang mga tingin ng mga kasama namin sa table? Wala pa man akong nasusubo ay pakiramdam ko’y nabibilaukan na ako. Tahimik niyang sinimulan ang kan’yang pagkain. Nakatingin ako sa kan’ya habang ginagawa niya ‘yon. Siniko ako ng katabi ko sa kabila na si Danica. Nang lingunin ko siya’y malaki na ang kan’yang ngisi sa akin. “Ngayon lang ‘yan sumabay sa mga empleyado niya,” bulong ni Danica. So what? Baka gusto lang talaga ni Boss Dwayne na sumabay sa lunch ngayon. Huwag naman sana nilang lagyan ito ng malisya. Tahimik kaming natapos sa lunch. Isinama ako ni Boss Dwayne sa office niya pagkatapos. “Schedule?” aniya. “Bibisita po sa Factory.” Tumango siya habang nakatingin sa akin. May multo ng ngiti sa kan’yang labi. “Isasama niyo po ba ako?” Bakas ang pagiging sabik sa boses ko. Sa totoo lang ay gusto kong sumama. Matagal ko ng pangarap ang makapasok sa factory ng isang publishing house. Gusto kong makita kung paano nilang pino-proseso ang mga libro. “Hindi.” Gumuho ang mundo ko. “Bakit po hindi? Eh ‘di po ba sabi niyo assistant niyo ‘ko, kaya lagi akong kasama niyo sa mga lakad niyo?” Hindi ko napigilang mag protesta. Pangarap ko kasi talaga ‘yon. Tapos bigla lang maguguho ang mundo ko dahil lang sinabi niya. “Pero kapag sinabi kong hindi kita isasama, hindi ka sasama.” Ngumuso ako. “Bakit naman po? Hindi naman ako manggugulo do’n.” Bumuntonghininga siya. “Wala ka na bang ibang trabaho, Miss Arguilles?” Umiling ako. “Natapos ko na po kanina ‘yong huling manuscript. Nai-email ko na po sa inyo, Boss.” Tumayo siya at saka inayos ang suot niyang manipis na long sleeve na nakatupi hanggang siko. “Let’s go,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko. Ang akala ko’y hindi niya ako isasama. Kaya gano’n na lang ang ngiti ko nang makalabas kami ng office niya. Dumako agad ang mga tingin sa amin ng mga katrabaho namin nang makalabas kami. Bahala sila kung anong isipin nila. Pumasok kami ni Boss Dwayne sa elevator saka niya pinindot ang letrang ‘B’. Patungo iyong basement nitong building. Napahigop ako ng hangin. Matagal bago ko ‘yon ibinuga. Excited na excited ako. Malakas ang t***k ng puso ko. Madali lang kaming nakababa. Nang bumukas ang elevator ay hindi ko na alam kung saan ipe-pwesto ang sayang nararamdaman ko. “Wow!” namamanghang sabi ko. "Shut your mouth. You looked like an idiot." Agad akong napatakip sa bibig ko. "Grabe, Boss! Ang ganda dito," hindi mapigilang sabi ko. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nang mag angat ako ng tingin sa kan’ya ay nakita ko kung paanong nangunot ang kan’yang noo. “B-bakit po?” tanong ko. “Are you really that fond of books?” Inilibot kong muli ang paningin ko sa kabuuan ng factory. Matagal bago ako sunod-sunod na tumango habang nakangiti. "Sobra." “I see.” Bumalik siyang muli sa paglalakad pero naiwan akong nakanganga roon sa kinatatayuan ko. Tama ba ‘tong nangyayari sa akin? Kaharap ko ang nakatambak na mga libro na nagmimistulang hagdan sa dami. Hindi ako makapaniwala. Parang gusto kong iuwi lahat ng ‘to. Kahit siguro isang taon akong magbasa ay hindi ako mapapagod. Matagal bago ko napansing malayo na pala sa akin si Boss Dwayne at kausap na nito ang mga trabahante dito sa factory. Kaya agad akong nagmadali sa pagsunod sa kan’ya. Nagsipaglingunan naman ang lahat ng kausap niya sa akin nang makarating ako sa harapan nila. “By the way, this is Lumina Arguilles, my new assistant,” pagpapakilala ni Boss Dwayne sa akin. “Hi po,” bati at ngiti ko sa kanila. Tinanguan at nginitian din naman nila ako bilang pagbati pabalik. “Malapit na ang birthday ko. Tulad ng nakagawian ay mags-sale at magpapa-freebies tayo. I want you to be ready. Siguradong may mga araw na mag o-overtime tayo specially if we have more orders than expected.” “Yes, Boss,” tugon ng lahat sa sinabi ni Boss Dwayne. “Lumina will be checking on you from time to time.” Umawang ang labi ko sa narinig. Checking on them from time to time? Ibig sabihin ba no’n maglalagi ako dito sa factory? Omg! Ngayon pa lang ay excited na excited na ako! Hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa labi ko kaya nang kunot-noo akong lingunin ni Boss Dwayne ay nahuli niya akong malapad ang ngiti sa kan’ya. “Get back to work,” lingon niya sa mga trabahante. Nang lumingon siya pabalik sa akin ay nakakunot pa rin ang noo niya. “Why are you smiling?” “Boss, tama ba ‘yong narinig ko? Dito ako maglalagi?” Mas lalo yatang nangunot ang noo niya. “I didn’t say anything about that.” Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. “Eh? Sabi mo, I’ll be checking on them from time to time?” “Yeah. Sinabi ko nga ‘yon. Pero wala akong sinabing dito ka maglalagi. Sa office ko... doon ka maglalagi, Lumina,” seryosong aniya saka siya umalis sa harapan ko. Bakit sa office niya? Naipilig ko ang ulo ko. May pinaplano ba siyang masama sa akin? Napasinghap ako at agad na naitakip ang mga kamay ko sa aking bibig. This can’t be... Yayayain na naman ba niya akong maging f**k buddy niya? Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa nakatalikod na si Boss Dwayne. No way! Okay na kami, e. Nagkaintindihan na naman na kami tungkol sa bagay na ‘yon. “Aish! Lumina, stop it na! Huwag mo na ngang pag-isipan pa ng masama ang boss mo!” suway ko sa sarili ko. “Pinagnanasaan mo ba ang boss natin?” Napatalon ako sa gulat nang narinig Kong may nagsalita sa aking likuran. Lumingon ako’t nakita ang isa sa mga babaeng dito sa factory nagtatrabaho. “Hindi, ah!” depensa ko. Sumilay ang nakalolokong ngisi sa labi niya. “Huwag kang mag-alala, normal lang namang magnasa tayo sa boss natin. Sinong hindi ‘di ba? Likod pa lang, solve ka na!” tunog malanding aniya. At nagawa pa niyang mag lip bite habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Boss Dwayne. Umiling ako. “Wala akong gusto sa boss natin.” Naglipat siya ng tingin sa akin. “Aba, choosy!” aniya saka pasiring na inalis ang kan’yang mga mata. “Sa gwapo niyang ‘yan? Hindi mo pa siya gusto?” Napahagikhik ako habang pinapanood siyang nakatingin sa boss namin na kulang na lang ay tumulo ang kan’yang laway para may pruweba akong siya ang may pagnanasa kay Boss Dwayne. “Marami na akong nakitang gwapo kaya hindi na bago sa akin ang gan’yang mukha. Saka gwapo nga siya. Masama naman ugali. Tingnan mo nga ‘yan! Laging nakakunot ang noo na para bang pasan niya lahat ng problema sa mundo,” saad ko, nakatingin na rin sa boss namin. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya. “Tama ka d’yan. Lagi nga kaming takot kapag bumibisita ‘yan dito, e. Ngayon lang hindi. Mukha kasing maganda ang mood niya ngayon. Noon kasi, Nasa entrada pa lang ng factory, galit na agad ang ekspresyon ng mukha niya. Tapos isa-isa kaming pinapagalitan. Lahat yata ng trabaho namin napupuna. Kailangan perpekto. Kailangan wala siyang nakikitang mali. Kung ‘di lagot ka.” “Ilang taon ka na ba dito?” “Mag aapat na yata?” Nagsimula siyang maglakad patungo sa kung saan kaya sumunod ako sa kan’ya. “Matagal ka na pala dito, no? So ibig sabihin, marami ka ng alam.” “Anong maraming alam?” “Alam. Tungkol sa boss natin.” Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noong lumingon sa akin. “Anong ibig mong sabihin.” Lumapit ako ng bahagya sa kan’ya. “Sa taas kasi, usap-usapan ‘yong pagiging manyakis ni boss. Hindi ba nakarating sa inyo ‘yon.” Humagalpak siya ng tawa. Agad tuloy akong nagpalinga-linga na baka may makarinig sa malakas na tawa niya. Mabuti na lang at nasa parte kami ng factory kung saan natatabunan kami ng matataas na pile ng libro. “Ano nga ulit pangalan mo?” natatawa pa ring tanong niya. “Lumina,” maiksing tugon ko. “Alam mo, Lumina. Matagal na chismis na ‘yan dito. Pero hindi ako naniniwala. Maniniwala lang ako kapag ako na ‘yong minamanyak ni Boss Dwayne. Actually, hinihintay ko nga, e.” Nalaglag ang panga ko. Humahagikhik pa rin siya nang iwan niya akong nakanganga. Nang lumiko siya at natabunan na ng pile ng mga libro ay doon lamang ako napabuntonghininga at pumihit patalikod para bumalik sa kaninang puwesto ko kung saan ako iniwan ni Boss Dwayne. Baka kasi hanapin niya ako. Pero pakiramdam ko’y lumipad yata palayo ang kaluluwa ko matapos akong salubungin ng makinis na mukha ni Boss Dwayne. “Someone is being nosy,” may kaunting ngisi sa labing anas niya. “B-boss...” Patay na! Narinig niya yata ‘yong mga pinag-usapan namin no’ng babae kanina. “Lumina... If you’re really that curious. You can talk to me. You can ask me. Stop being nosy around.” Pakiramdam ko’y nalulunod ako sa mga titig niya. Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko kaya wala sa sarili ko ‘yong nakagat. Mas lalo tuloy lumawak ang ngisi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay iniyakap niya ang kaliwang braso niya sa bewang ko at hapitin ako palapit sa kan’ya. “B-boss...” nanginginig at mahinang ani ko. Lumipad sa ere ang kanang kamay niya at nag landing iyon sa pisngi ko. Marahan niya iyong hinaplos at isinukbit sa tainga ko ang ilang hibla ng aking buhok. “Gusto mo lang yatang manyakin kita, e,” bulong niya. Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Sa tono ng boses niya ay parang nilalandi na niya ako. Nakakatakot. Mabilis pa naman akong magpalandi. Delikado yata ang lagay ko dito sa gwapo naming boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD