Kabanata 9

1696 Words
Totoo ngang sa opisina ako ni Boss Dwayne naglalagi. Hindi dahil may binabalak siyang masama sa akin, kung ‘di dahil umalis siya ng bansa. At isang linggo siyang mawawala. At sa loob ng isang linggo na ‘yon ay kahit na nakakapagod ay payapa naman ang naging buhay ko sa trabaho. Walang boss na nangungulit sa akin at nanggugulo. “Huminto na ‘yong kotse niya sa tapat ng building!” Napatingin ako sa pintuan ng office ni Boss nang narinig ko ang anunsiyo na iyon ni Janice. Mariin akong napapikit at napabuntong hininga saka marahang inayos ang mga papeles na nagkalat sa lamesa ni boss. Ilang minuto lang at nagmartsa na ako palabas ng opisina niya upang sumabay sa mga kasamahan kong sasalubong sa kan’ya. Birthday na niya ngayon at kahit na kinatatakutan siya ng mga empleyado niya ay ramdam ko naman ang pagmamahal ng mga ito sa kan’ya. Kasama nila akong naghanda sa kaunting salo-salo at surprise birthday party na ito. Kaya kasama rin akong nadisappoint nang hindi man lang ito nagawang i-appreciate ng boss namin. “Happy bi—” Hindi na natuloy ang masayang pagsalubong sana namin kay Boss Dwayne. Kunot ang kan’yang noo at umiigting ang kan’yang panga nang lumabas siya ng lift. Halata sa kan’yang mukha ang pagod at galit na marahil ay bitbit niya magpahanggang dito. Huminto siya sa paglalakad at isa-isang tiningnan ang mga kasamahan ko. Sa tuwid na mga tingin niya ay siguradong hindi pa niya nakikita ang mga banderitas na nakasabit sa dingding at ang kaunting mga makukulay na lobo. “What are you guys doing?" istriktong tanong niya. Walang kahit na isa ang naglakas ng loob na sumagot sa tanong niya. Maging ako ay tahimik lang sa tabi ni Joseph. "Bakit wala kayo sa mga table niyo?" "B-boss..." si Danica. "Hindi niyo ba alam ang tungkol sa deadline na hinahabol natin? Tapos na ba kayo sa lahat ng mga pinapagawa ko?" Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. "Boss... s-sinasalubong ka lang po namin," si Janice. "Did I tell you to do that?" Nakayukong umiling si Janice bilang tugon sa tanong ni Boss Dwayne. "We do not have much time. Bumalik kayo sa mga trabaho niyo." Agad na nagsipagsunuran ang mga katrabaho ko. Nagkanya-kanya silang balik sa mga table nila at naiwan akong nakanganga sa kinatatayuan ko. Nagpang-abot ang mga tingin namin ni Boss Dwayne. Agad akong yumuko. Ramdam ko ang pagsisimula ng kan'yang lakad papunta sa akin. Pero mali ako nang isipin kong hihinto siya sa harapan ko. Sinundan ko siya nang tingin nang lagpasan niya ako at dire-diretso siyang pumasok sa office niya. "Good luck," ngisi sa akin ni Joseph saka siya agad na bumalik sa monitor niya. Napabuga ako ng hangin at agad nang pumasok sa office ni boss. Nakaupo na siya sa swivel chair niya habang nakapikit at nakahawak sa sintido niya, hinihilot ito. "B-boss..." mahinang tawag ko sa kan'ya, natatakot na baka masigawan niya. Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawang pagpikit at paghilot sa kan'yang sintido. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon sa harapan niya. "N-natapos ko na po pala lahat ng pinapagawa niyo bago pa po kayo dumating." Again. Wala akong nakuhang tugon mula sa kan'ya. Napatitig ako sa kan'ya saka nagdesisyong lumabas na lang muna. "Maiwan ko na po muna kayo." Tinalikuran ko na siya't paalis na sana nang narinig ko ang mahina niyang pagtikhim. "Lumina..." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kan'ya. Nawala na ang kamay niyang kanina ay nasa sentido niya at ngayo'y nakapatong na ito sa lamesa habang ang kan'yang matalim na mga mata ay nakapukol sa akin. "Boss... m-may kailangan pa po kayo?" Imbis na sagutin ako ay tumayo siya at saka dahan-dahang humakbang palapit sa akin. Malalim ang naging paghugot ko ng hininga habang pinapanood siyang naglalakad palapit sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan habang hinahayaan siyang huminto sa harap ko, sa gadangkal na agwat ng aming mga mukha. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag igtad ko nang naramdaman ang paghaplos ng kan'yang palad sa bewang ko. Manipis ang klase ng tela ng suot kong blouse kaya ramdam na ramdam ko ang init na hatid niya. "You're ignoring my calls," aniya sa namamaos na boses. "I-I didn't," kandautal ko. "You did. Why is that?" Hindi ko alam ang sinasabi niya. Wala akong natatanggap na tawag mula sa kan'ya. Umiling ako. "Sinasagot ko naman po ang tawag niyo sa tuwing tumatawag kayo dito sa office." Matagal siyang tumitig sa akin. Sa sobrang pagkailang ko ay nag iwas ako ng tingin at nagtangkang kumalas sa pagkakakulong niya sa akin. "Boss... b-baka po m-may makakita sa atin sa ganitong posisyon." "I don't care. Where's your phone, Lumina?" Iginala ko agad ang mga mata ko habang iniisip kung saan ko nga ulit iniwan ang cellphone ko. "N-nasa table ko po yata." "I called many times." "Hindi ko po alam." Umigting ang kan'yang panga. "Kung sinagot mo sana kahit isa do'n, nalaman mo sanang ako ang tumatawag," aniya saka ako binitawan at tahimik siyang bumalik sa kan'yang table. Right! Mayroon ngang laging tumatawag sa akin pero hindi ko iyon pinapansin. Lagi pa nga akong iritado sa tuwing tumatawag ang numerong iyon. Ang akala ko'y isa sa pamilya ko ang tumatawag kaya hindi ko sinasagot. "Sorry po." Hindi niya ako pinansin. Napabuga ako ng hangin. "Kung wala na po kayong kailangan ay lalabas na po ako. Tutulong pa po kasi ako sa pag-aalis ng kalat sa labas." Bakas ang pagkadismaya sa boses ko. Iyon din marahil ang dahilan kaya nagpang-abot ang dalawang kilay niya. "Anong kalat?" "Naghanda po kasi kami ng kaunting surprise birthday party para sa 'yo. Pero nakakalungkot at hindi niyo man lang po nagawang i-appreciate." Nalaglag ang kan'yang panga. Yes boss! Nag effort kami para lang pagalitan mo. Tss. "Kasali ka sa naghanda?" tanong niya nang nakabawi sa pagkagulat. Tumango ako at agad siyang pinagtaasan ng kilay nang nakita ko ang ngiting pilit niyang pinipigilan pero pilit ding kumakawala. Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan at agad na tumayo. "Let's go," aniya at mabilis na tumayo. Nilagpasan pa ako. "Saan po?" Sumunod ako sa kan'ya. "To celebrate my birthday," tugon niya bago binuksan ang pintuan ng kan'yang office. Ngumiti ako't maligalig na sumunod sa kan'ya. Nagsiangatan ng tingin ang mga kasamahan namin nang bumukas ang pintuan. Tumabi ako kay Boss Dwayne na ngayo'y pinapasadahan ng tingin ang paligid. "Happy birthday po!" nakangiting sabi ko. Isa-isa namang tumayo at bumati ang mga kasamahan namin na pinangunahan ni Joseph. Nakita ko ang tipid na ngiti ni Boss Dwayne. "Thank you. And I'm sorry about earlier." "Naku! Naiintindihan ka po namin, Boss!" si Danica. "Expectation na rin naman po namin 'yon, boss. Mas okay nga ngayon, e. Kasi nagawa mong mag thank you," nakangising sabi ni Phoebe. Ngumuso ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Ilang sandali lang ay pinagsaluhan na namin ang inihanda naming pagkain. Nakisali din naman sa amin si Boss Dwayne, pero hindi siya mas'yadong nagtagal at pumasok din agad sa office niya. Good thing is, hinayaan niya kaming i-celebrate ang birthday niya. Halos isang oras din kaming nagkwentuhan at nagtawanan bago bumalik sa kani-kan'ya naming trabaho. Huwebes na ngayon at sa Sabado na ang gaganaping birthday sale kaya naghahabol kami sa deadline. Pero kahit gano'n ay nagawa pa ring isingit ni Boss Dwayne ang pagyayaya niya ng dinner sa akin. "Lumina, uwian na. Sabay ka na sa amin," anyaya ni Ronnie nang sumapit ang alas otso. Napatingin ako sa iba naming kasamahan at halos paalis na nga ang lahat. Ibinalik ko ang paningin ko kay Ronnie at saka ngumiti sa kan'ya. "Hindi na, Ronnie. Kailangan kong tapusin 'to ngayon, e." "Hindi na ba pwedeng ipagpa-bukas 'yan?" aniya. Umiling ako. "Sorry." Matagal akong tinitigan ni Ronnie, halata sa kan'yang mukha ang disgusto sa ginawa kong pagtanggi. "Ronnie, tara na. Hayaan mo na d'yan si Lumina! Ihahatid naman 'yan ni boss, e," singit ni Danica. "Ano ka ba, Danica. Hindi no!" agap ko. "Sus! Ide-deny mo na naman?" "Isang beses lang naman nangyari. Hindi na 'yon mauulit no!" "Malay mo ngayon masundan na 'yong isang beses na 'yon," panunukso rin ni Janice. Pinanliitan ko siya ng mga mata habang naglalaro na rin ang ngisi sa aking labi. Isa ito sa mga dahilan kaya hindi ko na ikinwento sa kanila ang tungkol sa ginawang paghatid sa akin ni Boss Dwayne no'ng isang linggo. Pero tinanong ako ni Joseph kanina kung nagtatawagan na raw ba kami ni boss kasi raw ay hiningi nito sa kan'ya ang numero ko at nalaman niyang sinabay ako sa pag uwi ni boss. Kaya ito at nakarating sa kanila kaya pinapaulanan na naman nila ako ng mga tukso. "Naku! Hayaan niyo na nga 'yang si Lumina at Boss Dwayne. Hintayin na lang nating lumabas ang katotohanang nag d-date na sila," si Joseph. "Boss Dwayne Buenaventura don't date," turan ni Sandy, bakas ang pagmamaldita sa tono ng pananalita nito. "Noon! Malay mo naman, si Lumina pala ang makapagpabago kay Boss Dwayne," depensa ni Joseph. Umirap sa ere si Sandy kasabay ng sarkastiko nitong pagngisi. "Huwag kayong mas'yadong umasa. Baka matulad lang din siya sa mga naging babae ni Boss Dwayne. Parang damit, pagkatapos pagsawaan, itatapon na lang." Napatitig ako kay Sandy. Gusto kong depensahan ang sarili ko laban do'n sa mga sinabi niya pero ayoko ng gulo. Wala pa akong isang buwan sa trabahong 'to at ayaw kong mawala na lang ito basta dahil lang sa maliit na sagutan. Bakas man sa kan'yang tono at mga salita ang paghahamon niya ng gulo ay ipinagkibit-balikat ko 'yon at sinuklian siya ng matamis na ngiti. "Tingnan natin. Iu-update kita kapag may nangyari sa amin at kung matutulad nga ba ako sa damit na tinutukoy mo." Muli, ay inirapan ako ni Sandy at agad itong nagmartsa paalis. "1 point ka na, Lumina!" biro ni Janice. "Ang nega talaga ng baklang si Sandy. Mas'yadong boto sa Yvette Dwayne loveteam, e wala na nga si Yvette dito," si Joseph. Nakikinig ako sa usapan nila nang biglang tumunog ang cellphone ko sa table. Nang tingnan ko ito ay may isang mensahe si Boss Dwayne roon. ‘Boss : Rooftop. Now!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD