"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Dwayne sabay labas ng elevator. Agad naman akong sumunod sa kan'ya pero nanatili na sa isang tabi. "Nakalimot ka na agad do'n sa pinag-usapan nating deal?" "Terese, ayoko nga," matigas na sabi ni Dwayne. "Please, Dwayne I need it." "Terese, hindi mo ba alam? You're actually asking me to betray my friend." "Walang betrayal na mangyayari, Dwayne. You just have to make him come back to his wife." "By what, Terese? By making him insane trying to find you? Tapos itatago lang pala kita? I know Roiden. Hindi 'yon titigil hangga't hindi kan'ya nakikita. At siya ang kaibigan ko, Terese... hindi ikaw." Natahimik si Terese. Naiwan siyang tulala habang nakatingin kay Dwayne. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong meron sa pinag-uusapan nila. Pero m

