"Dwayne... Hindi ka ba marunong magpigil?" tanong kong idinaan ko sa ungol. "Marunong ako, Lumina. Natuto ako no'ng dumating ka," aniya habang hinihimas na ang dibdib ko. Nakasandal pa rin ako sa kan'ya at napapaliyad na. Mahina niyang kinagat at sinipsip ang leeg ko kaya naalarma ako. Baka mag iwan iyon ng marka. Naku naman itong si Dwayne. Ipapahamak pa yata ako. "Huwag na huwag mo akong iiwanan ng marka. Magkakagulo talaga tayong dalawa," pagbabanta ko sa kan'ya. Pero imbis na matakot siya'y tinawanan niya lamang ako. Marahan niya akong itinulak palayo mula sa pagkakasandal ko sa kan'ya. Pinanood ko siyang maglakad palapit sa sliding door, ini-lock niya iyon saka nakangising bumalik sa akin. "I locked it. Baka may biglang bumukas... ayokong nakikita ng iba ang katawang 'to," sabay

