Kabanata 32

1727 Words

Pinunasan ko ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko bago ako dahan-dahang lumingon kay Dwayne. Walang kahit na anong emosyon akong nakikita sa mukha niya nang nagpang-abot ang aming mga mata. "D-Dwayne..." "Mina!" habol sa akin ni Edward nang nagsimula akong maglakad palapit kay Dwayne. Hinawakan niya ako sa kamay na siyang nakapagpatigil sa akin. Lumingon ako sa kan'ya. Saka muli akong nagbalik ng tingin kay Dwayne nang naramdaman ko ang kamay niyang humawak din sa kabilang kamay ko. "Bitawan mo ang girlfriend ko," matigas at puno ng otoridad na saad ni Dwayne. "Bitawan mo ang girlfriend ko," matigas rin na tugon ni Edward. "Edward, ano ba!" singhal ko sa kan'ya at nagpumiglas mula sa kan'yang pagkakahawak. "Mina..." aniya. "Lumina, let's go," ani Dwayne sabay hila sa akin palayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD