LUMINA
--
Nagulat kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan ng office ni Boss Dwayne. Kasabay niyon ang paglabas ng assistant niya na dumiretso agad sa table nito at nag ligpit ng mga gamit.
“Yvette, ayos ka lang? Bakit nagliligpit ka?”
“Oy, napagalitan ka?”
“Umiiyak ka ba?”
Sunod-sunod ang mga katanungan nila. Mukha ngang strikto ang boss namin. Hala! Mabait naman siya no’ng nasa park kami, ah?
“Joseph!” Halos mapatalon naman kaming lahat dahil sa gulat nang marinig namin na sumigaw si Boss mula sa loob. Ganito ba sila rito? Sigawan ang almusal?
Agad kong narinig ang kabi-kabilaang tanong ng mga kasama ko kung nasaan si Joseph. Ilang sandali lang ay biglang pumasok ang isang bakla na mukhang kagagaling pa sa first floor.
“Tinawag ako?” tanong niya sa isang kasama namin na agad naman nitong tinanguan.
Nang makapasok ito sa loob ng office ni Boss ay muling bumalik ang lahat sa pag i-interoga sa umiiyak na si Yvette.
“He’s a jerk. A real jerk!” saad nito.
“Ano bang nangyari?”
“Tinanggal ka ba sa trabaho?”
Napabuntonghininga ako at nagdesisyong ipagpatuloy na lang ang trabaho ko. Pero kahit gano’n ay nanatili ang pandinig ko sa kanila.
“Ano raw ba sabi?”
“That I’m fired. I don’t understand kung bakit niya ginagawa ito. I’ll surely make him regret this one.”
“Lumina? Madadagdagan ang trabaho mo. Copy editor and assistant ni Boss,” pahayag ni Joseph nang makalabas siya mula sa loob ng opisina ni Boss.
Halos magkasabay kaming lahat na natigilan. Umawang ang bibig ko. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga ka-workmates ko.
“So ikaw ang kapalit ko? Congrats!” labas sa ilong na sabi no’ng Yvette saka niya ako binigyan ng sarkastikong ngiti bago niya binitbit ang hindi masyadong malaking karton na naglalaman ng mga gamit niya at umalis.
Pero bago siya tuluyang makalabas ay muli niya akong nilingon and she mouthed...
“You’re the next f**k buddy.” Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakabasa ko sa bibig niya, kaya napakunot ang noo ko.
“Kaya mo ba ‘yan? Dala-dalawa ang trabaho mo,” bulong sa ‘kin ng katabi ko.
“Kakayanin. May choice pa ba ako? Teka, bakit siya tinanggal?” bulong ko rin pabalik.
Nagkibit-balikat lang siya saka bumalik sa trabaho niya.
Lahat kami ay tutok sa kanya-kanyang trabaho kaya naman nang mag lunch break ay excited na nagtayuan ang lahat patungo sa akin at halos magkasabay na inaya akong mag lunch.
“I’m Janice,” pagpapakilala sa akin no’ng babaeng sumundo sa ‘kin sa entrance kanina habang kumakain kami ng tanghalian.
“Ako naman si Ronnie,” iyong katabi ko kanina, sabay abot niya ng kanang kamay niya. Malugod ko naman itong tinanggap at ngumiti sa kanya.
“I’m Danica, ‘di na ako makikipagkamay ah? Amoy sisig ang kamay ko, eh,” natatawang aniya. Isa-isa ring nagpakilala at nakipagkamay sa akin ang iba pa.
“Brick.”
“Luke.”
“Phoebe.”
“And last but not the least. Ang pinakamaganda sa aming lahat, Josephine!” pagpapakilala ni Joseph. Muli ay napatawa niya ako. Kanina lang do’n sa office ang se-seryoso ng mukha nila dahil na rin sa maraming trabaho. Ngayon, ay ang saya nilang kausap na parang hindi pino-problema ang hinahabol naming deadline.
“Pag pasensyahan mo na si Boss, ah! Gano’n lang talaga ‘yon, mainitin ang ulo. Pero mabait naman ‘yon. Minsan lang talaga, may saltik,” halakhak ni Danica.
“Pero akalain n’yong tinanggal niya si Yvette? Eh, ‘di ba close sila no’n ni Boss Dwayne?” si Ronnie.
“Psh! Close? Saan? Sa kama?” si Joseph.
“Sa table ni boss,” si Janice.
“sa kotse?” si Danica.
“Sa Comfort Room,” si Ronnie ulit.
Napapakunot noo na lang ako habang nakikinig sa kanila.
“Ang wild pala ni boss no?” Mabilis na nagsitawanan ang lahat dahil sa naging komento ni Joseph.
Nakitawa naman ako, pero mas nag fo-focus pa rin ako sa pagkain ko. Hindi naman ako ganoon ka slow para ‘di maintindihan ang pinag uusapan nila. Naalala ko tuloy ang huling sinabi no’ng Yvette kanina.
You’re the next f**k buddy.
“Kapag ba assistant niya, ginagawa niyang f**k buddy?” wala sa sariling tanong ko. Natigilan naman silang lahat at sabay na napatingin sa akin. Tapos bigla ay sabay-sabay nilang itinaas ang paningin mula sa akin.
Lilingon na sana ako pero natigilan ako nang may maramdamang presensya sa gilid ko.
“Depende kung gugustuhin mong maging,” lalakeng lalake ang boses na bulong nito sa akin na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, nagtatalo ang hiya at takot.
Kasabay nang panlalaki ng mga mata ko ang biglaan kong pagtayo sabay layo sa Boss namin.
“Naku! Quarter to one na pala, balik na ako sa taas, ah?” ani Janice.
“Sama na ako, Nice. Marami pa akong tatapusin,” si Danica.
“Bayad lang ako sa counter,” si Ronnie.
“Samahan ka na namin, tara Luke,” si Brick sabay hila kay Luke.
“Retouch lang. Tara, Phoebe.” si Joseph.
“W-wait!”
Talaga namang iiwan nila ako kasama ang boss naming ito na kakaiba ang ginagawang paninitig sa akin.
“B-boss, u-uhh...” Dulot ng kaba ay napayuko ako. Pero kahit nakayuko na ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Kahapon sa park, ‘di naman ako kinabahan sa presensya niya, sabi ko nga ‘di ba, na panatag ang loob ko. Pero bakit ngayon sobrang kabado ako, dinig na dinig ko ‘yong lakas ng t***k ng puso ko.
Dahil ba kahapon ay he was just a nobody tapos ngayon eh, boss ko na siya? Gano’n ba ‘yon? Nagbabago ang pakiramdam ng tao sa isang tao dahil sa estado nito?
“Are you interested?”
Nag angat ako ng tingin sa kanya.
He smirked.
Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa ‘kin kaya naman agad akong napaatras na dahilan ng pagkakatapilok ko kaya muntikan na akong matumba, buti na lang at maagap niya akong nahawakan sa bewang.
“Sexy...” bulong niya.
Umayos agad ako ng tayo, pero ‘di niya pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa bewang ko.
“P-p-po?” Bakit nauutal ako?
“Late ka na,” muling bulong niya sa akin.
“Ha?” Kunot-noong tanong ko pero tinanggal niya lang ang kamay niya mula sa bewang ko saka niya ako tinalikuran.
Agad naman akong napatingin sa wristwatch ko, 1:05 na. Late na nga. Psh!
DWAYNE
--
Maaga akong umuwi dahil ayon sa kapatid ko, ay nakauwi na raw siya kaya naman excited ako. Excited akong maningil sa malaking utang nila sa akin ng babae niya.
“Mom, where’s Dwight?” Iyon agad ang pambungad na tanong ko kay mommy nang salubungin niya ako at halikan ko siya sa pisngi.
“Si Dwight? Kaaalis lang, anak. Balak nga no’n mag stay dito ngayon, ang kaso eh, tinawagan naman siya ng staff niya. Nagkaproblema raw doon sa set nila.”
Naghugas ako ng kamay bago kumuha ng mansanas sa lamesa at agad na kinagatan iyon.
“Akala ko ba tapos na taping nila? Eh, ‘di ba sa Canada ang ending no’ng pelikula? Ba’t nasa cebu ang buong team?”
Naupo ako sa dining table habang si mommy naman ay nag lalagay ng kubyertos.
“Hindi ko rin alam. Mukhang binago yata ‘yong ending. Hindi raw kasi niya makasundo ‘yong writer ng pelikula.”
“I see. Sabi ko naman kasi d’yan kay Dwight, syotain na ‘yang writer na ‘yan eh. Mainit lang dugo niyan sa kanya kasi nga may gusto ‘yon sa kanya. Psh!”
Natigil si mommy sa paglalagay ng kutsara’t tinidor at saka siya nag-angat ng tingin sa akin.
“Please, nak, huwag na muna nating pag syotain ang kapatid mo, alam mo namang pag nainlove ‘yon todo-todo, lahat binibigay kaya nga nahuthuta—”
“Okay na mom. Alam ko naman. Where’s daddy by the way?” Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya. Naiintindihan ko naman ang ibig sabihin ni mommy. Tanga kasi ‘yong kambal ko na ‘yon.
“Nasa library na naman siguro. Nga pala anak, kailan ba kayo magpa-publish ng bagong libro?”
“Soon, mom. We’re working on it now.”
Dahil sa pag banggit ni mommy ukol sa pag pa-publish ay bigla ko namang naalala ‘yong bagong empleyado ko.
Kapag ba assistant niya, ginagawa niyang f**k buddy?
There’s a sudden hint of smile on my lips when I remembered it. So, she thinks na fuckboy ako.
“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” Lumingon agad ako kay Daddy nang marinig ang boses nito sabay tapik niya pa sa balikat ko.
“I just remember something funny, Dad.”
Nakakatawa. Sobrang nakakatawa! Kung ganoon nga ang first impression sa akin no’ng babaeng iyon. Well then, I’ll prove to her that she’s somewhat right.
--
LUMINA
Naibagsak ko agad ang katawan ko sa sofa nang makauwi ako sa bahay. Matinding pagod ang nararamdaman ko.
“Kumusta ang first day mo, Mina? Mukhang pagod na pagod ka, ah?” natatawang ani Melissa sabay tabi sa akin sa sofa.
“Nakakapagod, Mel. Imagine, unang araw ko pa lang pero ang nagpa welcome party sa akin ay ang napakaraming manuscripts na kailangan kong trabahuin sa loob lang ng isang araw?”
Tumayo ako at nagdiretso sa kusina. “At idagdag mo pa na super istrikto ang Boss namin,” dagdag ko.
Sumunod din naman sa akin si Melissa. “Sabay na tayong maghapunan. Mabuti at maaga akong nakauwi ngayon kaya nakapagluto ako. Anyway, Boss? So ibig sabihin, lalake? Matanda na?”
“Bata pa. Kaedaran lang yata natin.”
“Talaga? Gwapo?”
Natigilan ako saka mabilisang inalala ang mukha ng Boss namin.
“Mm?” si Melissa.
“Sobra,” saad ko nang maalala ang mukha ang Boss ko na kasama ko sa lumang parke kagabi.
“Crush mo na ba agad? Iba mga ngitian mo d'yan, eh!” panunukso pa ni Mel.
“Hindi no! At nga pala, ginawa niya akong assistant niya.”
“Talaga?”
Tumango ako. “Mm. Katakot nga, eh.”
“Bakit naman?”
“Usap-usapang fuckboy.”
Halos maibuga ni Mel ang kinakain niya nang banggitin ko 'yong word na fuckboy. Kung maka react naman!
“Exxage! Ikaw ah, ka me-meet niyo pa lang niyang boss mo, kung ano-ano na ‘yang iniisip mo,” pangangaral niya pa.
“Eh, kung ano-ano rin naman naririnig ko.”
“Bakit? Ano bang naririnig mo?”
“Wala. Ikaw? Kumusta trabaho?”
Nagkibit-balikat lamang siya, isa lang ibig sabihin no’n. Wala siyang planong magkwento.
Agad naming tinapos ni Mel ang pagkain saka kami nagdesisyong magpahinga since pareho kaming pagod sa trabaho. Si Mel, pagod katatayo, ako naman, pagod sa kauupo.
--
Itutuloy...