LUMINA
Nakaharap man sa kanya ay naglalakbay naman sa kung saan ang mga mata ko dito sa apat na sulok ng kwarto kung saan naroroon ako. Ramdam ko ang paninitig sa akin ng Boss namin at kabado man ay pinanatili ko ang magandang postura ko sa harap niya.
Ilang minuto na akong nakatayo dito sa harap niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag.
Tahimik akong nagtatrabaho sa table ko nang bigla ay ipatawag niya ako para papuntahin dito. Tapos ano? Tititigan niya lang ako? Lokohan yata 'to.
"Kape."
Lumipat ang mga tingin ko sa kanya nang bigla ay nagbitaw siya ng isang salita.
"K-kape po?" Sunod-sunod akong tumango. "O-okay p-po."
Nauutal ako. He really is intimidating.
Akma na akong tatalikod para lumabas nang marinig ko siyang nagsalita muli.
"Iyong hard. Faster, baby."
Manyakis!
"Opo." Agad na akong lumabas upang ipagtimpla siya ng kape. Nakita ko pa ang nakakaloko niyang ngisi bago ako tuluyang tumalikod.
"Nakabusangot si Lumina!" anunsiyo ni Danica nang makalabas ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat, mukha niya kasi ang pinakaunang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. "Anong inutos ni Boss Dwayne?" dagdag niya.
"Kape, 'yong hard," tipid na tugon ko saka agad nang nagtungo sa pantry.
"Haaaard!" Halos sabay-sabay nilang sabi. Alam ko na agad kung anong iniisip nila. Gosh! Why am I had these thoughts in my head? Why do I have this feeling na tinutukso nila ako sa Boss namin?
"Bilisan mo na, baka mag strong na si Boss Dwayne sa loob kapag nagtagal ka pa dito," ani Joseph na nakasunod na pala sa akin dito sa pantry.
At dahil likas na malakas ang boses niya ay narinig iyon ng lahat dahilan upang humagalpak ng tawa ang mga ito. Bwiset na 'yan! Nakakadumi ng utak 'yong mga sinasabi nila.
Nang matapos sa pagtitimpla ng kape ay agad na akong bumalik sa opisina ng manyakis pero gwapo naming boss.
Napapalunok ako habang pinagmamasdan siyang umihip sa mug na hawak saka marahang sumimsim roon.
"Mas masarap ka kaysa do'n sa dati kong assistant," bigla ay komento niya.
"Po?" Kunwari 'di ko narinig pero lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil do'n.
"Mas masarap kang magtimpla ng kape, I mean. Go back to your work."
"Opo."
Mabilis akong naglakad palabas ng opisina niya. Napabuga pa ako ng hangin nang tuluyang makaupo sa pwesto ko. Lumipas ang ilang oras at tuloy-tuloy naman na ang naging trabaho ko dahil hindi na ako muli pang ipinatawag ng boss namin.
"Lumina, lunch break na!" Agad akong naglipat ng tingin sa wristwatch ko nang marinig ko ang sinabi ni Ronnie. Lumingon ako sa kanya saka ko siya tinanguan at nginitian.
"Sige, sunod ako. Tapusin ko lang 'to." tugon ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako kaya ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Walang hiyang writer kasi, magsusulat na nga lang mala-jejemon pa ang datingan, edi ito ako't patuloy sa pagtatama ng mali ng ibang tao.
Makalipas ng ilang minuto nakaramdam na talaga ako ng gutom kaya kahit hindi pa tapos ay bumaba na lamang ako para kumain.
Kinawayan agad ako ni Danica nang makita nila ako kaya lumapit na ako sa table nila.
"Lumina, nga pala sina Sandy at Rocky," pagpapakilala ni Joseph sa dalawa pang workmates namin na hindi ko nakita kahapon. Obviously, absent silang pareho.
"Hi," si Sandy.
"Ikaw 'yong bagong copy editor? Rocky," pagpapakilala rin ni Rocky sabay abot niya sa palad niya, bukal naman sa puso ko iyong tinanggap.
Umingos si Sandy sa gilid ni Rocky kaya napatingin ako sa kanya maging si Rocky at ang iba pa naming kasama.
"Ano na namang problema mo?" tanong ni Rocky kay Sandy. Pero imbis na sagutin ni Sandy ay inirapan lang nito si Rocky saka tumayo at nagtungo sa counter.
"Mag ex 'yang dalawang 'yan," bigla ay bulong ni Ronnie sa akin na nasa kaliwang gilid ko.
Namilog agad ang bibig ko. Kaya pala. Kaya pala mukhang bitter sila sa isa't-isa.
Kumuha ako ng isang piraso ng lumpiang Shanghai saka iyon unti-unting kinain habang nakikinig ako sa mga pinag-uusapan nila.
Naglipat ako ng tingin Kay Sandy nang bumalik na ito sa lamesa.
"Nga pala, absent na naman ba si Yvette?" tanong ni Sandy.
Biglang nanahimik ang mga kasama namin, nagsitinginan sa isa't-isa na para bang nagtutulakan kung sino ang magsasalita.
"Guys?" muling tanong ni Sandy.
Tumikhim si Joseph kaya tumingin kaming lahat sa kanya. "Tinanggal na siya ni Boss."
"What? Why?" si Sandy.
"Siya ang pinaka-close ni Yvette," muling bulong sa akin ng katabi kong si Ronnie.
"Si Lumina 'yong ipinalit," si Janice.
Naglapat sa isa't-isa ang mga labi ko nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Sandy. Alam ko agad ang iniisip niya. Pero mabuti na lang at hindi na sila muling nag usap tungkol sa pagkakatanggal ni Yvette.
Nang matapos ang lunch break ay muli na kaming bumalik sa kanya-kanya naming mga trabaho.
Pero ako, muli na namang ipinatawag ni Boss Dwayne.
"What's my schedule today?" tanong niya, habang nakaharap pa rin sa computer niya.
"Meeting po sa Bluestone Hotel kasama ang mga bagong writers natin, 3pm po."
Tumango naman siya. "Then after that?"
Umiling ako. "Wala na po."
Naitigilan siya at agad na nag angat ng tingin sa akin. "What about our schedule?" Seryosong-seryoso niyang tanong sa akin.
Agad na nagpang-abot ang mga kilay. What the f**k?
"P-po?" pagmamaang-maangan ko.
He smirked.
"You may now go, Miss Arguilles."
"O-okay po. Pinapaalala ko lang po na 3pm po 'yong meeting at quarter to 3 na po."
Nang makalabas ako ng opisina niya ay agad akong nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga. Para akong sinasakal sa loob habang kaharap siya.
Ilang minuto pa lamang akong nakaupo ay agad nang lumabas si Boss Dwayne sa office niya saka siya dumiretso sa table ko.
"What are you doing?"
Muli ay kinabahan na naman agad ako sa malamig na pakikitungo niya.
"P-po?" Natataranta kong tanong sa kanya.
At mukhang nainis ko pa yata siya dahil mas lalong nangunot ang noo niya.
"What the hell are you still doing? Bakit nand'yan ka pa? May meeting nga ako 'di ba?"
Nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya.
"E, ikaw naman po 'yong may meeting Boss, hindi naman po ako," mahinang saad ko.
"We're running out of time, Lumina. Tumayo ka na d'yan!"
"Po, bakit po?"
"Hindi ka ba nasabihan ni Joseph kung anong trabaho mo?"
Unti-unti akong umiling, marahas naman siyang napabuga ng hangin.
"You're my assistant, Lumina. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin."
"Ow!" Napataas ang dalawang kilay ko saka ako nagmamadaling tumayo. "S-sorry po."
Imbis na sagutin ako ay tinalikuran niya ako saka naglakad paalis. Wala akong choice kung 'di ang sumunod na lang sa kanya.
Nakayuko ako habang naglalakad pasunod sa kanya. Nang bigla ay huminto siya. s**t! Ang sakit ng ulo kong nauntog sa malapad at matigas niyang likod.
"Ang tigas, ah!" wala sa sariling sambit ko habang hinihimas ang tuktok ng ulo ko na nabangga sa kanya.
Nang mag angat ako ng tingin ay naroroon at nakatutok na sa akin ang mga mata niya.
"Natigasan ka na sa likod ko?"
He smirked. Tuluyan siyang humarap sa akin saka siya yumuko at inilapit ang bibig sa kaliwang tainga ko. Bahagya akong napaatras pero mabilis niyang sinalo ang likuran ko para hindi ako makalayo sa kanya.
Napalunok ako. Malapit na kami sa lift at may kalayuan na sa mismong office pero hindi malabong may makakita sa amin dito.
"May mas matigas pa sa likod ko, wanna see?"
Umawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay namumula na ngayon ang pisngi ko dahil ramdam ko ang biglaang pag usbong ng init roon. Hindi ko alam kung parehas ba kami ng iniisip o sadyang madumi lang talaga ang utak ko.
He chuckled a bit. Nanunuya ang mga ngising iniwan niya sa akin bago niya ako tinalikuran at iniwang nakanganga roon sa kinatatayuan ko.
Matagal bago ako nabalik sa katinuan. Nakapasok na si Boss Dwayne sa lift nang tingnan ko. Nagmamadali akong pumasok saka doon napabuga ng hangin.
Ngayong kaming dalawa lang ang tao rito sa loob ng elevator ay napagisip-isip kong baka ito na 'yong tamang pagkakataon para tanungin ko siya tungkol do'n sa una naming pagkikita sa park. Nalilito na kasi ako, parang magkaibang tao ang nakausap ko no'n at ang taong nasa tabi ko ngayon.
"Uhh... B-boss..."
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya kaya nagdesisyon na akong iangat ang paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin na pala siya sa akin.
Walang ekspresyon ang mukha niya kaya gano'n na lang ang pagkabog ng dibdib ko, kinakabahan.
"N-noong nasa park tayo..." panimula ko habang ang paningin ay naroroon na sa sahig ng elevator.
"Maayos naman ang pakikitungo mo sa akin. Nagkwento ka pa nga tungkol sa buhay mo, tapos pinahiram mo pa sa akin ang jacket mo. Gusto ko lang malaman kung... Bakit nag iba ang pakikitungo mo sa akin?"
Nang matapos sa sinasabi ay nag angat ako ng tingin sa kanya, only to see his eyebrows furrowed.
"Pasensya na sa tanong ko," dagdag ko.
Umawang ang labi niya. He was about to speak when the elevator door opens at sunod-sunod na pumasok ang ibang empleyado roon kaya nagmadali na kaming dalawa sa paglabas.
I guess... This is not the right time to ask him those things. 'Tsaka, mukhang kinalimutan na niya ang tungkol sa unang pagkikita naming 'yon.
Kaya iyon na lang din siguro ang gagawin ko. Ang kalimutan ang unang pagkikita namin at umaktong hindi ko alam ang kwento nila ng ex girlfriend niya.