Sinunod ko ang sinabi niya at nagdiretso nga ako sa couch upang mahiga. Pero kahit anong pilit kong pagpikit ay hindi na ako makatulog. Kaya nag desisyon akong maglaro na lamang ng kung anong puwedeng laruin sa cellphone ko. Umabot na ako ng ilang level sa nilalaro kong temple run, pero hindi pa rin tapos si Boss Dwayne sa niluluto niya, kaya nagdesisyon na akong puntahan siya sa kusina. Baka naman kasi hindi talaga siya marunong magluto 'di ba? Pero nalaglag ang panga ko nang abutan ko ang dining table na napupuno na ng mga sosyal na pagkain. "Woah!" Lumingon siya sa akin at agad akong binigyan ng isang matamis na ngiti. "Done taking a nap?" Ngumiti ako. "Ikaw nagluto nito? O baka naman niloloko mo lang ako at nag take out ka kanina habang tulog ako sa biyahe?" Tumawa siya at naiili

