"Ano bang sinasabi mo d'yan?" "Be my girlfriend, Lumina," diretso at walang pagdadalawang isip na sabi niya. "Ano?" Sa gulat ko'y agad kong naiwaksi ang kamay niyang nakahawak sa siko ko. "Sorry po, Boss Dwayne pero hindi ko po kayo maintindihan." Pumikit siya't bumuntonghininga na para bang tinatamad siyang magpaliwanag sa akin. "I want you to be my girlfriend." Umiling ako. "Hindi po porke't may nangyari na sa atin ay puwede niyo na pong sabihin 'yan. Hindi po porke't boss kita ay madali lang para sa 'yong sabihin na gagawin mo akong girlfriend mo. Hindi po ako bagay na basta-basta na lang nakukuha." "What do you want me to do then?" Umawang ang labi ko. Seryoso ba siyang gagawin niya akong girlfriend niya? Pakiramdam ko tuloy, laro lang sa kan'ya ang lahat ng ito. Si Boss Dwayne

