Dumating ang outing na pinagplanuhan nina Joseph. Wala akong choice kung 'di ang sumama. Pinangakuan kasi nila akong ililibre nila ako kaya sumama ako. Bakit hindi 'di ba? Sino bang aayaw sa libre? Pero hindi namin inaasahang kasabay namin sa outing na 'yon si Boss Dwayne at ang mga kaibigan niya. Hindi nila sinabi sa akin. Kung sana ipinaalam nila sa akin, eh 'di sana'y hindi na lamang ako sumama. "You must be Lumina?" Napalingon ako sa gilid ko nang may biglang tumabi sa akin at sabay tanong sa akin habang nagpapaypay ako ng barbecue. Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo, bakit?" Ngumisi siya sa akin. "Curious na curious ako kung anong hitsura mo. And now I know why Dwayne's acting like s**t this past few weeks," sabay tawa niya. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. "Hindi po kit

