bc

The 8th Girl

book_age16+
350
FOLLOW
2.1K
READ
adventure
independent
inspirational
versatile
Girl Power Counterattack
like
intro-logo
Blurb

Mayaman si Apollinaire Rabina, mabait ang kanyang tatay at kahit wala na syang nanay ay hindi naman kinulang sa pagmamahal ang 14 years old na first year high school student. Normal ang buhay nya...

Pero nagbago ang lahat ng ma-stranded sya sa isang isla na sa cable channel lang nya nakikita... Ang Versalia at kagagawan ito ng kanyang ama...

Ano na lang kaya ang magiging buhay nya sa isang lugar kung saan ang presyo ng lahat ng bilihin, maging sabong panlaba ay x1000% sa normal? At paano sya makikibagay sa bagong school na papasukan nya na para lamang sa mga nakakataas sa buhay gayong pinalaki sya ng simple?

Kayanin kaya nya ang pagsubok ng school at ang pagsubok ng mga nagtataasang presyo ng shampoo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Good morning world!" masaya kong imik pagkabukas ko ng aking mga mata. Naging mantra ko nang batiin ang mundo sa tuwing gigising ako bawat umaga. Pagkaunat ko ng aking katawan ay mabilis akong naligo at nagbihis bago tumawid ng kalsada kung saan nakatayo ang isang gasolinahan. Sa tatay ko ito at isa sa tatlong gasolinahan na bumubuhay sa aming dalawa. Mayaman kami. Nabibili ko ang gusto ko at laging bago ang mga gadgets at mga gamit ko sa katawan. iPhone 5, P.S Vita, Nintendo 3ds, pinakabagong laptop ng Samsung, PS4, may tatak na mga damit, bag, shoes at iba pa. Swerte nga ako at hindi kami salat sa pisikal na pangangailangan. Mabait ang tatay ko at mahal na mahal ako. Kahit ano hingin ko ay ibinibigay naman nya. Wag nga lang sobra sobra at wag aaksayahin kaya natuto akong maging maingat sa mga gamit ko dahil alam kong pag nasira o naiwala ko yung mga yun ay matagal na ulit akong maibibili ng bago bilang parusa. May katangkaran ako na namana ko sa kay tatay. Sa taas na five seven at the age of fourteen ay isa ako sa pinakamataas sa klase ko. Payatin din ako tulad nya at may mga deep set na mata na kulay brown. Ang buhok ko ay buhaghag na kulot na kahit anong suklay ko ay talagang magulo pa rin. Hindi nga lang kami masyadong magkamukha ni tatay. Korteng puso ang mukha ko at matangos ng kaunti ang aking ilong. Mahaba ang aking mga pilik mata at maganda ang hugis ng lips ko. Medyo payatin ako pero hindi naman patpatin tulad ni tatay. Tama lang. Fourteen na ako at after four days ay papasok na akong first year sa high school. Mas bata ako ng isang taon sa mga kaklase ko dahil maaga akong nakapagsimulang mag-aral. Kakatapos ko lang ng middle school last school year. Pumasok na ako sa shop na puno ng mga chichirya at kung ano-ano pang pang byaherong pagkain na katabi lang ng gasolinahan at dumeretso sa office sa likod. Nalungkot ako at wala ang payat na lalaking kadalasan ay naglalaro ng computer games na nakaupo sa silya sa likod ng desk. Nung Febuary ko napansin na napapadalas ang business meetings ni tatay. Dati naman ay sa association lang ng gasoline franchisers lang ito kasali. Pero naging madalas na ang trips nito at medyo madalang nang umuwi. Hindi naman nito sinasabi sa akin kung bakit pero sabi naman nya, tsaka na lang daw nya ikwekwento pag tapos na yung ginagawa nyang "importante". Bumuntong hininga na lang ako at minabuting umupo na lang sa pwesto ni tatay at buksan ang wall t.v para manuod. Laking gulat ko ng ang lumabas ay ang V.F-15 na channel o ang "Versalian Fairy". Nakakapagtaka kasi ang alam ko ay dapat separate mong babayaran yung subscription para mapanuod yun which is suspicious proud to be kuripot ang tatay ko at ayaw sa mga gastusing hindi naman importante. Nagandahan naman ako sa nakikita ko kaya kesa sa mag-isip pa ako ay minabuti kong manuod na lang. "Ang Semi-Autonomous Island of Versalia ay isa sa mga dinarayong isla dito sa Pilipinas malapit sa Palawan. Kilala ito hindi lang dito sa atin kundi pati na rin sa ibang bansa dahil sa white sand beaches nito, hot diving spots at mga mamahaling hotel at resorts. Pero hindi lang ito pang mayayaman mga kababayan. Meron din silang mga amusement parks at iba't ibang outdoor activities na tyak namang afford na afford ng masang Pilipino! Bukod sa malaking zoo at isang artificial lake na kung saan pwedeng-pwedeng mag-bonding ang pamilya ay meron din silang magagandang shops sa kanilang shopping district kung saan lahat ng latest na mga bilihin mula damit hanggang sa mga gadgets directly mula sa ibang bansa ay dito mabibili! Para naman sa mga high-end customers, meron ding golf course, casino at exclusive amenities para sa mga kababayan natin na gusto ng privacy..." Grabe. Isang island paradise ang Versalia. Nakinig ko sa mayabang kong kaklase kanina na dun daw sila mag babakasyon ng pamilya nya. Medyo mahal pa rin yung travel expenses papunta dun dahil mula Boracay ay sasakay ka pa ng isa pang barko bago marating yung isla na yun. Hindi ko na nasundan ang iniimik nung host ng biglang may matangkad at payat na lalake ang biglang pumasok ng office. Mabilis akong tumayo at niyakap ko ito ng mahigpit. "Dito ka na naman tumatambay Polli" magiliw nitong sabi sabay halik sa noo. "Bakit? Bawal ba?" Tumawa ito at umiling, "Hindi naman!" Na-miss ko si tatay. Ang masaya nitong tawa, ang ngiti nito at ang malakas nitong boses. Halos three weeks din itong wala. Napansin nito ang pinapanood ko, "Ang ganda nung isla ano Polli?" "Ay oo tatay! Grabe! Parang paraiso! Teka, bakit ka nga pala may VF channel ang cable natin tatay? Diba dagdag bayad yan?" taka kong tanong dito. "Na-curious lang akong bigla. Nabanggit ng kaibigan ko na maganda talaga daw dyan. Parang ibang bansa ang dating!" Ngumisi ako at hinarap ko ang aking ama, "Tay, gustokong pumunta dyan." Ineexpect ko na lalaki ang mga mata nito at iiling agad pero laking gulat ko ng seryoso ito at sumagot ng, "Sure. Kelan mo gusto? Bukas?" "Joke lang yun tay! Sineryoso mo naman ako!" Tumawa din ito ng malakas, "Joke din yung sagot ko eh!" Halos gumulong kami kakatawa at mangiyak-ngiyak na kami ng kami ay maka-recover na. Hingal na hingal kami sa pagtawa. Sabihin nyo ng corni kaming mag-ama pero mababaw talaga ang kaligayahan namin. Bonding time na namin ang ganito. "Anak, mamimiss ko itong tawanan nating ito" seryoso nitong sabi sa akin sabay upo sa ibabaw ng table. Nameywang ako dahil nangti-trip na naman ang aking lokong ama, "At saan naman ako pupunta?" "Sa Versalia." mabilis nitong sagot. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at humalakhak na naman ako ng malakas. Napatigil ako ng makita kong nakatitig ito sa akin ng mabuti na parang minememorya ang aking mukha. Seryosong seryoso. "Di nga? Pupunta ako dun?" tahimik kong tanong dito. "Eeeeeee! Naniwala naman sya! Joke lang yun! Ano tayo, milyonaryo?" nakakalokong sagot nito ng malakas sabay ilag sa binato kong tsinelas. Kahit kailan talaga, asar itong si tatay. Manang mana ako sa kanya! -0- Kinabukasan ay hatak-hatak ko na ang aking mabigat at malaking de-gulong na travelling bag habang nakasakbit sa likod ko ang punong-puno kong backpack. Papunta daw ako sa Boracay. "Tay naman, para naman akong papunta ng Japan nito!" biro ko dito habang sunod sunod ang paalala nito sa akin habang nag-aabang kami ng bus. "It's better you have what you don't need than need what you don't have! English yun ha? Wag mo na ipaulit!" sabi nito sabay check ng aking maleta kung maayos ang lock. "Bakit hindi ka kasama? Gawa na naman ba ng nung negosyo mo?" tampo kong tanong dito ng niyakap ako nito ng mahigpit. Umiling naman ito, "Hindi Polli. Mas maganda nga na solo ka para matuto ka kahit papaano mag-isa tsaka para makapag-enjoy ka talaga. Reward ko yan sa mga pasado mong grades at sa pag-intindi mo sa akin!" "Ano bang souvenirs ang gusto mo tay?" Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin. "TAY!" sigaw ko ng malakas dito. Mukhang nawawala na naman ito sa sarili at may malalim na iniisip. Ngumiti naman ito, "Ah... Kahit ano anak. Ipadala mo na lang sa akin." "Bakit naman ipapadala pa.... ay teka wag mo naman ako itulak!" maktol ko dito ng mabilis ako nitong iniakyat sa bus na nakatigil na pala sa tapat namin. "Anak wag mo ng halungkatin yung ticket mo na nasa backpack mo ha? Tsaka mo na lang kunin pag sasakay ka ng barko at ibigay mo agad ng hindi mawala. Ro-ro yung sasakyan mo na may initials na V.U. Ingat ka lagi ha? Tawag lang lagi kay Jesus!" mabilis nitong paalala. Ng makaupo na ako malapit sa bintana ay muli kong sinilip si tatay. Laking gulat ko na naiyak ito habang nakaway kasama ng iba naming mga tauhan sa gasolinahan. -0- "Sir, may problema po ba sa ticket ko?" kinakabahang tanong ko lalaking nagche-check ng ticket habang itinatapat nito sa araw at sinisipat-sipat yung ticket at dinaan pa sa isang machine na pang-check ng pekeng pera. Ano ba yung meron sa ticket na yun? Parang o.a naman. Hindi ko na naman inabalang buksan dahil nga bilin na bilin sa akin na tsaka na lang ilabas pag sasakay na ako ng barko. Umiling naman ito at ngumiti, "Ah, wala po. Standard procedures lang. Sakay na po kayo" magalang nitong sabi. "Teka, paano yung maleta ko?" panic kong tanong ng kinuha nya yung de-gulong ko. Biglang may babae na lumapit sa akin. Halatang stewardess ito sa tangkad at ganda, "Don't worry Ma'am. We will take care of your precious luggage. Sakay na po tayo at paalis na po ang barko any moment now." Tumango naman ako sumunod sa stewardess. Nagtataka lang ako kasi bakit yung barko sobrang ganda. Para syang cross ng isang ro-ro at cruise ship. Hindi ako car addict pero muntik na tumulo ang laway ko at bumunot ng shades sa gaganda at kikintab ng mga kotseng isinasakay. Chevrolet, Mercedes, Ford at kung ano-ano pang tatak ng mga mamahaling sasakyan. Naligaw nga ako kanina, isipin mo ba naman, sampu as in SAMPUNG ro-ro na barko na magkakamukha na may tatak na V.U ang naka-daong sa port ng dumating ako dun. Yung una kong pinagtanungan ang sabi sa akin pagkakita pa lang ng ticket ko, hindi ko pa inaabot ha ay dun daw ako sa pangatlo sa huli. Habang naglalakad papunta doon ay puro mayayamang mga bata ang nakakasalubong ko. Mga naka-designer's outfit at mga nagmamahalang maleta ang dala-dala ng mga lalaking sa hula ko ay mga bodyguards dahil mga naka suit na itim at shades. Field trip siguro. Baka kung saang exclusive school sa Maynila. Mga bigatin talaga. "Ma'am if you want some refreshments please proceed to our cafeteria or restaurant. Wag po tayong tumakbo sa hallways at kung may questions pa po kayo ay lumapit lang po kayo sa kahit kaninong crew at tiyak po na tutulungan po nila kayo. Do you have any other questions Ma'am?" Hinarap ko yung magandang steward at umiling, "Ah... wala. Wala na. Thanks." Ngumiti ito at magalang na nag-bow sa akin at iniwan na nya akong nakatayo sa hallway. First time kong sumakay ng barko kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. May dumaang mga nagkwekwentuhang mga sosyalerang babae na minabuti kong sundan ng sinabi nilang "Gosh, I am positively famished! Let's go muna sa cafeteria!" Sobrang ganda talaga nung barkong nasakyan ko. First class ata. Si tatay talaga, bakit kaya sa mamahaling barko pa ako ibinook eh pwede naman na mag-island hopping na lang ako papunta ng Boracay gaya nung ginawa ng family ng classmate ko last year. Nakita ko na lang na pumasok sa isang mamahaling kainan yung mga babae. Mukhang pang mapepera lang dahil fine dining yung style. Hindi na ako tumuloy at dumeretso na lang ako dun sa viewing deck. Sobrang ganda ng dagat. Asul na asul yung kulay at kitang kita mo yung mga maliliit na isla na nadadaanan mo lang. Ang ganda na sana ang view kaso merong isang lalake na kasing tanda ko lang ata ang biglang dumating at sumuka sa dagat. Ang masaklap pa ay malapit lang yung pwesto nya sa kinatatayuan ko. Putlang putla ito at lambot na lambot. Wawa naman. Mukhang may say sa buhay judging from the fact na puro buwaya yung tatak ng mga suot. Pinalaki ako ng tatay ko sa paniniwalang libre ang tumulong kaya kinuha ko mula sa bulsa ng backpack ko yung extra bonamine at tissue na padala ng aking butihing ama at lumapit dun sa nagsusuka na lalake. "Ah... kuya?" maingat kong tawag dito. Lumingon naman ito. Kung nakakamatay lang ang tingin ay tyak sigurong namatay na ako sa kinakatayuan ko. Ang guwapo ni kuya. Matangos ang mahabang ilong, medyo putla ang maninipis na labi at itim na itim ang mga mata na ang talim talim ng tingin sa akin. "Kuya, peace!" nag peace sign pa ako, "Eto oh, bonamine. Hindi ko alam kung nagana ba sa barko yan pero ininom ko yan kanina at ok pa naman ako" Nakatitig lang ito sa akin kaya bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang kamay nito at ipinatong ang tabletas sabay ngiti dito, "Wag ka ng mahiya! Libre naman yan" inabutan ko na din ito ng tissue, "Tsaka eto pamunas ng bibig." Hindi ito sumagot. Mukhang masama nga ang tama ng seasickness kaya minabuti kong umalis na. Nang nakakailang hakbang na ako ay naalala ko yung candy na binili ko sa tindahan kaninang umaga bago ako umalis. Hinarap ko ulit si kuya guwapo at initsa yung max candy na nasalo naman nito, "Max! Para fresh ang breath!" Nginitian ko ulit si kuyang nakasimangot pa rin sa akin sabay talikod at hanap ng mauupuan dahil kailangan ko ng kumain. Buti na lang laging may pabaon si tatay na presto at mineral water. Hindi na ako gagastos pa. Mukhang matagal ko pang maabot ang Boracay. -0- "Ate, malapit na ba tayo sa Boracay?" tanong ko dun sa stewardess na napadaan sa tapat ko. Napakunot bigla ang noo nito, "Boracay? Lampas na po tayo kanina pa Ma'am." "HA?!" malakas kong hiyaw. Sa sobrang gulat ni ate ay napaigtad ito at napaurong ng ilang hakbang. "Hindi ba ro-ro ito papunta ng Boracay?!" galit kong tanong dito. Umiling ito at pilit na ngumiti, "Hindi po Ma'am. Ang destination po nito ay..." Hindi ko na nakinig ang sinabi ni ate dahil napatakbo na lang ako sa viewing deck ng biglang may nakita akong malaking Ferris Wheel sa isla kung saan papunta yung barkong sinasakyan ko. Mga magagandang yate at mga taong nag susurfing at nag jejetski ang makikita sa di kalayuan. Sa beach naman ay kitang-kita mo ang mga nag susun bathing at mga naglalaro ng beach volley ball. Ilang saglit pa ay biglang nagsulputan sa paningin ko ang mga nagtataasang mga building at merong pang eroplanong parang mag-lalanding sa di kalayuan. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ang bilis ng hinga ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Nauunahan na ako ng takot. No. Relax Polli. May pera ka, may cellphone ka, may utak ka. Be calm. Huminga ng malalim at isipin ang solution sa problema. Wag papadaig sa kaba at takot. Memoryado mo ang number ng tatay mo. May pera ang tatay mo. Masusundo ka nya anytime, anywhere in just a push of a button... "The number you dialed is currently unavailable. Please leave your message after the beep..." *BEEP* "Tay mali yung nasakyan kong barko. Lumampas sa Boracay. Hindi ko pa alam kung nasaan ako pero parang pamilyar yung isla na pupuntahan nitong barko. Tawagan mo ako agad asap. Please." Pagkatapos kong mag-iwan ng message ay inilagay ko ulit yung phone sa backpack ko at huminga ng napaka-lalim. Kinakabahan pa rin ako pero medyo nawala na. Kumalma na ako. Tsaka ko lang napansin na hindi na pala ako nag-iisa. Pagtalikod ko ay nakita ko yung stewardess na napagtaasan ko ng boses kanina kasama ang isang babae na mas matanda dito at isang lalake na mukhang security ng barko. "May problema po ba tayo Ma'am? Baka makatulong po kami?" magalang na tanong ng matanda sabay tungo ng magalang. Napabuntong-hininga naman ako at pilit na ngumiti, "Actually ang alam ko talaga papunta ng Boracay itong barko." Tumango naman yung matanda, "I see. Natatandaan mo pa ba kung ano yung hitsura ng ticket mo Ma'am?" "Mahaba sya, kasing haba nga ng long bond paper may kulay gold at gray. Hindi ko nabasa yung laman dahil bilin ng tatay ko ay wag ko na daw buklatin at iabot na lang agad pag hinihingi na sa akin." Nagkatinginan silang tatlo at tumango sabay ngiti ng matamis, "I think I know what your "problem" is and the solution is right in front of us actually!" masayang sabi nito sabay turo sa likuran ko. Mabilis ko namang tiningnan ang itinuro nya at laking gulat ko ng makita ko na dumaong na pala sa port ang barkong sinasakyan ko at nabasa ko yung sign na "MALIGAYANG PAGDATING SA SEMI-AUTONOMOUS NA ISLA NG VERSALIA" -0- Hindi ko parin mapigilang hindi mapangiti habang naglalakad ako palabas ng port ng Versalia. Grabe! Nandito na talaga ako! Isipin nyo kahapon ko lang napanuod ito sa t.v pero wala pang twenty four hours aba'y nandito na nga ako sa isla ng paraiso! Si tatay talaga! Puro sorpresa at puno ng drama! May paiyak-iyak pang acting yun pala dito ako pagbabakasyunin! Swerte, swerte, SWERTE! Grabe! As in talaga. Yung hindi mo inakalang hindi mo mapupuntahan ay aba't nandito ka na nga. Nanginginig sa kaligayahan ang katawan ko. Nang paglabas ko kasi ng gate ng port ay parang wala na ako sa Pilipinas. Walang jeepney sa kalye. Tricycle o mga van na pampasada. Puro mga bus, kotse at grabe, bullet train ata yung dumaan sa taaas ko! Hindi uso ang LRT at MRT dito! Ang gaganda ng mga building at ang daming mga foreigner na nagsisidaanan! Kahit saan ka lumingon puro mga mamahaling mga establishments ang makikita mo! Walang mga batang nakakalat, walang mga namamalimos, mga nagbebenta sa sidewalk, grabe, walang mag-inang na tiyempong tumawid ng kalsada! Tapos ang linis linis pa. Parang Singapore lang sa kalinisan. Tanda ko pa nga nung pumunta kami sa Sentosa! Ganito kalinis dito! "Ang tagal naman ng bus! Talk about late!" "Hindi late, napaaga lang tayo." Napatingin ako sa tagiliran ko at nakita ko ang isang lalake at babaeng mukhang in magkaibigan na nag-uusap. Well, hindi ako makakahanap ng matutulugan kung hindi ako magtatanong-tanong. "Ah... Excuse me, pwede magtanong?" magalang kong tanong sa dalawa. Yung girl na very pretty yung sumagot, "Go on." "Saan kaya yung pinaka-malapit na hotel? First time ko lang kasi dito." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni pretty girl sabay lingon kay tall guy, "Six, seven or eight?" Tinitigan naman ako ni tall guy sabay lingon kay pretty girl, "I bet she's eight." Tumango naman si pretty girl at mabilis na lumingon sa akin, "Bawal mag check-in sa hotel ang mga..." Naputol ang pag-sagot nya sa akin ng biglang magkagulo ang daan-daan na palang mga batang bakasyonista na hindi ko namalayan na dumating na pala. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapatingin sa mga mamahalin nilang damit at alahas. Hindi naman sa inggit ako. I have my fair share of expensive stuffs pero obviously, overflowing ang cash reserves ng mga magulang ng mga ito. Siguro dahil psychology grad ang tatay ko at tinuruan nya ako ng basic observe, analyze and assess technique kaya nakaka-draw ako ng ganitong conclusion. Hinanap ko ang dahilan kung bakit sila nagkakalibumbungan. Nakita ko naman agad na may dumating na isang battalion na mga magagarang school bus na may tatak na V.U sa gilid. In fairness talagang consistent sila sa pagpapakitang mayaman ang school nila ha? Pati sa mga field trips may customized tour busses pa sila just for this. Can't help but "Like" this one! "TUAZON, CRUZ, QUEJANO, MARANAN, AYALA, LABOC, BALTAZAR, NUNEZ, TAN..." sigaw ng lalaking naka black coat and tie habang isa isa naman sa mga tinawag nya ang sumasakay ng bus. Nagkibit-balikat na lang ako at tumalikod. Wala akong mararating kung hinintayin kong makasakay lahat ng mga ito sa mga bus. Kailangan ko ng maghanap ng matutulugan ng makapamasyal ng maaga bukas. "RABINA!" Lilingon sana ako pero napatawa na lang ako. Akala ko yung lalake kong adviser yung tumatawag. Parang nag-aatendance lang ba? Hahakbang na sana ulit ako kaso sumigaw na naman yung lalake. "RABINA... APOLLINAIRE!" Napalingon naman akong bigla, saktong napatingin din sa akin yung lalake, "Apollinaire Rabina?" ulit nitong tanong sabay sa tingin ulit sa hawak na iPad. Napatango naman ako. Itinuro nya yung pinto ng bus na parang pinapasakay ako. Pero bakit naman ako sasakay? Paano kung kidnapin ako? Tsaka ko lang napansin na tinititigan na pala ako ng mga naiiritang estudyante na parang nababagalan sa akin. Bubuka na sana ang bibig ko para umimik ng biglang bumaba si pretty girl sa bus at sumigaw sa mga nakatitig sa akin, "First timer, must be a transferee guys!" Tumingin sya sa dereksyon ko at tumango, "Sakay na dali!" Hindi ko ba alam kung bakit ba kusa na lang tumakbo ang mga paa ko pasakay ng bus. Ang ganda ng loob nito at amoy mamahalin. Parang nakakahiyang tumapak man lang or worse, umupo dahil parang may magagalit na matandang mayaman. "Here! Over here!" Napatingin ako sa umimik at nakita ko si pretty girl na kumakaway sa akin at pinapaupo ako sa tabi nya. Pumunta naman ako at napilitang umupo pero napatayo din akong bigla. "What's the matter?" gulat na tanong nito. "Yung, yung maleta ko!" panic kong sagot. Biglang may babae sa likod ko ang umimik, "God, bakit may commoner na nakapasok sa V.U?" Sumagot naman si pretty girl, "What-an-idiot! Sa tingin mo ba ganoon ka tanga ang university?! Bakit hindi mo rin ba naisipan na palakihan yang utak mo kasunod ng dibdib mo para naman magkalaman ng kahit konti lang Dyna? Hindi ba na process ng utak mo yung sinigaw kong "transferee" at "first timer" kanina?" Nagtawanan ang mga kasama ko sa bus sabay hatak sa akin paupo ni pretty girl, "Wag mo na lang pansinin ang mga ganyan. Mabait pa yan. Just you wait pagdating mo sa university proper." "Teka lang ha... hindi ko magets yung university at yung..." Biglang sumilip yung tall guy sa unahan namin na nakakunot ang noo, "Don't tell me that you really don't know why you're here?" "Bakasyon? Sabi ng tatay ko sa Boracay yung punta ng barko. Trinip na naman siguro ako nun at dito pala talaga ako ipapadala. Hindi ko lang ma-gets kung bakit natawag yung pangalan ko at pinasakay ako dito. Kasama ba ako sa tour nyo?" tanong ko kay pretty girl. "No, no. Last week pa ang tour ng mga first year!" sagot nito sa akin. "And we are not tourists. We are students here" sabi naman ni tall guy. Napataas naman ang kilay ko, "May school dito sa Versalia?" "Versalia University" sagot agad ni pretty girl sabay turo sa tatak ng panyo na hawak nito. Grabe. Naisahan ako ni tatay ah...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

His Precious Property

read
615.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook