Nakaupo ako sa isang upuan katabi ng kama sa room ng V.U Mini Hospital. Small but very clean and cozy ng kwarto. Magaganda ang mga gamit at very sanitized ng loob. Tumingin ako sa lalaking nakahiga sa kama, sugatan ang katawan at nakataas ang kanang paa. May mga galos ang mukha nito pero buti na lang at hindi ito napuruhan maliban sa putok na labi. "Pasensya ka na Neil at ngayon lang ako nakadalaw. Wala kasi nakapagsabi sa akin na ikaw pala yung na-aksidente kahapon" Pilit na ngumiti naman ito sa akin, "Ayos lang yun Polli. Nabisita mo na ba si Magari? Nasa kabilang room lang sya." "Oo, kaso tulog sya ng dumalaw ako. Binigyan daw nila ng sleeping pills para makapamahinga ng matagal. Malala din yung mga sugat nya, lalo na yung sa ulo" Napatungo naman ito at bumuntong hininga, "Napagali

