"Oh my God! Magari! Magari! Ok ka lang ba?! Answer me!" tarantang sigaw ni Cosette sa isang third year na kaibigan na duguan at hinang-hinang pumasok sa lobby ng school building. Nanghihinang napahiga ito sa hita ni Cosette. Hindi rin ako makapaniwala sa babaeng ngayon ay nasa kandungan ni Cosette. Duguan ang ulo nito na parang hinampas. May kung anong malagkit na liquid sa katawan nito at ang baho ng kanyang amoy na parang kung ano-ano ang binato. "Medic! Tawagin nyo ang medic! Bilis!" malakas kong hiyaw sa mga taong nagsilabasan ng makinig nila ang hiyaw ni Cosette. Mabilis namang nag pulasan ang iba samantalang may natirang nakikiusyoso lang. Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ko ng aking dalang tuwalya ang mukha nito. "Wag kang pipikit ok? Makipagusap ka lang sa amin! Saan

