Nag-landing kami ni Brycen near the destroyed church sa city proper. Ang jet fighter naman niya ay bumagsak sa hindi kalayuan at thankfully hindi sumabog. "Iiwan mo na naman ako Polli," inis na sabi niya sa akin habang nakaupo kami sa hagdan papunta sa sirang simbahan. "Sorry..." "Sorry din. Hindi ko nasabi dati na ako talaga ang nagpapadala ng mga love letters at bulaklak. Pati yung mga cream puffs. Nakita ko kasing hindi maganda ang kahahantungan pag pinagpilitan ko na gusto kita noon. Kaya si kuya na lang ang... I'm really sorry..." nakatungong sabi niya sa akin. Tinitigan ko ang mukha ni Brycen. Nag-iba na talaga. Wala na ang cute na bata, napaltan na ng maangas na hitsura. But his puppy eyes and dimples are still there. "Alam ko naman. Halata namang nagsisinungaling ka ng sinabi

