"Ang gwapo talaga ng Chief Councilor ano?" "Oo nga! Pero lagi syang mukhang malungkot!" "Baka kailangan nya ng babaeng masasandalan!" "Dream on girls. Isa lang ang babaeng iniisip nyan." "Da who?" "Remember the Representative Councilor of the Eight Class Almorica Faction?" "Councilor Apollinaire Rabina?" "Yes." "Pero o.a na naman sa tagal na wala sya diba? How many years na nga ba? Seven?" "Eight. Pero alam naman nating mahal na mahal nilang magkapatid si Councilor Apollinaire diba?" "Bakit ba Councilor parin ang tawag sa kanya? Just asking. Matagal na kasi syang wala." "Well, I guess nasa rules na hanggat walang napalit sa position mo, you are still technically the Representative Councilor." "Kahit wala ka na dito?" "Yes. Besides, mukhang wala na atang makakapalit sa position

