"Polli, busy daw ang tatay mo sabi ng secretary nya," sabi sa akin ng isang gasoline boy na sumabay sa aking pag-lalakad papunta sa office/shop ng gasolinahan namin sa Versalia City Proper, "Wag daw syang istorbohin," alalang sabi nito sa akin. Napangiti naman ako at tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang lalaki in his late twenties na namamawis na ang noo sa kaba. We never asked to be called Ma'am or Sir since the time na nagkaroon kami ng gasolinahan in order to breed family-like atmosphere as long as alam nila sino susundin. Effective naman ito at lahat dito ay may pakialam sa negosyo dahil ito ang nagpapakain saming lahat. "Kuya ako bahala," paninigurado ko dito, "Promise hindi ka malilintikan ok?" masaya kong sabi dito at mukhang nakahinga naman ito ng maluwag at nagpaalam na sa a

