"For you nga pala," nakangiting sabi ni Voltare sabay abot ng isang rose sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon para sa aming "date" sa bakeshop café ni Anaya, ang Ikos. Nasa sulok kami ng café at sigurado akong sa dami ng tao na nabili at nakain dito ay tiyak na hindi na kami mapapansin. "Thanks," sagot ko kay Voltare na nag-blush naman at napakamot sa ulo. Nagulat ako ng biglang tumalon si Universal Meow, ang kakaibang pure black na pusa ni Anaya sa aking hita at doon namaluktot. "Sabi nila ang taong nilalapitan ng pusa ay mabait at mapagmahal," punang sabi ni Voltare na napatingin sa pusang inaayos ko ang balahibo at mukhang masarap na ang tulog. "Talaga? Mahilig na kami ni tatay sa pusa noon pa man. Madami kami sa bahay. Miss ko na nga sila," nakangiting sabi ko kay Voltare. Sasag

