Maaga akong nagising ngayon. Bago pa man mag-alarm ang cell phone ko. Siguro dahil na rin sa kaba at anticipation. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nakita ko ang regalong make-up kit ni Hazel last Christmas. Hindi ko pa ito nagagamit, binuksan ko lang para makita ko ang laman. Siguro eto na ang time para gamitin ko yun para magmukhang presentable naman ako kahit papaano sa mga bagong makakasama ko. Ang problema nga lang ay napaka-simple kong mag-lagay ng make-up. Manipis na foundation o baby powder, eyeliner, mascara at lip balm lang ang kadalasan kong pinapatong sa mukha ko. Pero ng matapos kong ayusan ang sarili ko ay tsaka ko lang napatunayan na iba talaga pag mamahaling make-up ang ginamit mo. Na emphasize ang magandang deep set eyes ko. Nagkakulay ng maganda ang aking mga labi at l

