"Wag na wag mong gagawin yan, Maximus." awat ng kanyang lola nang malaman niya ang tungkol sa planong pag po-propose ng kakambal niyang si Lexus sa empleyado nitong si Kathleen. "Hinding-hindi kita papayagan na pumunta roon, baka mag eskandalo ka lang."
"Don't try and stop me, grandma. I'm going to put and end to this. I've waited so long to return home again, to have an opportunity to finally approach Kathleen. These past few weeks have nearly driven me insane. And now.." aniya na napapailing. "Hindi ko po hahayaang makapag propose sa kanya si Lexus. Hindi po siya para sa kakambal ko."
Marahan namang hinagod ng kanyang lola ang likuran niya. "Pero sila ang magkasintahan, hijo. Sila ang nag-iibigan. Ni hindi ka na nga siguro natatandaan ni Kathleen dahil ang sabi mo, unang beses lang kayo nagkita at tatlong buwan na ang nakalipas. Marami ng nangyari sa tatlong buwan na yan, hijo. Kaya nga plano ng pakasalan ng kapatid mo si Kathleen dahil ito na raw ang babaeng para talaga sa kanya."
He spoke between clenched teeth. "That's not possible."
"Of course it is. Ngunit hinding-hindi kita papayagan na paghiwalayin sila dahil lamang sa attracted ka--"
"Hindi niyo po ako naiintindihan." interrupt niya sa sasabihin pa sana ng kanyang lola. "Si Kathleen po yong sinasabi ko sa inyo na ihaharap ko sa inyo bilang girlfriend ko. Naunahan lang po ako ni Lexus, grandma. Agad niya akong pinapunta sa Italy dahil sa malaking kliyente raw ang tatagpuin ko, kaya pala ang dami niyang rason na hindi raw siya available na makipagnegosasyon kay Mr. Del Fierro. Nang dumiretso naman ako sa Daniel's Tower pagkauwi ko rito sa Pinas, hindi ko rin nakita si Kathleen doon dahil may seminar itong dinaluhan. Alam kong pilit po talaga kaming inilayo ni Kathleen ng kakambal ko, grandma. Alam din kasi ng magaling kong kakambal na pauwi na ako."
His grandma stared at him, shocked. "Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo?"
"Opo, grandma. Alam ko po ang lahat ng sinasabi ko. Unang beses ko pa lang nakita si Kathleen ay nagustohan ko na agad siya. Lalong lalo na po nang mahawakan ko ang kamay niya. May something talaga na nag-uugnay samin, grandma. Kaya lang naisip ko na baka napagkamalan niya si Lexus na ako." Biglang dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. "At sinamantala naman ng magaling kong kakambal ang pagkakataong ligawan si Kathleen habang wala ako. Sinabi ko po kasi sa kanya bago ako umalis, na may nakilala ako at nagugustohan na bagong empleyado."
"So hindi pa alam ni Kathleen na may kakambal si Lexus?"
"Siguro nga."
"Umuwi ka lang dito para kumprontahin ang kakambal mo ano? To demand to give her up? Tama ba ako?"
"Tama po kayo, grandma." kumpirma niya. "I want to know why he's trying to take my woman."
"From what Lexus said, we all thought--" his grandma broke off with a look of confusion.
"You assumed wrong." ani Max sa kanyang lola. "Pero maari rin kasi na sabay kami noong nagkagusto ni Lexus kay Kathleen."
"Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sinabi samin ni Lexus na una niyang nakilala si Kathleen nong interview pa lang daw, at ang sabi mo na ikaw ang nag interview sa kanya. So sino nga sa inyo ang unang nakilala ni Kathleen?"
"Ako po, granny." biglang sambit ni Lexus mula sa likuran nila. He stepped inside the room where his grandmother sat. Leaning down, Lexus gave her a kiss on each of her cheeks.
"Lexus hijo, are you sure about Kathleen? Why is it that your twin brother claims--"
"You took Kathleen Vega from me." Max interrupted, anger ripping through him in the face of Lexus absolute calm. "Alam mo naman na si Kathleen ang nagustohan kong babae, di ba?"
Napakibit-balikat lang si Lexus. "Your right. Based on how Kathleen greeted me, I knew immediately that you'd been up to your usual tricks. Fortunately for me, she has no idea we're twins or that I wasn't the one in the lobby that morning."
Ora-orada namang sinuntok ni Maximus ang mukha ng kakambal niya. "Maybe I should break your face, para hindi na mahihirapan si Kathleen na kilalanin ako simula ngayon."
Bull's-eye. Galit at iritadong mukha ng kapatid ang sumalubong sa mga titig niya. "Last time we fought over a woman, I ended up with a scar. One from you is plenty, thanks. Makakaganti rin ako sayo, Max. Dahil kailanman hindi ikaw ang mamahalin ni Kathleen."
"You son of a--"
"Maximus!" Awat ng kanilang lola.
"Let me explain something to you, Max." anang kakambal niya. "You have this insane notion that I've somehow taken Kathleen from you. For your information she's not mine to take, any more than she's yours. She has her own will to make decission about who she will or won't date." Panandalian itong napahinto sa pagsasalita. "Or kung sino talaga ang gusto ni Kathleen na makasama nito habang buhay."
Maximus fought to maintain control. Kung para sa kanya pwede niyang labanan ang kakambal sa pamamagitan ng pakikipagbasagan ng ulo nito, pwes ito rason ang ginagamit para labanan siya. Dahil kung labanan ng logic ang pag-uusapan, mas lamang itong kapatid niyang Lexus. His only chance at winning was to keep his temper in check. Pero kung hindi pa rin ito madala sa simpleng pakiusap niya, eh di tatapusin talaga niya ito sa basagan ng ulo. Siguro kung hindi nakapagitna sa kanila ngayon ang lola niya, malamang kanina pa basag ang magmumukha ng kakambal niyang si Lexus.
"Sinabi mo na pala sa pamilya natin na pakakasalan mo si Kathleen." sarkastikong sabi ni Max. "Pero ang tanong, alam ba nitong may kakambal ka?"
"Hindi na yan mahalaga para sa kanya, Max. Ang importante na ako ang mahal niya at hindi ikaw!"
"Carlexus!" Awat na naman ng kanilang lola. "How can you say such a thing?"
Niyakap naman ni Lexus ang kanilang lola. "I'm sorry to hurt you, granny. Pero kami po ang nagmamahalan ni Kathleen. Hindi ko kayang iparaya ang babaeng mahal ko para lang sa kapritso ng kakambal ko. Gusto lang pong makipagkumpetensya sakin ni Maximus. Dahil lahat naman ng bagay na nagugustohan niya ay talagang nakukuha niya, gaya nalang po sa posisyon niya ngayon sa kumpanya natin bilang CEO. Dahil siya po ang pinapaboran at paborito niyong apo, at siya rin po ang paborito noon ni papa."
Hindi naman inasahan ni Max ang susunod na ginawa ng kanyang lola. Sinampal nalang kasi nito si Lexus habang tumutulo ang luha ng kanilang lola. "Wag ka ng magsalita pa ulit, Carlexus." mando ng kanilang lola, at tuluyan na nga itong napapahikbi. "Wala kang karapatan na sabihin sakin yan, dahil lahat kayong mga apo ko ay pantay-pantay lang ang pagtingin ko sa inyo."
Napatiim-bagang si Lexus. "Hindi po kayo fair sakin, granny. Pinapairal mo kasi yang irrational mo na emosyon."
"Bakit Lexus, rational ba yang nararamdaman mo para kay Kathleen?" demanda ni Max.
Matalim siyang tinitigan ni Lexus. At nababakas sa pisngi nito ang pamumula ng sampal ng kanilang lola. "Of course it is. Emotional attraction is quite rational. And I'm attracted to Kathleen physically and intellectually, as well as emotionally. At hindi dahil gusto ko lang makuha ang aking gusto."
Mag re-react pa sana siya nang pigilan siya ni Lexus sa pamamagitan ng pagharang ng kamay nito. "What I'm feeling are the normal sensations men and women have experienced toward one another since Adam and Eve first bumped into each other in the garden of Eden."
"Wag mong sabihing in-love ka na kaagad kay Kathleen?" Max questioned tightly.
"Are you?" Lexus shot back at him. "You met her once. Spoke to her for just ten or fifteen minutes. At ngayon sasabihin mo sakin na...ikaw yong unang nakilala niya?"
Nangingibaw na naman ang galit niya sa kakambal. "Sinasabi ko lang sayo to. Na pilit mo lang talaga kaming pinaglalayo ni Kathleen para ikaw ang mahalin niya.
Lexus waved that aside. "Oh please, my dear brother. Marami pa namang mga babae diyan ah. Kung makaakto ka para ka namang nauubusan ng kalahi ni Eba."
"Madali mo lang sabihin yan, Lexus. Nahulog na kasi sa karisma mo ang babaeng nagustohan ko."
Ngunit hindi man lang natinag si Lexus sa mga patutsada niya. "Ngayon na may basbas na ako sa mga kapatid natin at lalong-lalo na kay granny. I plan to propose to her tonight. Nasa kanya na yon kung tatanggapin ba niya ang proposal ko o hindi. Pero alam kong mahal na mahal ako ni Kathleen eh. Kung hindi man niya tatanggapin ang proposal ko ngayong gabi. Di kalaunan tatanggapin pa rin niya ito sa huli."
"Please mga apo, wag na kayong magtalo ng dahil lang sa isang babae. Ako ang masyadong nahihirapan sa sitwasyon ninyo." sabad ng kanilang lola. "Lexus apo, sana hindi ka magsisi kung si Kathleen talaga ang pipiliin mong pakasalan."
"Ako, sisiguradohin kong magsisisi po siya." dagdag pang sabi ni Max.
Napataas ang kilay ni Lexus. "Bakit anong plano mo? Sasabihin mo kay Kathleen na kakambal kita at ikaw yong una niyang nakita? I'm sure she'll find that very interesting, but hardly life altering. Sasabihin mo ba sa kanya na ikaw yong nakilala niyang Lexus sa may lobby? Mag da-dalawang buwan ko na siyang kasintahan, Max. Sa tingin mo ba, ipagpapalit niya ako sa isang araw lang niya na nakilala? Do you really think she'll care after all this time?" Napapailing na pahayag nito. "Maliit na bagay lang yan, at huli ka na rin. She's committed to me now. Kung ako sayo maghanap ka nalang ng ibang babaeng mabibilog mo ang ulo."
"Kathleen is meant for me and you know it from the start. Pilit mo lang kaming pinaglalayo."
"Ganyan ka naman Max eh, ang akala mo lahat nalang ng babae ay patay na patay sayo. Pati lahat ng magugustohan ko ay aagawin mo. Naalala mo ba itong peklat sa gilid ng labi ko? Kakagawan mo rin ito nang dahil diyan sa kasakiman mo!"
"Oo, hindi ko nalimutan yang pagbangas ko sa mukha mo."
"Wala namang namamagitan sa inyo ni Kathleen eh, kaya panatag ako na walang makakaagaw sa kanya mula sakin. Kahit ikaw pa." matatag nitong wika habang pinagkrus nito ang mga braso. "Bakit hindi mo nalang tanggapin ang katotohanan, Max? Kathleen is the woman you can't have. We'll you're too late. Tanggapin mo nalang na sa bagay na ito, ikaw ang talunan. Kathleen and I suit to each other, so back off."
Far from backing off, Max was still determined to take anyone and anything that threatened the bond that had formed that morning in the lobby. Hindi na mahalaga kung sampu o labinlimang minuto lang niyang nakilala si Kathleen. Ang importante kung ano man yong nararamdaman nila sa isa't isa sa mga sandaling iyon. He couldn't explain it. But the connection that occured that day compelled him to find Kathleen. To take her for his own. To make her his in every possible way. And he would.
Wala namang bumitiw sa tagis ng pagtitigan nilang magkapatid. "Ganito nalang Lexus, since anniversary party natin ngayong gabi sa Daniel's Tower. Hayaan mo lang akong magpakilala kay Kathleen, para malaman natin kung sino sa ating dalawa ang may instant koneksyon sa kanya."
If their grandma hadn't stepped between the two of them, Max didn't doubt Lexus would have hit him.
"Just don't mess with her, Max. That's my final warning!"
"And I'm warning you too, Lexus. Gagawin ko ang lahat para mapasakin si Kathleen." Nilagpasan niya ang kanilang lola at muli niyang nilingon ang kakambal. "Kahit sariling kapatid pa kita."
*****