bc

The Bride Series 1: Beautiful Corruption

book_age16+
72
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
playboy
kickass heroine
drama
comedy
serious
secrets
passionate
seductive
substitute
like
intro-logo
Blurb

Si Serene Sarmiento ay ang prodigal daughter ng kanyang pamilya. Kilala siya bilang Black Flower dahil sa pagiging party girl nito. People see her as the tainted one. She is the rebel woman who ran away from her family. Dahil sa pabor na hiningi ng kanyang kakambal, mapipilitan siyang bumalik sa tinakbuhan niyang pamilya, but the twist in it is that --- no one knew but her sister that she's back.

How?

Simple, she had to be her twin sister.

The perfect and innocent daughter.

Si Karlos Rafael Dawson ay isa sa pinaka matagumpay na binata sa larangan ng industriya ng negosyo. Kilala hindi lamang ang kanyang pangalan kundi pati na rin ang angkin nitong kagwapuhan at kakisigan lalo na sa mga kababaihan. He is the bachelor playboy. Untamable. Cold hearted player.He vowed to himself that he will never give his heart again to any woman. But when he meets the perfect daughter of his parent's good friend, he didn't expect that she'll rattle his world and turned it upside down.

Now, the woman that is known to be innocent and perfect is not the kind of woman people really think she is. And he, himself, experienced it.

When attraction collides, is it possible that the two broken people can mend their broken heart?

Secrets to be keep.

Passion to relieved

And a Love to give.

Hanggang kailan ang itatagal ni Serene sa kanyang pagpapanggap?

Hanggang saan ang kakayanin ni Karlos Rafael sa pagpipigil ng kanyang nararamdaman sa babaeng gumulo nang tahimik at maayos niyang buhay?

chap-preview
Free preview
A favor to Ask
Somewhere in New York.... "Are you crazy? Twin nakadrugs kaba? Ugh – no don't answer that. You're too good to do bad things. Tell me, ikaw ba ang kakambal ko? Or nasapian kana ng masamang espiritu?" Rinig ni Serene ang buntong hininga ng kakambal niya sa kabilang linya. [“Serene naman, seryoso ako sa sinasabi ko.”] "Well I'm serious too, Serena. Malaking kabaliwan 'yang pabor na hinihingi mo. I don't think I will be able to do that – especially it's you. I can't just impersonate you, Serena." Napapahilot sa sintido na rason ni Serene. Paano ba naman kasing hindi sasakit ang ulo niya e napakahirap at komplikado ng hinihingi nitong pabor sa kanya. Gusto ng kakambal niyang magpanggap siya bilang ito. So what kind of sane person will agree to that? [“Twin I'm begging you here. I need you right now. Pagod na akong makinig kina mama at papa. I don't think kakayanin ko pa. masyado na akong nasasakal sa kanila.”] Rinig ni Serene ang prustrasyon sa boses ng kanyang kakambal sa kabilang linya. But what can she do? Ayaw niyang magpanggap bilang kapatid niya. Ayaw niya nang bumalik sa puder ng magulang nila. Ni ayaw niya na nga silang makita – makasama at makausap pa kaya? Si Serene naman ngayon ang napabuntong hininga para sa kapatid. "Then why don't you run away instead?" Suhestiyon ni Serene. [“Like what you did before?”] "Yes." She answered with another deep sigh after hearing the tone of accusation in her sister's voice. [“You know I couldn't do that, twin. I will never abandon them. Ako na lang ang mayroon sila at hindi kakayanin ng konsensya ko kapag iniwan ko sila.”] Serene chuckled silently at her sister's answer. 'Ikaw lang naman talaga ang itinuring nilang anak, twin.' She thought to herself. Isa pa, kung kawalan ng konsensya ang pagiwan sa mga magulang nila, matatawag na ba siyang ingrata? After all, she left without a backward glance. "Isn't that the thing that you are planning? Abandon them while hiding." Imbes ay sagot ni Serene. [“It’s not like that. Hindi ko sila iiwan kung alam kong walang titingin sa kanila. That's why I'm asking you this favor, Serene. Please twin - just for three months? Just give me three months and then pwedi ka nang bumalik sa dati mong buhay. Hindi na kita guguluhin.”] Kagat labing napaisip si Serene sa pakikiusap ng kakambal. God! She can't resist the girl. Aaminin niyang ngayon lang nanghingi ng malaking pabor sakanya si Serena kaya't ang hirap lang kung tatanggihan niya ito samantalang napakarami niya nang pabor na nahingi mula rito subalit ni hindi man lang ito nagreklamo o nanghingi ng kapalit sa kanya. "Tell me the reason why do you suddenly want to flee. Sa tagal ko nang naglayas, bakit ngayon ka lang nasakal sa kanila? Is there something na ipinaagawa nila sa'yo?" Usisa ni Serene sa kakambal. Serene knew her sister too well. Serena is the most obedient daughter between the two of them - kahit gaano pa kaistrikto ng mga magulang nila, walang salitang sumusunod ang kapatid niya. That's why she knew that something is up. Matagal na katahimikan ang namayani sa kabilang linya bago niya marinig ang dahan-dahang paghinga ng kausap. [“You'll know it when you come here. Right now, I don't want to talk about it. Mas maganda kung ikaw mismo ang makakaalam.”] Sabi na e. "You know I hate surprises, Serena." Sumusukong sagot niya habang napapahilot sa kanyang sentido. Sumasakit na talaga ang ulo niya sa kakambal niya. Serena chuckled on the other line. [“Yeah, I know that.”] Tumikwas ang kilay ni Serene sa sinabi ng kapatid. "Do not ever bring that memory twin, or I swear hindi kita pagbibigyan." Babala niya rito. [“What? I didn't say anything!”] Agad na dipensa ni Serena sa kabilang linya subalit rinig parin ni Serene ang nakatagong tawa sa boses nito. "Your chuckles explained it." Nasa boses man niya ang inis ay hindi rin niya mapigilan ang maliit na ngiting kumukurba sa kanyang labi. Walking back to memory lane, hinding hindi niya malillimutan ang nangyari noong kabataan nila. Kagagaling lamang nilang maglaro ng baseball ni Serena nang bigla ay may humarang na mascot ng gorilla na gumulat sa kanilang dalawa. Dahil sa sobrang takot at gulat niya noon ay inihampas niya sa hayop na loko-loko ang hawak na baseball bat at walang awang pinagpapalo ito hanggang sa mawalan ng malay. For a 12-year-old girl like her na marunong ng iba't ibang self-defense, malakas ang bawat hampas na ginawa niya sa gorilla. At that time, she thought that it was a real animal going berserk. But as it turned out, it was only a mascot trying to scare little girls into crying. She only found out the truth after the mascot was beaten black and blue and was hospitalized for the damage she'd cost! Poor thing. Just too bad, the mascot met Serene and not any other little weakling. Dahil sa insidenteng iyon, pinagbawalan na siya ng parents nilang humawak pa ng baseball bat dahil sa takot ng mga itong makapatay siya ng isang tao. [“So... you're coming?”] Agaw pansin sa kanya ni Serena sa kabilang linya. Napabuntong hininga ulit siya at wala sa sariling napahiga sa kanyang kama. Hindi niya kayang tanggihan ang kapatid lalo pa't sa boses nitong punong puno ng pagasa. She can even imagine her twin sister crossing her fingers while waiting for her to answer. "Fine! But it's just for three months, okay? Tatlong buwan lang ang maipapangako ko. I don't even know kung kaya ko bang tumagal diyan ng isang lingo let alone three months! Paano na lang ang buhay ko rito? Ang reputasyon ko?" [“I know you love me more than your reputation.”] Serena answered in a sing-song voice. This time, a smile crept on her lips. "You know I do, but let me tell you one thing – may kapalit ito. Are we clear here Ms. Serena Sarmeinto?" [“As clear as the crystalized water can be Ms. Serene Sarmiento!”] Napatawa silang dalawa sa isa't isa. She misses her twin sister. Ilang buwan na ba nang huli niya itong makita? Makausap sa personal? At makabonding? It's been so long..... "So, kailan ako magsisimula?" Imbes ay tanong niya habang nakatitig sa puting kisame ng kanyang kwarto. [“I think it is better kung sisimulan mo muna sa physical appearance mo.”] Dahan-dahang sagot ng kausap niya. "NO FREAKING WAY." [“Yes way, twin.”] [“We are different that's why. Isang tingin lang sayo malalaman na nila kung sino ka. Alam mo namang maliban sa mukha natin e, magkaiba na tayong dalawa ng panlasa sa lahat ng bagay - mula ulo hanggang paa.”] Agad na dagdag ni Serena. Mabilis na bumangon si Serene sa kama at tumayo sa harapan ng kanyang full body mirror. She can see their big difference. Sa buhok pa lang niya na medyo kulot at kulay pula ay malalaman na agad na siya ang Black Flower ng kanilang pamilya. The last time she saw her twin sister, Serena has black shoulder-length hair. Mataray at well-trimmed ang kilay niya samantalang sa kapatid niya ay makapal at simpleng kurbada lamang. She wears contact lense habang si Serana ay nakasuot ng eyeglasses. May diamond piercing din siya hindi lamang sa magkabilang tenga kundi ay pati na rin sa pusod niya. Samantalang ang kakambal niya ay kulang na lang hindi magsuot ng alahas sa sobrang kasimplehan. Not to mention their fashion style! Goodness, gracious! Bakit hindi niya naisip iyon? Nangingilabot na siya sa sobrang pagkadisgusto maisip lamang niya ang mga koleksiyon nito ng palda at sweater. Kahit yata sa summer hindi natinag ang kakambal niya sa mga paborito nitong isuot na damit. Kulang na lang makipag kompetensiya ang kapatid niya sa suot ng mga manang, no offense please. "Twin… tell me, nagevolve na ang fashion style mo diba?" Nangungusap ang tonong sambit ni Serene sa kakambal. [“Well about that….] Alanganing umpisa ni Serena na nagpapitik sa ugat ng sentido ni Serene. Alam na ni Serene ang susunod na sasabihn ng kakambal kaya naman inunahan niya na ito. "No, you haven't." [Well, I love being me!”] Banat ni Serene na nasa kabilang linya. "I love being me too! How is that? I couldn't possibly wear those—those horrendous things excused for a cloth! Spare me with that hellish experience. I don't think I'll survive! Baka sa damit mo palang hindi ko na kayanin." Sunod-sunod na sambit ni Serene. Naaalibadbaran siya sa tuwing nakikita niya ang kakambal na suot ang mga damit na iyon. [“Serene tatlong buwan mo lang naman iyon gagawin. Tatlong buwan lang naman ang hinihingi kong kalayaan. Please twin, do I have to persuade you again? At isa pa, hindi naman apektado ang reputasyon mo kung isuot mo man ang mga damit ko. Magpapanggap kang ako remember? So hindi mo ipapahiya ang sarili mo.”] Pangugusap ni Serena sa kabilang linya. Agad na nakaramdam ng konsensya si Serene para sa kapatid. She realized that she over-reacted. Sa totoo lang hindi naman pangit ang pananamit ng kanyang kakambal. Sadyang napaka konserbatibo lang talaga nito kaya ganon ang fashion style niya. "Okay, okay. I'm sorry, I didn't mean to offend you, twin. It's just that we're so different in all things. Sa mukha nga lang yata tayo magkapareho eh." [“Don't worry, no offense taken. Tama ka, sa mukha lang talaga tayo magkapareho pero sa palagay ko ay makakaya mo naman ang tatlong buwan sa pagpapanggap na ako. Ni hindi nga nila makita ang pagkakaiba natin kapag pinagtabi na tayo. Use your talent, twin. Sa ating dalawa ikaw ang pinaka magaling umakting and we both know it.”] "Okay, fine! Enough with the flattering. Tomorrow uuwi ako diyan. I want you to teach me how to be you if you want this impersonation to be a success, understood?" [“Understood.”] Call Ended

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook