"Is there a problem? " Naabutan kong nagtatalo ang aking dalawang empleyado. Parehas silang nagulat sa presensiya ko. Hindi naman nakatakas sa akin ang pagkabalisa ni Ayana, the manager of the cafe Gicelle and I teamed up two years ago. "M-Ma'am ano po kasi..." Nagtutulakan pa sila kung sino ang magsasalita. Kumunot ang noo ko. I crossed my arms for them to see that I'm impatiently waiting. Nag-unahan naman sila ngayon sa pag explain kaya mas lalo akong naguluhan kung kanino ako babaling at makikinig. "Bumalik na kayo sa trabaho." Ayana commanded them. Sa kaniya naman ngayon natuon ang atensyon ko at nag aantay sa sasabihin. Hinarap niya sa akin ang kaniyang phone. "What's this?" "Viral po iyan sa f*******: at twitter ma'am," maingat niyang paninula. "Okay so then?" Walang pakiala

