bc

The Dark Shots

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
scary
mythology
like
intro-logo
Blurb

A compilation of one-shot thriller stories.

chap-preview
Free preview
The Mind
It's a lovely morning. The rays of the sun's hitting our kitchen making it look brighter than it is. Although looking outside, it's a little gloomy and that sunlight's just attempting to shine on us. Tumatakas ito na animo'y takot na lamunin ng mga itim na kaulapan. Nakakaramdam ba ang panahon at tila siya'y nakikisama sa aking pinagdaraanan? Nakakatawa namang isipin. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing wala palang laman ang aming ref at puro jars and utensils lamang ang naririto. Hindi pa pala ako nakapag-grocery. Malinis ang paligid dahil ayaw na ayaw ko 'yung madumi. Nakakapanghina at nakakasulasok sa pakiramdam. Nakabihis na rin ako papasok ng school. Kinatok ko ang aking kapatid na elementarya na sana ngayon. "Good morning Ate. Pasok ka na?"Lumabas ang aking munting kapatid mula sa silid. Pupungas-pungas siyang lumabas at gulong-gulo ang kanyang hanggang bewang na buhok. Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Halika nga rito at hug ka ni Ate.", sabi ko naman sabay ng paghawak ko ng mahigpit sa aking backpack. Yinakap ko siya ng mahigpit. Pinulupot ko sa kanyang maliit na katawan ang aking braso at hinaplos ang kanyang buhok. Kagaya ko ay malambot rin ito at mahaba. Hilig ko kasing suklayin ito kapag gabi kasabay ng aming mumunting kwentuhan. Makulit siya at masiyahin. Mahilig nga siyang mangulit kung kailan ako magkaka-nobyo ngunit wala pa sa isipan ko iyon. "Ate, 'wag ka muna alis. Miss kita.", ani Zarie. Ngumuso siya at nagsimula na namang tumulo ang kanyang luha. Kaya hirap akong umalis eh. Ganito kasi siya, ayaw niyang naiiwan ngunit wala akong ibang maisip na paraan dahil kung hindi ay walang makakasama ang aming Lola. Hindi ko na siya kayang pag-aralin kasi kinailangan kong bayaran 'yung mga natitirang utang namin. Siguro sa susunod na taon ay kakayanin ko na. Matagal ng wala ang aking mga magulang at kami-kami nalamang ang sama samang namumuhay. Nagtatrabaho ako sa isang maliit na coffee shop sa weekends para kahit papaano ay may pambili kami ng mga kailangan namin. Hinawakan ko ang mukha ni Zarie at hinaplos ito ng marahan. I kissed her forehead and smiled. "Saglit lang si Ate, baby. Uwi ako agad promise. Bilhan ulit kita ng favorite mong donut ni Mang Cardo sa may kanto" Lumiwanag ang kanyang mukha at nag-puppy eyes siya sa akin. "Talaga Ate? Gusto ko many ha para busog tummy ko." and she rubbed her tummy. "Oo baby. Kukuha ako promise. Basta alagaan mo si Lola ha. Nagpasabi na ako kay Aling Myrna ng pagkain ninyo mamaya. Bayaran ko bukas." I kissed her forehead and hugged her again. "I love you bunso." Pumasok ako sa kwarto ng aking lola. Kailangan kong huminga ng malalim. Pinikit ko ang aking mga mata at nagbilang hanggang tatlo. Hindi dapat ako umiyak o manghina. Ngumiti ka. Ngumiti ka. Ngumiti ka, Shey. Paulit-ulit kong sambit sa aking isip. Pinihit ko ang seradura ng silid ni Lola Marie. "Lola Mars, papasok na po ako ha. Hanggang alas tres lang po ang klase ko. Tawagin mo lang si bunso kapag may kailangan ka." My Lola smiled gently at me. Napakatamlay na tingnan ng kanyang mga mata ngunit kagaya ko ay pinipilit niya pa ring magpakatatag sa kabila ng aming sitwasyon. Mahirap. Nakakapanghina sa hirap lalo na sa akin ngunit ito na yata ang talagang itinadhana para sa akin. Lumapit ako at umupo sa tabi ng kanyang kama. Mahina ngunit dinig na dinig ng aking mga tainga ang mga katagang sinabi ni Lola Mars. "Magiging okay din ang lahat apo. Huwag na huwag kang susuko ha. Pasensya na kung nahihirapan ka dahil sa amin. Gusto lamang naming makita na maging masaya ka ni Zarie." Hindi ko masyadong naintindihan ang huling sinabi niya ngunit tumulo ang luha ko. Hindi ko aakalaing hahantong kami sa ganito. We were so happy before, not until Lola got bed-ridden. Kagaya ko rin kasi siyang mahilig maglinis sa bahay. Iyon na siguro ang isa sa mga pinakamagandang naipamana niya sa akin. One day, when she was cleaning our backyard ay natapilok siya. Her hip got injured and she needed surgery. Ang ipon ko sa pagca call center ay nagastos ko lahat doon kasama na rin ang mga maintenance niya. Kinailangan kong magdoble kayod kahit nag-aaral pa rin ako. I found that coffee shop near our home kaya pinatos ko na. Hindi ko kinaya ang pagbyabyahe kaya nagdrop ako sa call center and settled with the coffee shop and I even got promoted. "Magiging okay rin tayo, Lola. Gagawin ko ang lahat para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo 'La." I hugged her again and I felt her cold skin rubbing with mine. My heart felt at peace. Hindi ko na rin ramdam ang stress galing sa paggawa ng mga homeworks ko kinagabihan. "O siya tahan na at may pasok ka pa Isabelle. Kaya na namin dito, antayin ka namin ha." "Opo 'La. Pasok na po ako at natatanggal na ang make-up ko oh. Sayang naman at pinagpaguran ko 'yan ng tatlumpong minuto." Isang yakap pa at ako ay gumayak na palabas. Nakita ko si Zari na nasa sofa sa sala naglalaro ng kanyang barbie doll. "Bye baby. I love you.", kako sabay wave sa kanya. Tumingin siya saglit at ngumiti. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil hindi ko namalayan ang oras. Nawili ako masyado sa pakikipag-usap sa kanila sa bahay at eto ako ngayon naghahabol ng traysikel. "Ysa! Halika na at sabay na tayo!", dumungaw ang ulo ng pinakamaingay na babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Si Jermine na kapitbahay rin namin at isang talakera. "Teka lang Manong!", sigaw ko dahil akmang liliko na siya sa kabilang side. Nang sa wakas ay nakasakay na ako ay tinampal niya ang braso ko. "Hoy ano ka ba! Kanina pa ako tumatawag sa 'yo hindi ka naman sumasagot sa akin. Akala ko masama ang pakiramdam mo kaya hindi na kita hinintay." She even rolled her eyes at me. I just smiled apologetically at her. "Sorry ha. Hindi ko namalayan eh. Naka-silent kasi ako." Sumimangot siya sabay kurot sa akin ng pinong-pino. "Aray naman!" "Gaga ka. Pinag-aalala mo naman ako. Akala ko kung ano na nangyari sa 'yo. Natapos mo naman siguro 'yung mga assignments natin kagabi ano? Pakopya nung sa may Mathematics mwa loveyou." Kung hindi ko lang mahal 'tong babae na 'to aakalain kong weird niya eh. Umagang-umaga napaka-energetic parang nakacharge buong magdamag. "Hay nako. Tatamad-tamad ka na naman Jie. Ayaw mo bang magpa-impress kay Sir Ja? E 'di ba crush mo 'yon?", tukso ko sa kanya. Math professor namin siya. May itsura at matipuno ang katawan. Nasa early twenties pa lang siya at ang alam namin ay single siya. First subject siya sa umaga tapos napakahirap nga niya magbigay ng mga homeworks at seatworks eh. Umirap si Jie sa akin sabay tingin sa kanyang sapatos. Makinang 'yon at halatang kakalinis lamang. Nakikita rin ang maputi niyang balat sa baba ng kanyang palda. Sa aming lugar ay pamilya nila Jermine ang masasabing pinakamayaman. Psychiatrist ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay isang dentist. Hindi ko nga alam kung bakit nag-aaral siya sa public eh kayang-kaya naman nila mag-private. Iba rin trip ng babaeng 'to eh. "Eh Shey. Trina try ko naman mag-aral sa subject niya eh. Sadyang bobo lang ako doon, ang hirap intindihin. Buti pa sana kung essay eh." Nakanguso pa ang babaita. Tumingin siya sa kanyang G-shock na relo sabay nanlaki ang mga mata niya. "Halla Manong dalian mo! Late na kami!" Nagulat yata kaming dalawa ni Manong dahil nag-preno din siya bigla. Parang nag-screenshot naman ang katawan ko sa gulat. Pagkatingin namin sa labas ay nandito na pala kami. Sumilip ako sa relo ni Jie. 7:08 na pala at ibig sabihin noon ay kami ang sasagot sa homework namin sa room gaya ng patakaran ni Sir Ja. Nakita namin ang guard sa labas at hindi na siya nag-aksaya ng panahon na pigilan kami. Aba halos araw-araw ba naman kaming late talagang masasanay siya. Hila-hila na ni Jie ang kamay ko nang tumigil siya sa pagtakbo. Hingal na hingal kaming dalawa dahil nasa may pinakadulo pa ang aming classroom. Sumilip lamang si Jie sa pinto at sabi pumasok na daw kami. Nakita namin si Sir Ja na naka-ready na sa harap. Naka-long sleeves siya na nakatupi hanggang siko at nakatuck-in ito sa kanyang black pants. Ang kaninang masayang pakikipag-usap niya ay naging malamig at nakakatakot para sa akin, pero si Jie ay mukhang kinikilig pa dahil tiningnan na naman siya ng paborito niyang propesor. "Good morning Ms. Baltazar and Ms. Arellano. I take it ready na kayong sagutan ang mga assignments sa harap?" His demanding voice echoed in the whole room. Natahimik kami ni Jie at pati ang aming mga kaklase ay walang imik. "Sir ako na lang po ang sasagot, nadamay lang po si Jie sa kabagalan ko.", lakas-loob kong sinabi sa kanya kahit sa kaloob-looban ay nanginginig na ako. Tumiim ang bagang niya at tinitigan ako ng mabuti. "O sige Ms. Arellano. Pero kung may isang mali ka ay bawas agad ng 5 points ang midterm exam ni Ms. Baltazar. You may start." Napatulala ako ng saglit at nagising lang noong pisilin ni Jie ang kamay ko. Naglakad na 'ko papalapit sa white board at nagsimulang magsulat. Limang items lang 'yon ngunit napakahaba ng solution kaya inabot yata ako ng 15 minutes. Linagay ko na ang marker sa mesa at tiningnan si Sir. Nakatuon sa board ang kanyang mga mata at hindi nagsasalita. Hinawakan ko ang laylayan ng aking uniporme sa kaba. "Very good, Ms. Arellano. I commend you for understanding our lesson. Go back to your seat and let us continue." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon at nang tingnan ko si Jie ay nag-thumbs up siya sa akin. Ganunpaman ay parang iba ang aking pakiramdam sa loob ng aming silid. Hindi ako mapakali ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Recess came and we went out to buy our food. Napakasama kasi ng lasa nung pancit sa canteen namin at mas masarap dito sa pancitan ni Aling Minerva. Konting dugyot, sustansyang dulot. "Ano ba kasi 'yan Shey! Mag-alarm ka kasi minsan. Ayaw mo na ngang pumupunta ako sa bahay ninyo eh." Yamot pa rin si Jermine sa nangyari. Hindi ko rin naman inaasahang matatagalan ako ng ganoon eh. "Sorry na Jie. Hindi na mauulit." I looked down. Ilang beses na rin kasi ito nangyari. "Bukas ay susunduin na lang yata kita. Naku magiging delikado pa ang grades ko yata kay crushiecakes eh. " Natawa na lang ako sa kabaliwan niya. Buti at hindi ako nahahawa sa kanya. Binigay na niya ang pancit sa akin at umupo na kami. Nakaharap ako sa entrance ng pancitan kaya kita ko kahit sa kabilang banda ng daan. Nasa ika-apat na subo pa lamang ako nang makita ko ang hindi inaasahan. Nanlaki ang aking mga mata dahil ang bulto na 'yon ay walang iba kung hindi si Zarie. Nakatayo siya at kumakaway sa akin. May ngiti sa kanyang mga labi at sumasayaw sa hangin ang kanyang mahabang buhok. Nakita kong tatawid na sana siya papunta sa akin. Napakabilis na ng aking paghinga at tumayo ako. Kahit alam kong hindi ako aabot upang sagipin siya dahil sa distansya ay tumakbo pa rin ako. Ramdam ko ang mainit na likido sa gilid ng magkabila kong mga mata. "Zarie! Zarie!" sigaw ako nang sigaw papunta sa kanya. Hindi. Hindi maaari ito. Ang kapatid ko. Ang pinakamamahal kong kapatid. Hindi ko maatim na mawala siya. Napakabigat ng aking puso. Patawid pa lamang ako nang maramdaman kong may humahawak sa aking bewang. Pinigilan niya ako. Pinigilan niya ako sa pagsagip ng kapatid ko. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Zarie, kapatid ko! Diyan ka lang!" patuloy pa rin akong kumakawala sa mga brasong iyon ngunit sadyang napakalakas niya. Wala akong nagawa nang mabunggo siya ng humahagibis na truck. Napaluhod ako at humagulgol. Wala na siya. I covered my eyes with my hands. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa harap ko mismo nangyari iyon sa isang iglap. Kasabay ng pag-iyak ko ay naramdaman ko ring nabasa ang aking balikat ng mga luha. Kay Jie iyon. Nakayakap siya sa akin at tumataas-baba rin ang kanyang balikat dala ng pag-iyak. "Shey, pakiusap tama na. T-tama na. Wala na siya. W-wala na sila." Napakahina at putol-putol niyang sabi sa akin. Hindi iyon rumehistro agad sa aking utak. Napatanga na lang ako nang maintindihan ko iyon. She picked me up and got me a chair. Narinig ko pa siyang nag-sorry sa mga naistorbo sa paligid. Tulala lamang ako. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Mommy, she didn't take her meds again. Sabi ko kasi pumunta na lang ako sa dating bahay at ako mag-aalaga kay Ate." her hand and lips were trembling. Sumagot ang kanyang katawag. "Dito po sa Aling Minerva's panciteria. She's having hallucinations again po." Ate? Tsaka anong hallucinations ang sinasabi niya? My heart and body stopped for a moment. Kinailangan kong huminga. After the call ay umupo siya sa tabi ko. She held my hands and leaned on me. "Ate, kailan ka kaya babalik? Sana gumaling ka na." I haven't understood a thing hanggang may sumundo sa amin na naka-kotse. Nakita ko ang Mama ni Jie doon sa driver's seat at pumasok na kami. Walang imikan. Tahimik. Ngunit ramdam ko ang kaba sa paligid. I want to know. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari dahil gulong-gulo na ako. After the 20-minute drive ay tumigil kami sa harap ng aming bahay. Dali-dali akong kumalas sa pagkakahawak ni Jie at tumakbo paloob ng bahay. Nasaan siya? Nasaan sila? Hinalughog ko ang buong kabahayan ay walang tao. Sumalampak ako sa living room. Bakit ganito? Jie's Mom came to my aid and she rubbed my back. Siya rin ay parang maiiyak na pero 'di ko alam kung bakit. "Shey, may ipagtatapat kami sa 'yo. Sana makinig ka upang maunawaan mo ang lahat." "You are our daughter, Hershey. Jermine is your younger sister and Zarie...siya 'yung bunso." Flashback Hershey, Lola Marie and Zarie liked to stay sa kabilang bahay ng kanilang pamilya. Mukha itong luma sa labas ngunit modernized ang loob nito. Dito ay walang katulong, at sila sila lamang ang mga gumagawa ng bagay-bagay. Ganoon ang gusto ni Lola Marie at Hershey. Si Zarie naman ay mas gustong kadikit ang kanyang ate. Bumubuhos ang napakalakas na ulan noong gabing iyon. Sila naman ay abala sa pag-eempake ng kanilang kagamitan para bukas. Well, sila ang nag-eempake sa gamit ni Lola Mars dahil kaka-injure lamang ng likod niya. Balak nilang bumalik sa villa dahil uuwi ang kanilang Papa galing sa Arizona. Doon muna sila mags-stay hanggang matapos ang bakasyon ni Daniel, ang kanilang ama. "Ate kunin ko lang mga toys ko sa salas ha. Ayaw ko matulog na wala si Zammy." Tukoy nito sa aso na stuffed toy na bigay ni Shey. Madalas kasi silang mag-arcade at iniipon nila ang mga ito sa cabinet sa living room. "O siya sige bunso. Kunin mo na. Kukunin ko lang ang mga sapatos ko sa taas. " Pagkaraan ng ilang minuto ay may kumatok sa kanilang pinto. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi iyon narinig ni Shey. Si Zarie ang nakarinig nito. "Ate! May tao yata sa labas!", sigaw niya. Nang mapagtantong hindi siya naririnig ng kanyang ate ay siya na lamang ang lumapit sa pintuan. Unti-unti niyang binuksan ang lock at hindi niya inaasahan ang pumasok mula roon. Natagalan si Shey dahil sa paghahanap ng kanyang paboritong sapatos na nilagay pala niya sa tuktok ng kanyang cabinet. Nakangisi siyang tiningnan ito. Bigay kasi ito ng kanyang nobyo na si Jackson. Mas matanda sa kanya at nag-aaral sa kursong education. Hindi iyon alam ng kanyang mga magulang dahil alam niyang dapat muna siyang magtapos ng high school. Bumaba siya upang ilagay na sa kanyang maleta ang sapatos ngunit nagulantang siya sa kanyang nadatnan sa sala. Nagkalat ang dugo sa sofa at sa sahig. Gumala ang kanyang tingin sa paligid at nakita niya ang walang buhay na si Zarie. Nanginginig at nangingilid ang kanyang luha palapit sa kanya. "Zarie. Hindi. Hindi. Bunso.." Paulit-ulit lamang niyang sambit habang humahakbang nang dahan-dahan. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso at iniisip niyang isa itong masamang panaginip lamang. Nakatalikod si Zarie mula sa pinto. Sinaksak siya mula sa likod ng tatlong beses. Ang malapot na pulang likido ay patuloy na lumalabas mula sa kanyang katawan. Ang puting bestida niya ay nabahiran na ng dugo at ang mahabang buhok niya ay tumatakip sa kanyang mukha. Doon ay nagsimulang sumigaw si Shey. "Tulong! Tulong! Zaariee! Tulungan n'yo kami! Mama!" Hindi na niya alam ang mga sinasabi niya at kung kanino siya hihingi ng tulong. Kasabay ng pagpalahaw niya ay niyakap niya ang walang buhay na katawan ni Zarie. Noon din ay napagtanto niya ang kanyang lola. Tumayo siya at sumigaw " Lola Mars! Lola!" nanginginig ang boses niya at marahang ibinaba ang bata. "Lola Ma-!" Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang lumabas ang lalaking may hawak na kutsilyo mula sa silid. May hawak din siyang bag na pagmamay-ari ng matanda. Hindi masyadong nakita ni Shey kung sino ito dahil sa mga luha niya at dali dali siyang lumabas mula sa kanilang bahay. Imbes na habulin ang salarin ay mas pinili niyang pumasok sa loob ng kwarto. Mulat ang mga mata at wala na ring buhay ang kanyang pinakamamahal na Lola Mars. Mas lumakas pa ang kanyang pag-iyak at noon din ay sumaklolo ang kanilang mga kapit-bahay. Nakita niya ang salarin. Iisa lamang ang bultong pamilyar sa kanya na may tattoo sa bandang leeg. Parang ahas iyon na nakapulupot dito. Ang kanilang propesor. Present Unti-unti ay bumabalik ang mga masasamang alaala kay Shey at sumakit ang kanyang ulo. Umiyak na naman siya nang umiyak. "Simula noon ay nag-iba ka na, anak. Kinalimutan mo kami at naiintindihan ko na dahil 'yon sa trauma. Pinaniwala mo ang sarili mong buhay pa sila. Ayaw mo na noong bumalik sa amin at kausapin kami, kaya nagpanggap kami. Pati sa paaralan ninyo ay alam ng principal ito. Pasensya ka na anak at kinailangan naming maglihim." Napakahirap lunukin lahat ng mga sinabi niya. Kaya pala parang lagi akong kulang. Kasalanan ko pala kung ba't wala na sila Zarie at Lola Marie. "Pero papaanong ngayon na lamang ako nagkaganito?", sabi ko ng may pag-aalinlangan. "You started to refuse to take your medications na binigay ko. Nagha-hallucinate ka na naman, anak. Natatakot na kami para sa 'yo, that's why we're taking you back to our home.", aniya. Ang mga mata niya ay puno ng determinasyon. I cried again. The pain is starting to consume me as memories are flowing. Napakasakit. Kung sana ay hindi ko sila iniwan sa baba. Kung sana... Nang tumahan ako ay nagtungo na kami sa bahay nila. O namin. "Ma'am Baltazar.." "Please Hershey call me Mommy." Nahihiya pa ako sa kanya dahil sadyang blurry pa rin talaga ang mga alaala ko tungkol sa pamilya namin. "Nahuli po ba 'yung sumaksak kila Lola at Zarie?", sabi ko ng may pag-aalala. "Hindi anak. Walang witness kasi, tapos hindi ka makausap noon. Hindi rin namin alam ang gagawin, mas inuna na namin ang libing nila Lola mo at pagpapagaling mo. " She stared at me sadly but dearly. "Mom, I remember who it was." Confusion flooded my mother's eyes. "Sino anak?" "The person who killed them. Naging boyfriend ko po siya noon. Sinasabi po nilang lulong siya sa droga pero hindi ako naniwala kaya natakot rin akong magsabi sa inyo." She stared at me at napahawak siya sa kanyang dibdib. Ako man ay nagulat sa mga memories, wala na akong magagawa dahil nagawa ko iyon. "Oh my God. Oh my God." Kumuha ako ng tubig at pinainom siya dahil maging siya rin ay namumutla na. "Sino siya anak? Sabihin mo." "It's Professor Jackson Vergara. 'Yung substitute Math teacher po namin ngayon Ma." She immediately called the authorities on him and I verified his identity. Kaya pala uneasy ako sa kanya at ang lalim ng kanyang titig. His snake tattoo looked like it was always glaring at me. Tumatak iyon sa akin. Noong gabing iyon. Sumunod kami sa address ng kanyang tinutuluyan at nakita namin siyang pinoposasan habang pilit siyang nakikipaglaban sa pulisya. Nang makita ako ay tumigil siya. A smirk appeared on his face and his eyes became murderous. "Sana pinatay na rin pala kita noon, love." Anger flooded through my veins at gusto ko siyang sakalin. Pinigilan ako ni Mommy. Yumakap siya sa akin at bumulong "Kami na ang bahala, anak." Ipinagpatuloy nila ang paggamot kay Hershey at umuwi ang kanilang ama at naglagi na sa Pilipinas. Pagkatapos ang isang linggo ay dumadagundong ang balita sa kanilang buong kabahayan, sa radyo at sa telebisyon. 'Isang preso ang patay matapos pagsasaksakin ng mga naka-alitan diumano niya sa loob ng kulungan. Siya ay kinilalang si Jackson Vergara. Siya ay nagtamo ng anim na saksak, tatlo sa likod at tatlo sa harap. Maaalalang ang biktima ay kakapasok sa bilibid pagkatapos siyang makasuhan ng double homicide taong 2021...'  Habang nagkakape ay ngumisi ang dentista at tumingin sa kalangitan. 'Ma, bunso, may you rest in eternal peace.' Tumingin siya sa kanyang mag-iina na natutulog sa kabilang kwarto at nakaramdam ng saya dahil sa pagkamit nila ng hustisya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Wrong Bride

read
973.5K
bc

He Cheated So I Did Too With My Obsessive Boss

read
3.5K
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
89.0K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
101.4K
bc

The Bounty Hunter and His Phoenix Mate (Bounty Hunter Series Book 3)

read
57.3K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
73.4K
bc

Mistletoe Miracle

read
7.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook