Ivelle Ruiz's Point Of View "Paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kanya, hindi maitago ang pagtataka sa aking boses habang binubuksan ko ang pinto. Nang bumukas ito, hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad pumasok, bitbit ang maleta ko na parang pagmamay-ari niya ito. Napakunot ang noo ko habang pinapanood siyang naglakad papasok, tila ba hindi alintana na hindi ko pa siya pinapahintulutan. "Sa kaibigan mong si Letheia," sagot niya, walang pag-aalinlangan, habang inilalapag ang maleta sa may sofa. Napaatras ako nang bahagya, hindi pa rin makapaniwala. "Si Letheia? Paanong—bakit niya ibinigay sa'yo ang address ko?" Tumingin siya sa akin, may bahagyang ngiti sa kanyang labi, pero may kung anong lihim sa kanyang mga mata. "Sinabi ko lang na importante. At mukhang tiwala naman s

