Azrael Takeshi's Point Of View Limang taon na ang lumipas mula nang umalis si Ivelle. Ni anino niya ay hindi ko na nakita, kahit anong pilit ko kay Letheia na sabihin kung nasaan siya, wala akong nakuhang sagot. Tanging iling lang at iwas ng tingin ang isinukli niya sa akin. Sinubukan ko siyang sundan, hanapin kahit saan, pero sa tuwing tatangkain ko, laging may hadlang—parang may pumipigil sa akin. Ngayon, abala ako sa laptop ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Agad akong napatingin at nakita ang dalawang kaibigan kong mukhang tuwang-tuwa pa sa miserable kong sitwasyon. "Ilang taon na ang lumipas, Azrael, pero si Ivelle pa rin ang iniisip mo?" tanong ni Andrew habang walang pakundangang kinuha ang isang beer sa mini ref ko. Napabuntong-hininga ako at walang sabi-sabing bina

