Ivelle Ruiz's Point Of View Abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit namin ni Rael nang bigla siyang pumasok sa kwarto. Dumiretso siya sa kama at umupo, tahimik na iginala ang paningin sa mga maletang nakalatag doon. Kita ko sa kanyang inosenteng mukha ang pagtataka. "Mommy, aalis ba tayo?" inosente niyang tanong, sabay lingon sa akin. Tumango ako at agad siyang niyakap. Pinilit kong pigilan ang luha ko. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Ayaw kong maramdaman niyang may mabigat akong pinagdadaanan ngayon. “Kailangang bisitahin natin ang lolo mo sa Pilipinas, anak,” maingat kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “Kailangan niya si Mommy, kaya uuwi muna tayo. Pero kapag okay na ang lahat, babalik din tayo rito.” Pinilit kong ngumiti at pinisil ang malambot niyang pisngi. "Makikita

