Ivelle Ruiz's Point Of View Nagising ako dahil sa malambing ngunit matigas na boses ng captain sa eroplano, inihahayag na malapit na kaming lumapag sa Pilipinas. Ilang saglit pa, naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng eroplano, kasabay ng bahagyang pag-uga nito sa ere. Dahan-dahan akong bumaling sa kaliwa at tiningnan si Rael—mahimbing pa rin siyang natutulog, nakayakap sa paborito niyang stuffed toy. Ang mahinang paghinga niya ay nagbibigay sa akin ng bahagyang kapayapaan, kahit pa ang puso ko ay tila nagwawala sa kaba. Sa kanan ko naman, si Letheia ay nag-uunat ng braso. Nang mapansin niyang gising na ako, ngumiti siya. "Nakabalik ka na," mahina niyang sabi, pero ramdam ko ang bigat sa likod ng mga salitang iyon. Tumango ako at pinilit ang isang tipid na ngiti, kahit na ang loob k

