Ivelle Ruiz's Point Of View Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto ni Azrael, pero ang huling natatandaan ko ay ang pagpapaubaya ko—ang pagsang-ayon kong manatili. Sa pagkakataong ito, pinili kong magtiwala at bigyan ng puwang ang sarili kong kaligayahan. Dahan-dahan akong dumilat, pilit inaaninag ang paligid habang nakahiga pa rin sa kama. Lumingon ako sa gilid, ngunit wala si Azrael. Agad akong napabalikwas ng bangon, nilibot ang paningin sa buong kwarto. Muntik na akong dapuan ng kaba, ngunit bigla kong naamoy ang isang mabahong singaw na tila nagmumula sa labas ng silid. Napakunot-noo ako. Ano ‘yun? Agad akong bumangon at tinungo ang kusina, sinusundan ang kakaibang amoy na unti-unting nagiging mas matapang. Pagdating ko roon, bumungad sa akin si Azrael—seryosong nakatayo

